Share

Chapter 2

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-17 18:52:22

"Girl, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan pagkatapos mong mag-washroom," untag sa akin ni Alodia habang isinasabit ang kaniyang designer bag sa balikat. Medyo humuhupa na ang ingay sa CC9 dahil madaling-araw na rin.

"I'm fine. Napagod lang siguro sa ingay," pagsisinungaling ko.

Ayokong sabihin sa kaniya ang nangyari sa banyo. Una, dahil kadiri. Pangalawa, dahil nalaman ko mula sa ibang mga tsismosang models sa kabilang mesa kung sino ang bastos na lalaking 'yon. Jeriel Ford Severin. Sikat na playboy, galing sa marangyang pamilya, at balita ko ay walang sineseryosong babae. Typical rich, spoiled brat na akala mo ay pag-aari ang mundo.

"Guys, una na ako. May catalog shoot pa ako bukas para sa isang local clothing brand, kailangan kong matulog kahit ilang oras lang," paalam ko sa kanila habang tumatayo na mula sa leather couch.

"Hala, ang aga naman, Shan! Hatid ka na ba namin?" tanong ni Alodia na medyo sumusuray na.

"No need. Mag-aabang na lang ako ng Grab sa labas. Mag-enjoy kayo," sagot ko bago tuluyang tumalikod.

Paglabas ko ng entrance ng CC9, sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling-araw sa Metro Manila. Agad kong nilabas ang phone ko para mag-book ng ride. Pero kamalasan nga naman dahil puro 'No Drivers Available' ang lumalabas.

Bakit ngayon pa? Gustong-gusto ko nang tanggalin ang five-inch heels ko dahil sumasakit na ang mga paa ko. Dumagdag pa ang banas na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang mapaglarong ngiti ng Jeriel na 'yon sa washroom. Naaasar ako sa sarili ko dahil hindi ko agad naiiwasan ang presensya niya.

Biglang may humintong itim na sports car sa tapat ko. Bumaba ang tinted window nito, at halos mapairap ako nang makita ko kung sinong nasa loob.

"Looking for a ride, fierce girl?" si Jeriel.

Naka-unbutton pa rin ang itaas na bahagi ng polo niya, at may nakasabit na nakakalokong ngiti sa mga labi niya. Tila ba alam niya na kanina pa ako nahihirapang mag-book ng masasakyan.

"I can manage," matabang kong sagot, sabay talikod at kunwaring may tinitingnan sa phone ko.

Narinig ko ang pagbaba niya ng sasakyan. Ramdam ko ang mga hakbang niya papalapit sa akin, at bago ko pa siya mataboy, nakatayo na naman siya sa mismong gilid ko, masyadong malapit para sa comfort zone ko.

"Matigas talaga ang ulo mo, 'no?" may halong amusement na saad niya. "It’s past 3:00 AM. Mahirap mag-book dito sa area na 'to kapag ganitong oras. Sumabay ka na sa akin, ihahatid kita."

"At bakit naman ako sasabay sa 'yo? Hindi kita kilala," matigas kong sabi, hinarap siya nang may salubong na kilay.

"Ouch. Hindi mo ba talaga ako kilala, o nagpapakipot ka lang?" He leaned a bit closer, his eyes dancing with mischief. "I'm Jeriel. Jeriel Ford Severin. Ayan, kilala mo na ako. So, hatid na kita?"

"Listen to me, Jeriel Ford," pagdidiin ko sa pangalan niya. "Hindi dahil nakukuha mo ang lahat ng babaeng lumuluhod sa harap mo ay makukuha mo rin ako sa ganiyang estilo. Hindi ako interesado sa 'yo, at mas lalong hindi ako sasakay sa kotse mo."

Inasahan kong magagalit siya o maiinis dahil bihira lang siguro ang tumatanggi sa isang tulad niya. Pero sa halip na maasar, mas lalong lumawak ang ngiti niya. Parang mas natutuwa pa siya na tinatarayan ko siya.

"You're really something else, Shan," bulong niya.

Natigilan ako. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"I have my ways," kindat niya. Lumapit pa siya ng isang hakbang kaya napilitan akong sumandal sa pader sa likod ko. "Sige na. Hatid lang naman, walang ibang agenda. Unless... ikaw ang may gustong mangyari?"

"Kapal ng mukha," bulong ko, sabay tulak sa dibdib niya para bigyan ng espasyo ang sarili ko. Saktong nag-vibrate ang phone ko—may tumanggap din sa wakas na Grab driver. "May sasakyan na ako. Kaya pwede ba? Huwag mo akong ma-Shan-Shan diyan dahil hindi tayo magkakilala."

"Fair enough," pagsuway niya, sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko, pero ang ngiti sa labi ay nandoon pa rin. "But this won't be the last time we'll see each other, Miss Shanaia Lux. Sisiguraduhin ko 'yan."

"In your dreams," huling sabi ko bago mabilis na naglakad patungo sa puting sasakyan ng Grab na kadarating lang.

Habang nakaupo sa backseat ng sasakyan, nakatingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko ang sports car ni Jeriel na mabilis na humarurot palayo.

Bakit ganoon? Sanay naman ako sa mga lalaking nagpapapansin, pero iba ang pakiramdam ko sa isang 'yon. May kung anong kakaibang enerhiya sa kaniya na parang... mapanganib. Ang mga mata niya, bagamat mukhang mapaglaro, ay may nakatagong lalim na hindi ko maipaliwanag.

Huwag mo nang isipin 'yon, Shan. Isang tarantadong playboy lang 'yon, saway ko sa sarili ko.

Hindi ko alam na sa mga sandaling iyon, ang akala kong simpleng engkwentro sa banyo at sa labas ng bar ay simula pa lang pala ng isang laro kung saan nakataya ang sarili kong puso.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: DADDY JERIEL

    Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko habang nakatayo kaming dalawa sa harap ng salamin sa loob ng aming banyo. Ang test kit ay nakalapag sa marble counter, ang dalawang malinaw na pulang guhit ay tila nakatitig sa aming dalawa. Sa labas ng banyo, narinig ko ang mahinang tunog ng mga sasakyan sa BGC, pero dito sa loob, ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat naming paghinga. Tumingin ako kay Jeriel. Ang dating matapang at hindi matitinag na CEO ay parang isang estatwa. He froze. Wala siyang kibo, ang kaniyang mga mata ay nakapako lang sa maliit na plastic stick na hawak ko. Jeriel? mahinang tawag ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang kaniyang kamay. Naramdaman ko ang lamig ng kaniyang balat. Ang kaniyang mga mata ay unti-unting namumula. Ang mga salitang dapat ay sasabihin ko ay parang bumara sa lalamunan ko. Jeriel, you’re going to be a dad, pag-uulit ko, mas malinaw na ngayon, kahit na ang boses ko ay nanginginig sa labis na emosyon. Jeriel Ford Severin POV Hin

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: BABY FEVER

    Nandito kaming lahat sa sala ng penthouse para sa isang simpleng afternoon get-together kasama ang barkada. Pero iba ang set up ngayon dahil hindi lang ang Ex-Deal Boys at Investigation Girls ang andito. May mga bitbit na silang mga bata. Si Jeremiah at Chantal ay kasama ang kanilang one-year-old baby girl, habang ang ilang pinsan naman nina Roman ay nagdala rin ng kanilang mga toddlers. Ang tahimik at classy kong penthouse ay biglang nagmukhang isang daycare center sa dami ng mga laruan at baby bags sa sahig. "Bro, paki-hold nga muna si Alana, kukunin ko lang 'yung diaper bag sa sasakyan," sabi ni Jeremiah sabay abot sa akin ng kaniyang anak bago ko pa man makuha ang aking kape. "Wait, Jeremiah, baka mabitawan ko 'to!" mabilis kong sagot habang maingat kong inilalagay ang aking mga kamay sa ilalim ng kilikili ng bata. Unexpectedly, I became soft around children sa mga sandaling ito. Imbis na mag-panic o ibigay agad ang bata kay Shanaia, dahan-dahan kong inilapit si baby Alana s

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: TWO PINK LINES

    Gising na gising na ang buong BGC sa labas ng aming penthouse, pero heto ako, nakakulong pa rin sa loob ng aming master bathroom, yakap ang gilid ng toilet bowl habang ang buong mundo ko ay umiikot. Dalawang linggo na akong nakakaranas ng matinding pagkahilo at pagkadiri sa bawat amoy ng kape na ipinaghahanda sa akin ni Jeriel tuwing umaga. Sa simula, inakala ko lang na stress ito mula sa trabaho dahil sa dami ng inaasikaso kong designs para sa susunod na season, pero habang tumatagal, mas lumalala ang nararamdaman ko. Shan, are you okay in there? Kanina ka pa tahimik, tawagan ko na ba ang doctor natin? sigaw ni Jeriel mula sa labas ng pinto, halatang-halata ang kaba sa kaniyang boses. Okay lang ako, Jeriel! Just give me a few more minutes, baka nakakain lang ako ng kung ano kagabi, sagot ko habang pilit kong kinokolekta ang aking sarili. Hinaplos ko ang aking tiyan at biglang pumasok sa isip ko ang isang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Binilang ko ang mga araw sa aking kale

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: DADDY DREAMS

    Umalis na ang lahat ng mga bisita at tuluyan nang bumalik ang katahimikan dito sa loob ng penthouse. Nakasandal ako sa gilid ng malaking glass wall sa sala, nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw ng Bonifacio Global City habang hawak ang isang baso ng malamig na tubig. Ang isip ko ay andoon pa rin sa eksena kanina kung saan karga ko si baby Alana. Ewan ko ba, parang may kung anong nagbago sa buong sistema ko pagkatapos ng hapon na ito. Naramdaman ko ang marahang paglakad ni Shanaia papalapit sa pwesto ko. Suot na niya ang kaniyang kumportableng silk nightgown at dahan-dahan niyang ipinalupot ang kaniyang mga braso sa baywang ko mula sa likod. "Hey, my quiet husband," pabulong na panimula ni Shan, isinusubsob ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking mga balikat. "Kanina ka pa ganyan simula nung umalis sina Roman. Is something wrong, Jeriel? Sobra ka bang napagod sa pag-aalaga kay Alana kanina?" Humarap ako sa kaniya, dahan-dahang inilalagay ang aking bakanteng kamay sa kaniyang pisngi

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: HONEYMOON MEMORIES

    Sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang gabi kung kailan kami unang lumapag sa private villa rito sa Maldives para sa aming honeymoon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang hampas ng mga alon sa ilalim ng aming overwater bungalow at ang marahang pag-ihip ng hangin mula sa karagatan. Puno ng mababangong kandila ang buong silid, at ang malaking glass floor sa gitna ng kwarto ay nagpapakita ng malinaw na tubig sa ilalim kung saan lumalangoy ang mga maliliit na isda. Kakagaling ko lang sa banyo para mag-refresh pagkatapos ng aming mahabang flight mula sa Maynila. Suot ko ang isang white silk robe na hanggang tuhod ko lang, at habang sinusuklay ko ang basang buhok ko sa harap ng malaking salamin, naramdaman ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng veranda. Iniluwa nito ang asawa ko na suot lang ang isang maluwag na white linen pants, gulu-gulo pa ang buhok mula sa hangin sa labas, at may hawak na dalawang baso ng champagne. "You look absolutely stunning, baby," pabulong na panimu

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   SPECIAL CHAPTER: CAPTAIN KIM'S WISDOM

    Alas-singko na ng hapon at kasalukuyan kaming nakaupo sa may garden area ng resort lounge kung saan kami pansamantalang nag-stay para sa isang weekend family gathering. Malamig ang hangin at napakakalma ng paligid, malayo sa ingay at domestic chaos ng penthouse namin sa BGC. Habang si Jeriel ay abala sa pakikipag-usap sa kaniyang mga pinsan sa kabilang bahagi ng pavilion, naiwan ako sa lamesa kasama sina Captain Kim at Mylene. "Shan, you look so beautiful with that baby bump," nakangiting panimula ni Mylene habang inilalapag ang isang baso ng mainit na gatas sa tapat ko. "You're glowing, my sister-in-law. Parang kailan lang, problemadong-problemado ka sa mga designs mo, tapos ngayon, malapit ka nang maging mom." "Salamat, Mylene," sagot ko habang hinahawakan ang aking tiyan nang may kasamang marahang ngiti. "Pero to be honest, habang papalapit 'yung due date ko, mas lalo akong kinakabahan. I mean, what if hindi ko magawa nang maayos ang pagiging ina? Ang dami kong iniisip gabi-gabi.

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 5

    Ang akala ko, kapag sinabing "courtship" o panliligaw, 'yung tipong text-text lang muna, sundo kapag may time, o kaya naman ay dinner tuwing weekend. Pero iba si Jeriel Ford Severin. Ang definition niya yata ng panliligaw ay ang maging anino ko. Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 4

    "So, anong say mo sa place? Hindi naman masama, 'di ba?" tanong ni Jeriel habang prenteng nakasandal sa kaniyang upuan. Dinala niya ako sa isang exclusive, reservations-only restaurant sa BGC. Ang buong paligid ay gawa sa madidilim na kahoy at glass panels na may overlooking view ng cityscape. Kaun

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 3

    "Excellent! Maintain that fierce look, Shan! 1, 2, 3... pose!" Ang sunod-sunod na tunog ng camera shutter at ang nakasisilaw na studio lights ang gumising sa natitira ko pang lakas. Halos tatlong oras lang ang tulog ko mula sa party kagabi sa CC9, pero kapag trabaho ang usapan, bawal ang mukhang pu

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 1

    Masyadong maingay, masyadong mausok, at masyadong... mapagpanggap. Iyan ang unang pumasok sa isip ni Shanaia habang nakasandal sa leather couch ng CC9. The high-end bar owned by the elusive billionaire Rhamesis Wilton he was the epitome of Manila’s elite nightlife. Glass chandeliers hung like f

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status