LOGIN"So, anong say mo sa place? Hindi naman masama, 'di ba?" tanong ni Jeriel habang prenteng nakasandal sa kaniyang upuan.
Dinala niya ako sa isang exclusive, reservations-only restaurant sa BGC. Ang buong paligid ay gawa sa madidilim na kahoy at glass panels na may overlooking view ng cityscape. Kaunti lang ang tao, at halatang ang mga kumakain dito ay 'yung mga tipong hindi na tumitingin sa presyo ng menu. "Puwede na. Masarap naman ang steak," matabang kong sagot sabay hiwa sa pagkain ko. I was trying my best to look unaffected, kahit ang totoo ay medyo naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. He wasn't even eating much; he was just watching me. "You know, you're the first girl na dinala ko rito na mas binu-busy ang sarili sa pagkain kaysa sa akin," natatawang saad niya, sumisimsim ng wine mula sa kaniyang baso. "Ganoon talaga kapag pagod sa trabaho. Mas may silbi ang steak kaysa sa 'yo," pambabara ko sa kaniya. "At saka, huwag mo nga akong ma-kumpara sa mga past babae mo. Sabi ko naman sa 'yo, hindi ako tulad nila." Napatigil si Jeriel, ang kaniyang mapaglarong ngiti ay dahan-dahang naging isang interesadong ngisi. "I can see that. At mas lalo lang akong nagagandahan sa 'yo kapag nagtataray ka." "Flattery won't work on me, Severin," irap ko sa kaniya. "Deretsuhin mo nga ako. Bakit ba pinagdidiskitahan mo ako? Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa 'yo sa Metro Manila, bakit ako?" Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago muling tumingin sa aking mga mata. "Sabi ko naman sa 'yo sa studio, gusto ko ng challenge. Siguro dahil sanay ako na lahat ng gusto ko, nakukuha ko nang madali. Pero ikaw... simula pa lang sa washroom ng CC9, tinatarayan mo na ako. Na-curious lang ako." "Curiosity kills the cat, Jeriel," babala ko. "But satisfaction brought it back," mabilis niyang ganti na may kasamang kindat. "Gawin nating simple, Shan. Isang deal." Napatigil ako sa pagsubo at tiningnan siya nang may pagdududa. "Deal? Anong deal?" "Give me three months," seryoso niyang sabi, bagamat may laro pa rin sa kaniyang mga mata. "Three months to court you. Let me enter your life. Kapag pagkatapos ng tatlong buwan ay wala pa ring talab itong charms ko sa 'yo, I will leave you alone. Hinding-hindi mo na makikita ang mukha ko kahit kailan. Deal?" Three months. Bakit parang pamilyar ang timeline na 'yon? Pero binalewala ko ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Tatlong buwan? Napakabilis niyon. At sigurado akong hinding-hindi ako magkakagusto sa isang playboy na tulad niya. Ito na siguro ang pinakamagandang paraan para lubayan niya ako habambuhay. "Three months? At kapag natalo ka, lulubayan mo na ako?" paninigurado ko. "Of course. Ang isang Severin ay hindi sumisira sa usapan," mayabang niyang sagot. "Fine. Deal," matapang kong sabi, sabay lahad ng kamay ko sa kaniya. "Three months, Jeriel Ford. At sisiguraduhin kong sa huli, uuwi kang talunan." Ngumiti nang napakalawak si Jeriel at tinanggap ang kamay ko. Ang kaniyang hawak ay mainit at mahigpit, na tila ba may iba siyang ibig sabihin sa pagkakamay na 'yon. Matapos akong ihatid ni Jeriel sa condo sa kadahilanang hindi ko na natanggihan dahil nagpumilit siya, agad akong dumeretso sa banyo para mag-half bath at mag-alis ng makeup. Habang nagpapatuyo ng buhok, hindi ko mapigilang isipin ang deal. Bakit ako pumayag? Pero naisip ko rin, mas mabuti na 'to para matapos na ang pangungulit niya. Samantala, sa kabilang banda ng lungsod, nasa loob ng kaniyang sports car si Jeriel, nakaparada sa gilid ng kalsada habang mabilis na nag-ta-type sa kaniyang telepono. [ GROUP CHAT: BBC GC] Jeriel Ford: Phase 1 complete. Pumayag siya sa 3 months. Rhamesis: Seryoso? Paano mo napapayag ang pusa ni Velvet Frames? Jeriel Ford: I challenged her. Matapang ang pusa, eh. Ginusto niyang patunayan na hindi siya mafafall sa akin. Jeremiah: Hahaha! Gago, pumasok sa sarili niyang bitag. Damon: You're ruthless, Severin. Millions are waving. Kim: Siguraduhin mo lang na hindi ikaw ang mafa-fall diyan sa huli, bro. Jeriel Ford: Bro, si Jeriel Ford Severin ako. Ako ang nagpapaiyak, hindi ang umiiyak. Easy money 'to, pusta niyo na ang mga tseke niyo. Ibinaba ni Jeriel ang kaniyang phone at tumingin sa kawalan, may mapaglarong ngiti. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, sa tuwing naaalala niya ang matapang na tingin ni Shan at ang pakiramdam ng palad nito sa kamay niya kanina, may kakaibang pintig sa kaniyang dibdib na hindi niya mabilis na maipaliwanag. Isang laro na nagsimula sa pustahan... pero unti-unti nang nagbubukas ng pintuan para sa isang bagyong pareho nilang hindi inaasahan.Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko habang nakatayo kaming dalawa sa harap ng salamin sa loob ng aming banyo. Ang test kit ay nakalapag sa marble counter, ang dalawang malinaw na pulang guhit ay tila nakatitig sa aming dalawa. Sa labas ng banyo, narinig ko ang mahinang tunog ng mga sasakyan sa BGC, pero dito sa loob, ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat naming paghinga. Tumingin ako kay Jeriel. Ang dating matapang at hindi matitinag na CEO ay parang isang estatwa. He froze. Wala siyang kibo, ang kaniyang mga mata ay nakapako lang sa maliit na plastic stick na hawak ko. Jeriel? mahinang tawag ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang kaniyang kamay. Naramdaman ko ang lamig ng kaniyang balat. Ang kaniyang mga mata ay unti-unting namumula. Ang mga salitang dapat ay sasabihin ko ay parang bumara sa lalamunan ko. Jeriel, you’re going to be a dad, pag-uulit ko, mas malinaw na ngayon, kahit na ang boses ko ay nanginginig sa labis na emosyon. Jeriel Ford Severin POV Hin
Nandito kaming lahat sa sala ng penthouse para sa isang simpleng afternoon get-together kasama ang barkada. Pero iba ang set up ngayon dahil hindi lang ang Ex-Deal Boys at Investigation Girls ang andito. May mga bitbit na silang mga bata. Si Jeremiah at Chantal ay kasama ang kanilang one-year-old baby girl, habang ang ilang pinsan naman nina Roman ay nagdala rin ng kanilang mga toddlers. Ang tahimik at classy kong penthouse ay biglang nagmukhang isang daycare center sa dami ng mga laruan at baby bags sa sahig. "Bro, paki-hold nga muna si Alana, kukunin ko lang 'yung diaper bag sa sasakyan," sabi ni Jeremiah sabay abot sa akin ng kaniyang anak bago ko pa man makuha ang aking kape. "Wait, Jeremiah, baka mabitawan ko 'to!" mabilis kong sagot habang maingat kong inilalagay ang aking mga kamay sa ilalim ng kilikili ng bata. Unexpectedly, I became soft around children sa mga sandaling ito. Imbis na mag-panic o ibigay agad ang bata kay Shanaia, dahan-dahan kong inilapit si baby Alana s
Gising na gising na ang buong BGC sa labas ng aming penthouse, pero heto ako, nakakulong pa rin sa loob ng aming master bathroom, yakap ang gilid ng toilet bowl habang ang buong mundo ko ay umiikot. Dalawang linggo na akong nakakaranas ng matinding pagkahilo at pagkadiri sa bawat amoy ng kape na ipinaghahanda sa akin ni Jeriel tuwing umaga. Sa simula, inakala ko lang na stress ito mula sa trabaho dahil sa dami ng inaasikaso kong designs para sa susunod na season, pero habang tumatagal, mas lumalala ang nararamdaman ko. Shan, are you okay in there? Kanina ka pa tahimik, tawagan ko na ba ang doctor natin? sigaw ni Jeriel mula sa labas ng pinto, halatang-halata ang kaba sa kaniyang boses. Okay lang ako, Jeriel! Just give me a few more minutes, baka nakakain lang ako ng kung ano kagabi, sagot ko habang pilit kong kinokolekta ang aking sarili. Hinaplos ko ang aking tiyan at biglang pumasok sa isip ko ang isang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Binilang ko ang mga araw sa aking kale
Umalis na ang lahat ng mga bisita at tuluyan nang bumalik ang katahimikan dito sa loob ng penthouse. Nakasandal ako sa gilid ng malaking glass wall sa sala, nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw ng Bonifacio Global City habang hawak ang isang baso ng malamig na tubig. Ang isip ko ay andoon pa rin sa eksena kanina kung saan karga ko si baby Alana. Ewan ko ba, parang may kung anong nagbago sa buong sistema ko pagkatapos ng hapon na ito. Naramdaman ko ang marahang paglakad ni Shanaia papalapit sa pwesto ko. Suot na niya ang kaniyang kumportableng silk nightgown at dahan-dahan niyang ipinalupot ang kaniyang mga braso sa baywang ko mula sa likod. "Hey, my quiet husband," pabulong na panimula ni Shan, isinusubsob ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking mga balikat. "Kanina ka pa ganyan simula nung umalis sina Roman. Is something wrong, Jeriel? Sobra ka bang napagod sa pag-aalaga kay Alana kanina?" Humarap ako sa kaniya, dahan-dahang inilalagay ang aking bakanteng kamay sa kaniyang pisngi
Sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang gabi kung kailan kami unang lumapag sa private villa rito sa Maldives para sa aming honeymoon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang hampas ng mga alon sa ilalim ng aming overwater bungalow at ang marahang pag-ihip ng hangin mula sa karagatan. Puno ng mababangong kandila ang buong silid, at ang malaking glass floor sa gitna ng kwarto ay nagpapakita ng malinaw na tubig sa ilalim kung saan lumalangoy ang mga maliliit na isda. Kakagaling ko lang sa banyo para mag-refresh pagkatapos ng aming mahabang flight mula sa Maynila. Suot ko ang isang white silk robe na hanggang tuhod ko lang, at habang sinusuklay ko ang basang buhok ko sa harap ng malaking salamin, naramdaman ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng veranda. Iniluwa nito ang asawa ko na suot lang ang isang maluwag na white linen pants, gulu-gulo pa ang buhok mula sa hangin sa labas, at may hawak na dalawang baso ng champagne. "You look absolutely stunning, baby," pabulong na panimu
Alas-singko na ng hapon at kasalukuyan kaming nakaupo sa may garden area ng resort lounge kung saan kami pansamantalang nag-stay para sa isang weekend family gathering. Malamig ang hangin at napakakalma ng paligid, malayo sa ingay at domestic chaos ng penthouse namin sa BGC. Habang si Jeriel ay abala sa pakikipag-usap sa kaniyang mga pinsan sa kabilang bahagi ng pavilion, naiwan ako sa lamesa kasama sina Captain Kim at Mylene. "Shan, you look so beautiful with that baby bump," nakangiting panimula ni Mylene habang inilalapag ang isang baso ng mainit na gatas sa tapat ko. "You're glowing, my sister-in-law. Parang kailan lang, problemadong-problemado ka sa mga designs mo, tapos ngayon, malapit ka nang maging mom." "Salamat, Mylene," sagot ko habang hinahawakan ang aking tiyan nang may kasamang marahang ngiti. "Pero to be honest, habang papalapit 'yung due date ko, mas lalo akong kinakabahan. I mean, what if hindi ko magawa nang maayos ang pagiging ina? Ang dami kong iniisip gabi-gabi.
Ang akala ko, kapag sinabing "courtship" o panliligaw, 'yung tipong text-text lang muna, sundo kapag may time, o kaya naman ay dinner tuwing weekend. Pero iba si Jeriel Ford Severin. Ang definition niya yata ng panliligaw ay ang maging anino ko. Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako
"Excellent! Maintain that fierce look, Shan! 1, 2, 3... pose!" Ang sunod-sunod na tunog ng camera shutter at ang nakasisilaw na studio lights ang gumising sa natitira ko pang lakas. Halos tatlong oras lang ang tulog ko mula sa party kagabi sa CC9, pero kapag trabaho ang usapan, bawal ang mukhang pu
"Girl, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan pagkatapos mong mag-washroom," untag sa akin ni Alodia habang isinasabit ang kaniyang designer bag sa balikat. Medyo humuhupa na ang ingay sa CC9 dahil madaling-araw na rin. "I'm fine. Napagod lang siguro sa ingay," pagsisinungaling ko. Ayokong sab
Masyadong maingay, masyadong mausok, at masyadong... mapagpanggap. Iyan ang unang pumasok sa isip ni Shanaia habang nakasandal sa leather couch ng CC9. The high-end bar owned by the elusive billionaire Rhamesis Wilton he was the epitome of Manila’s elite nightlife. Glass chandeliers hung like f







