Share

Chapter 3

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-17 18:53:40

"Excellent! Maintain that fierce look, Shan! 1, 2, 3... pose!"

Ang sunod-sunod na tunog ng camera shutter at ang nakasisilaw na studio lights ang gumising sa natitira ko pang lakas. Halos tatlong oras lang ang tulog ko mula sa party kagabi sa CC9, pero kapag trabaho ang usapan, bawal ang mukhang puyat. I am Shanaia Lux, and the runway and cameras are my territory.

Matapos ang huling layout para sa summer catalog ng isang sikat na local brand, sa wakas ay sumigaw na rin ang photographer ng, "Wrap up! Good job, everyone!"

"Grabe, Shan. Puyat ka niyan pero parang hindi ka uminom kagabi, ah?" puri sa akin ni Ms. Karen, ang head stylist ng shoot, habang tinutulungan akong tanggalin ang mabigat na accessories.

"Tubig at determinasyon lang, Ms. Karen," natatawa kong sagot habang nagpupunas ng pawis gamit ang tissue.

"May naghihintay nga pala sa 'yo sa dressing room. Kanina pa dumating, bago matapos ang shoot mo," dagdag niya na may nakakantiyaw na ngiti.

Kumunot ang noo ko. "Sino? Si Alodia?"

"Aba, ewan ko. Pero mukhang big-time. Pumasok ka na lang doon."

Bitbit ang bottled water ko, naglakad ako patungo sa private dressing room. Pagka-tulak ko ng pinto, agad na bumungad sa akin ang isang napakalaking bouquet ng naglalakihang red ecuadorian roses na nakapatong sa ibabaw ng vanity table. Sa sobrang laki nito, halos matakpan na ang salamin.

Napakunot ang noo ko. Lumapit ako at kinuha ang maliit na black card na nakasingit sa mga bulaklak. Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat:

To the fiercest girl I've ever met.

Hope these flowers brighten your day as much as your attitude ruined my momentum last night. 😉

— Jeriel Ford

"Bwisit," awtomatiko kong bulong.

Hinalo ko ang mga bulaklak para hanapin kung may hidden camera ba o kung anong biro, pero wala. Seryoso ba siya? Paano niya nalaman kung saang studio ang shoot ko ngayon?

"Nagustuhan mo ba?"

Muntik ko nang mabitawan ang card sa gulat. Mula sa madilim na sulok ng dressing room, kung saan may maliit na couch, ay dahan-dahang tumayo si Jeriel.

Naka-suot siya ngayon ng casual black t-shirt na hapit sa katawan niya, fitted jeans, at may nakasabit na shades sa collar ng kaniyang damit. Mukha siyang fresh, walang bakas ng puyat, at mayroon na namang nakakairitang mapaglarong ngiti sa mga labi.

"Sino'ng nagbigay sa 'yo ng permiso na pumasok dito?!" bulyaw ko sa kaniya, agad na itinago ang gulat sa likod ng matataray kong tingin. "This is a private property!"

"Easy, Shan. I didn't break in," he raised both hands defensively, completely unbothered by my yelling. "I am the owner of this studio. So technically, malakas ako sa management."

Naalala ko ang nabanggit ng mga tsismosa kagabi. Isa siya sa mga bilyonaryo na na'roon kagabi. Putspa, konektado ba ang lalaking ito sa lahat ng sulok ng industriya ko?

"Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang may-ari. Lumabas ka rito at dalhin mo 'tong mga bulaklak mo. Hindi ako tumatanggap ng basura," matigas kong sabi, sabay tulak sa bouquet pabalik sa direksyon niya.

Jeriel chuckled, stepping closer. "Basura? Ang mahal niyan, Shan. Kakadating lang niyan galing Ecuador. Parang ikaw... you have a foreign beauty, pero may tinik."

"Huwag mo akong madaan sa mga banat mong gasgas na sa mga babae mo, Jeriel. Hindi ako tulad nila na konting ganiyan mo lang ay bibigay na," asik ko sa kaniya. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?"

Jeriel stopped just a foot away from me. Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata. Sa unang pagkakataon, nawala ang mapaglarong ngiti niya at napalitan ng isang seryoso, ngunit mapanganib na titig.

"I like challenges, Shanaia," he said, his voice dropping an octave, sending a weird shiver down my spine. "And you... you are the most interesting challenge I've encountered in a long time. Gusto lang kitang ayain mag-lunch."

"At sa tingin mo naman sasama ako sa 'yo?" I scoffed.

"Bakit hindi? It's just lunch. Unless... natatakot ka?" hamon niya, muling bumalik ang mapang-asar na ngiti sa mukha niya. "Natatakot ka ba na baka kapag nakasama mo ako, ma-fall ka rin sa charm ko?"

Natawa ako nang sarkastiko. "Ako? Ma-fa-fall sa 'yo? In your dreams, Severin. Sige. Papayag ako sa lunch na 'yan. Para mapatunayan ko sa 'yo na kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo makukuha ang gusto mo sa akin."

Jeriel’s eyes gleamed with absolute triumph. "Great. Let’s go?"

Hindi ko alam, habang naglalakad ako palabas ng dressing room kasunod niya, na ang tinanggap kong hamon ay ang mismong patibong na inihanda niya para sa akin. Akala ko ay pinatutunayan ko lang ang tapang ko, pero dahan-dahan ko na palang ibinubuka ang pinto para sa kaniyang panghihimasok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: DADDY JERIEL

    Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko habang nakatayo kaming dalawa sa harap ng salamin sa loob ng aming banyo. Ang test kit ay nakalapag sa marble counter, ang dalawang malinaw na pulang guhit ay tila nakatitig sa aming dalawa. Sa labas ng banyo, narinig ko ang mahinang tunog ng mga sasakyan sa BGC, pero dito sa loob, ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat naming paghinga. Tumingin ako kay Jeriel. Ang dating matapang at hindi matitinag na CEO ay parang isang estatwa. He froze. Wala siyang kibo, ang kaniyang mga mata ay nakapako lang sa maliit na plastic stick na hawak ko. Jeriel? mahinang tawag ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang kaniyang kamay. Naramdaman ko ang lamig ng kaniyang balat. Ang kaniyang mga mata ay unti-unting namumula. Ang mga salitang dapat ay sasabihin ko ay parang bumara sa lalamunan ko. Jeriel, you’re going to be a dad, pag-uulit ko, mas malinaw na ngayon, kahit na ang boses ko ay nanginginig sa labis na emosyon. Jeriel Ford Severin POV Hin

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: BABY FEVER

    Nandito kaming lahat sa sala ng penthouse para sa isang simpleng afternoon get-together kasama ang barkada. Pero iba ang set up ngayon dahil hindi lang ang Ex-Deal Boys at Investigation Girls ang andito. May mga bitbit na silang mga bata. Si Jeremiah at Chantal ay kasama ang kanilang one-year-old baby girl, habang ang ilang pinsan naman nina Roman ay nagdala rin ng kanilang mga toddlers. Ang tahimik at classy kong penthouse ay biglang nagmukhang isang daycare center sa dami ng mga laruan at baby bags sa sahig. "Bro, paki-hold nga muna si Alana, kukunin ko lang 'yung diaper bag sa sasakyan," sabi ni Jeremiah sabay abot sa akin ng kaniyang anak bago ko pa man makuha ang aking kape. "Wait, Jeremiah, baka mabitawan ko 'to!" mabilis kong sagot habang maingat kong inilalagay ang aking mga kamay sa ilalim ng kilikili ng bata. Unexpectedly, I became soft around children sa mga sandaling ito. Imbis na mag-panic o ibigay agad ang bata kay Shanaia, dahan-dahan kong inilapit si baby Alana s

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: TWO PINK LINES

    Gising na gising na ang buong BGC sa labas ng aming penthouse, pero heto ako, nakakulong pa rin sa loob ng aming master bathroom, yakap ang gilid ng toilet bowl habang ang buong mundo ko ay umiikot. Dalawang linggo na akong nakakaranas ng matinding pagkahilo at pagkadiri sa bawat amoy ng kape na ipinaghahanda sa akin ni Jeriel tuwing umaga. Sa simula, inakala ko lang na stress ito mula sa trabaho dahil sa dami ng inaasikaso kong designs para sa susunod na season, pero habang tumatagal, mas lumalala ang nararamdaman ko. Shan, are you okay in there? Kanina ka pa tahimik, tawagan ko na ba ang doctor natin? sigaw ni Jeriel mula sa labas ng pinto, halatang-halata ang kaba sa kaniyang boses. Okay lang ako, Jeriel! Just give me a few more minutes, baka nakakain lang ako ng kung ano kagabi, sagot ko habang pilit kong kinokolekta ang aking sarili. Hinaplos ko ang aking tiyan at biglang pumasok sa isip ko ang isang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Binilang ko ang mga araw sa aking kale

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: DADDY DREAMS

    Umalis na ang lahat ng mga bisita at tuluyan nang bumalik ang katahimikan dito sa loob ng penthouse. Nakasandal ako sa gilid ng malaking glass wall sa sala, nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw ng Bonifacio Global City habang hawak ang isang baso ng malamig na tubig. Ang isip ko ay andoon pa rin sa eksena kanina kung saan karga ko si baby Alana. Ewan ko ba, parang may kung anong nagbago sa buong sistema ko pagkatapos ng hapon na ito. Naramdaman ko ang marahang paglakad ni Shanaia papalapit sa pwesto ko. Suot na niya ang kaniyang kumportableng silk nightgown at dahan-dahan niyang ipinalupot ang kaniyang mga braso sa baywang ko mula sa likod. "Hey, my quiet husband," pabulong na panimula ni Shan, isinusubsob ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking mga balikat. "Kanina ka pa ganyan simula nung umalis sina Roman. Is something wrong, Jeriel? Sobra ka bang napagod sa pag-aalaga kay Alana kanina?" Humarap ako sa kaniya, dahan-dahang inilalagay ang aking bakanteng kamay sa kaniyang pisngi

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: HONEYMOON MEMORIES

    Sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang gabi kung kailan kami unang lumapag sa private villa rito sa Maldives para sa aming honeymoon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang hampas ng mga alon sa ilalim ng aming overwater bungalow at ang marahang pag-ihip ng hangin mula sa karagatan. Puno ng mababangong kandila ang buong silid, at ang malaking glass floor sa gitna ng kwarto ay nagpapakita ng malinaw na tubig sa ilalim kung saan lumalangoy ang mga maliliit na isda. Kakagaling ko lang sa banyo para mag-refresh pagkatapos ng aming mahabang flight mula sa Maynila. Suot ko ang isang white silk robe na hanggang tuhod ko lang, at habang sinusuklay ko ang basang buhok ko sa harap ng malaking salamin, naramdaman ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng veranda. Iniluwa nito ang asawa ko na suot lang ang isang maluwag na white linen pants, gulu-gulo pa ang buhok mula sa hangin sa labas, at may hawak na dalawang baso ng champagne. "You look absolutely stunning, baby," pabulong na panimu

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: CAPTAIN KIM'S WISDOM

    Alas-singko na ng hapon at kasalukuyan kaming nakaupo sa may garden area ng resort lounge kung saan kami pansamantalang nag-stay para sa isang weekend family gathering. Malamig ang hangin at napakakalma ng paligid, malayo sa ingay at domestic chaos ng penthouse namin sa BGC. Habang si Jeriel ay abala sa pakikipag-usap sa kaniyang mga pinsan sa kabilang bahagi ng pavilion, naiwan ako sa lamesa kasama sina Captain Kim at Mylene. "Shan, you look so beautiful with that baby bump," nakangiting panimula ni Mylene habang inilalapag ang isang baso ng mainit na gatas sa tapat ko. "You're glowing, my sister-in-law. Parang kailan lang, problemadong-problemado ka sa mga designs mo, tapos ngayon, malapit ka nang maging mom." "Salamat, Mylene," sagot ko habang hinahawakan ang aking tiyan nang may kasamang marahang ngiti. "Pero to be honest, habang papalapit 'yung due date ko, mas lalo akong kinakabahan. I mean, what if hindi ko magawa nang maayos ang pagiging ina? Ang dami kong iniisip gabi-gabi.

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 5

    Ang akala ko, kapag sinabing "courtship" o panliligaw, 'yung tipong text-text lang muna, sundo kapag may time, o kaya naman ay dinner tuwing weekend. Pero iba si Jeriel Ford Severin. Ang definition niya yata ng panliligaw ay ang maging anino ko. Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 4

    "So, anong say mo sa place? Hindi naman masama, 'di ba?" tanong ni Jeriel habang prenteng nakasandal sa kaniyang upuan. Dinala niya ako sa isang exclusive, reservations-only restaurant sa BGC. Ang buong paligid ay gawa sa madidilim na kahoy at glass panels na may overlooking view ng cityscape. Kaun

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 2

    "Girl, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan pagkatapos mong mag-washroom," untag sa akin ni Alodia habang isinasabit ang kaniyang designer bag sa balikat. Medyo humuhupa na ang ingay sa CC9 dahil madaling-araw na rin. "I'm fine. Napagod lang siguro sa ingay," pagsisinungaling ko. Ayokong sab

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 1

    Masyadong maingay, masyadong mausok, at masyadong... mapagpanggap. Iyan ang unang pumasok sa isip ni Shanaia habang nakasandal sa leather couch ng CC9. The high-end bar owned by the elusive billionaire Rhamesis Wilton he was the epitome of Manila’s elite nightlife. Glass chandeliers hung like f

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status