Home / Romance / Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo / SPECIAL CHAPTER: DADDY DREAMS

Share

SPECIAL CHAPTER: DADDY DREAMS

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-08-25 14:08:25

Umalis na ang lahat ng mga bisita at tuluyan nang bumalik ang katahimikan dito sa loob ng penthouse. Nakasandal ako sa gilid ng malaking glass wall sa sala, nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw ng Bonifacio Global City habang hawak ang isang baso ng malamig na tubig. Ang isip ko ay andoon pa rin sa eksena kanina kung saan karga ko si baby Alana. Ewan ko ba, parang may kung anong nagbago sa buong sistema ko pagkatapos ng hapon na ito.

Naramdaman ko ang marahang paglakad ni Shanaia papalapit sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 99

    “Jared, hindi mo ba sasabihin sa asawa mo?”“Anong sasabihin ko?”“That you're not as loyal as she thinks.”Bahagyang tumaas ang isang kilay nito. “Interesting accusation.”“Accusation?” Napatawa si Celestine. “May ebidensiya ako.”“Then show it.”Napatigil si Celestine. Hindi pa rin niya alam kung bakit hindi natitinag ang lalaki, ngunit hindi na mahalaga iyon; nasa harapan niya si Lilith, at kailangan niyang buksan ang mga mata nito.“Alam mo ba kung gaano kadaling lokohin ang isang taong nagtitiwala nang sobra?” tanong niya kay Lilith.“Depende. Madali bang lokohin ang isang taong walang ebidensiya kundi sariling imahinasyon?”Napasinghap si Celestine. “You're so full of yourself!”“At least, hindi ako puno ng kasinungalingan.”“Watch your mouth!”“Why? Natatakot ka bang marinig ang katotohanan?”Napahigpit ang hawak ni Celestine sa kaniyang bag. “Alam mo, hindi porke't ikaw ang asawa, ikaw na ang laging pinipili.”“At hindi porke't may kissmark ka sa leeg, ikaw na ang pinili.”Nap

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 98

    Bandang alas-dos ng hapon nang tuluyang magtungo si Celestine sa opisina ni Lilith. Kanina pa siya nag-iisip kung paano niya haharapin ang babaeng iyon matapos ang nangyari kagabi. Hindi man niya nakita nang malinaw ang mukha ng lalaking nakasama, alam niyang si Jared iyon—sino pa ba ang ibang lalaking may dahilan para manatili sa family office nang ganoong oras?At higit sa lahat, hindi siya basta-basta uurong ngayon. Mayroon siyang alas sa kamay—isang alas na magagamit niya para tuluyang makuha ang lahat ng gusto niya.Pagdating niya sa opisina, hindi na niya kinailangang kumatok nang matagal; bahagya niyang itinulak ang pinto at agad na pumasok.Ngunit natigilan siya sa nakita niya.Nasa likod ng malawak na mesa si Lilith. Nakaupo ito sa swivel chair habang may hawak na tasa ng kape, nakasuot ng eleganteng blouse at pantalon, maayos ang buhok, at walang bahid ng pagod sa mukha. Sa kabilang bahagi naman ng mesa ay nakaupo si Jared, nakasandal sa upuan habang kalmadong umiinom ng kap

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 97

    Hindi niya man nakita nang malinaw ang mukha ng lalaki, buo ang paniniwala niyang si Jared iyon. Hindi niya pinayagang pumasok sa isip niya ang posibilidad na nagkamali siya; para sa kaniya, mas madaling tanggapin ang bersiyong iyon, at mas madali rin nitong bigyang-katwiran ang lahat ng susunod niyang gagawin.Kinuha niya ang kaniyang bag at lumabas. Sa pasilyo, may nasalubong siyang isang katulong na nagdala ng mga dokumento sa kabilang bahagi ng mansiyon.“Good morning, Miss Celestine.”Ngumiti siya. “Good morning.”Napansin ng katulong ang bahagyang gusot ng buhok niya at ang pagod sa mukha, ngunit hindi ito nagtanong. “May kailangan po ba kayo?”“Wala. Nakita mo ba si Sir Jared?”“Hindi po, Miss. Hindi ko pa po siya nakikita ngayong umaga.”“Ah, okay.”Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi niya alam kung bakit hindi nakita ng katulong si Jared, at hindi rin niya inisip na maaaring may dahilan kung bakit walang sinumang nakapansin sa pag-alis nito. Ang mahalaga, sa isip niya, nang

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 96

    Ilang sandali pa ang lumipas bago tuluyang nagpasya si Celestine na bumalik sa family office.Hindi niya alam kung bakit tila lalo siyang kinakabahan habang papalapit sa pasilyo. Kanina pa niya hinihintay ang pagkakataong iyon; ilang beses na niyang sinilip ang telepono, umaasang may mensaheng magpapatunay na naiinom na ni Jared ang kape at maayos ang lahat ng kaniyang plano.Ngunit wala siyang natanggap.Gayunman, hindi na siya umatras. Naniniwala siyang nasa sistema na ng lalaki ang libido pill at malapit na itong umapekto. At kung naroon nga si Jared, hindi niya hahayaang masayang ang pagkakataon.Pagdating niya sa tapat ng family office, napansin niyang patay na ang mga ilaw sa loob. Bahagya siyang nagtaka—karaniwan ay may ilaw pa roon habang may nagtatrabaho, lalo na kung si Lilith ang naroroon. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto.“Hello?”Walang sumagot.Pumasok siya at marahang isinara ang pinto sa likuran niya. Madilim ang buong silid, maliban sa bahagyang liwanag na nagmum

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 95

    Bahagyang ngumiti si Celestine. “Wala kang kailangang alalahanin. Gawin mo lang ang sinabi ko.”Binuksan niya ang kaniyang maliit na pouch at inabot kay Maribel ang isang maliit, kulay-puting kapsula. “Ihalo mo ito sa kape ni Jared. Siguraduhin mong matunaw itong mabuti at maiinom niya nang walang pag-aalinlangan.”Nanginginig na tinanggap ni Maribel ang kapsula. Sa halip na tumanggi, tumango ito nang may pagsang-ayon sa mukha. “Masusunod po, Miss. Naiintindihan ko na po ang gagawin ko.”At sa sandaling iyon, naniwala si Celestine na buong-puso siyang tinutulungan at sinasamahan ng katulong sa kaniyang maruming plano.Muling bumalik si Celestine sa kaniyang silid, isinara ang pinto, at inilapag ang bag sa ibabaw ng kama bago naupo sa harap ng salamin.Sa repleksiyon niya, nakita ang isang babaeng maayos ang bihis, maganda ang pagkakaayos ng buhok, at walang bahid ng kaguluhan sa mukha. Ngunit sa likod ng maayos na anyong iyon ay may isip na unti-unting nilalamon ng inggit. Naalala niy

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 94

    THIRD POV..Hindi mapakali si Celestine habang naglalakad sa pasilyo ng mansiyon. Ilang araw na siyang hindi makatulog nang maayos dahil sa sunod-sunod na balitang natatanggap niya tungkol kay Lilith, at lalong lumalala ang kaniyang pagkadismaya sa tuwing naririnig niyang may bagong pagbabagong ipinatutupad ang pinsan.Ang dating mga tauhang sumusunod sa kaniya ay ngayo'y abala sa pagsisilbi kay Lilith. Ang mga dating opisina at silid na malaya niyang napapasok ay nangangailangan na ngayon ng pahintulot. Maging ang mga taong dati niyang kayang utusan nang walang pagtutol ay nag-iingat na sa bawat salitang binibitawan sa kaniyang harapan.Hindi niya matanggap iyon.Para sa kaniya, hindi nararapat na ang isang babaeng kagagaling lamang sa mahabang pagkawala ang biglang magkaroon ng ganitong kapangyarihan. At higit sa lahat, hindi niya matanggap na si Jared Monteverde ang lalaking pinili ni Lilith.Habang papalapit siya sa kusina, napansin niya ang isang katulong na nag-aayos ng mga gami

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 1

    Masyadong maingay, masyadong mausok, at masyadong... mapagpanggap. Iyan ang unang pumasok sa isip ni Shanaia habang nakasandal sa leather couch ng CC9. The high-end bar owned by the elusive billionaire Rhamesis Wilton he was the epitome of Manila’s elite nightlife. Glass chandeliers hung like f

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 5

    Ang akala ko, kapag sinabing "courtship" o panliligaw, 'yung tipong text-text lang muna, sundo kapag may time, o kaya naman ay dinner tuwing weekend. Pero iba si Jeriel Ford Severin. Ang definition niya yata ng panliligaw ay ang maging anino ko. Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 4

    "So, anong say mo sa place? Hindi naman masama, 'di ba?" tanong ni Jeriel habang prenteng nakasandal sa kaniyang upuan. Dinala niya ako sa isang exclusive, reservations-only restaurant sa BGC. Ang buong paligid ay gawa sa madidilim na kahoy at glass panels na may overlooking view ng cityscape. Kaun

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 3

    "Excellent! Maintain that fierce look, Shan! 1, 2, 3... pose!" Ang sunod-sunod na tunog ng camera shutter at ang nakasisilaw na studio lights ang gumising sa natitira ko pang lakas. Halos tatlong oras lang ang tulog ko mula sa party kagabi sa CC9, pero kapag trabaho ang usapan, bawal ang mukhang pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status