MasukNakatulog ako nang mahimbing dahil sa gamot. Nagising ako bandang alas-otso ng gabi. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaya naisipan kong lumabas para kumuha ng mainit na tubig. Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa pantry, nadaanan ko ang veranda na overlooking sa dagat.Nandoon si Liam. Nakatalikod siya sa akin, may hawak na baso ng alak, at nakatanaw sa madilim na karagatan. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko ang lungkot niya. Lalapitan ko ba siya? O hahayaan na lang?Balak ko sanang umiwas, pero bigla siyang nagsalita nang hindi lumilingon."You should be resting, Ashanti."Natigilan ako. "Sir... si Sheika po ito."Dahan-dahan siyang lumingon. Iyong mga mata niya mapungay, marahil dahil sa alak o dahil sa puyat. Lumapit siya sa akin, hanggang sa ilang pulgada na lang ang distansya namin. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang pabango na humahalo sa amoy ng alak."I know," bulong niya. "But my heart keeps calling you by that name. Is it really a crime to hope that you're still
Natigilan ako nang matanto ko kung anong sinabi ko, pero agad ko ring binawi."I mean, ikaw po, Sir... may specific preference po ba ang mga guests niyo?" pagtatama ko, hindi na magawang tingnan ang repleksyon niya sa salamin.Nahagip ng tingin ko na naningkit ang mga mata niya nang ngumiti ito tapos si Via naman panay siko sa akin at bungisngis. Pakiramdam ko tuloy huling-huli ako. Nakakahiya."Napansin ko po kasi sa listahan kanina, karamihan sa kanila galing sa malalayong lugar katulad po sa Shanghai at Tokyo. Baka po mas ma-appreciate nila 'yong something relaxing at malapit sa kalikasan. Imbes na usual na zumba, baka pwedeng morning yoga sa tabi ng beach o kaya ay 'yong tinatawag na forest bathing doon sa may garden sa likod. Mas calming po 'yon para sa kanila."Saglit na natahimik ang loob ng sasakyan. Ramdam ko ang titig ni Via na parang sinasabing, "Ang talino mo talaga, girl.""That's a very thoughtful suggestion, Sheika," seryosong tugon ni Liam. "Most of them are high-profi
Natigil ako sa pagtutupi ng damit nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng bahay. “Sino ‘yan?” Nilakasan ko ang boses.Gabing-gabi na ah, sino naman kaya ‘to?Pumalaot si Theo kanina kaya baka madaling araw pa ‘yon makauwi, si Aling Martha naman nasa kabilang baryo, doon nagpalipas ng gabi sa kapatid niya, kaya medyo kinakabahan ako. Malayo pa naman itong tinitirahan namin sa mga tao.Hindi naman ako takot mag-isa at sanay na ako, pero ngayon lang ito nangyari na may kumakatok bandang alas-dyes.“Sheika, nandyan ka ba?” Natigilan ako pagkarinig sa boses ni Via. “Labas ka sandali kung hindi ka pa tulog.”Si Via nga ang nasa labas. Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng ‘to at gabi na pumunta?Inayos ko ang sarili at tinali ang buhok bago lumabas, ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko si Sir Liam sa di-kalayuan, nakasandal sa kanyang kotse, nakapamulsa at nakatanaw sa amin.Napalunok ako at napatingin kay Via nang sapuhin niya ang noo ko. “Hm, mukhang mai
Pagkatapos kumain, bumalik na ang lahat sa pagtatrabaho. Lalo kaming nag-ingat sa pag-aarrange ng mga plato at kubyertos dahil nakatingin si Sir Liam. Habang tinitingnan ko ang pagkaka-align ng mga wine glasses, bigla na namang kumirot ang ulo ko.Napahawak ako sa counter at napapikit nang mariin.“Ashanti, dahan-dahan lang. Mag-iingat ka.”Isang boses ang umalingawngaw sa isip ko. Iyon ang boses ni Sir Liam, pero hindi ito galing sa ngayon. Para itong boses mula sa nakaraan."Sheika? Are you okay?"Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Sir Liam na nakatayo na pala sa harap ko. Iyong mukha niya punong-puno ng pag-aalala, at 'yong mga kamay niya tila gustong humawak sa akin pero pinipigilan niya ang sarili."O-Opo, Sir. May naalala lang po ako bigla," sagot ko."What did you remember?" seryoso niyang tanong."Wala po... parang boses lang po niyo na nagsasabing mag-ingat ako," mahina kong sabi.Natigilan si Liam. Kitang-kita ko ang paglunok niya at pamumula ng kanyang mata. "You... you h
"Kapagod 'no?" reklamong bulong ni Via sa akin habang nag-aayos kami ng table cloth. "Pero sana may bonus tayo, ano?""Sana nga, pero mabait naman si Sir Liam kaya siguradong merong bonus," sagot ko sa kanya. "Magpahinga ka kaya? Kanina ka pa nagtatrabaho.""Ayos lang. Nag-e-enjoy naman ako," aniya. "Pero kanina, nakita ko kayo ni Sir, inalagaan ka niya 'no?""Hindi naman. Pinainom lang ako ng gamot," depensa ko."Pareho lang 'yon," giit pa niya. "Baka naaalala niya sa'yo ang asawa niya. Alam mo kung hindi ka lang ikakasal kay Theo, bagay kayo."Napabuntong-hininga na lamang ako. "Iyan ka na naman, Via. Saka anong bagay? Mayaman 'yon, mahirap lang ako.""Hindi naman nasusukat sa yaman ang pagmamahal eh." Natigilan ako sa sinabi niya. "Nasa tao 'yan kung kaya ka niyang ipaglaban. Saka hindi lahat ng mayaman, against sa mahirap."Napapikit ako nang biglang sumakit ang ulo ko. May naririnig akong boses, pero ang gulo. Isang pamilyar na boses ng lalaki na nagsasabing, "Kahit anong mangyar
"You're burning up," boses ni Liam, at sa pagkakataong ito, hindi lang ito otoridad, kundi purong pag-aalala. Hinipo niya ang noo ko gamit ang likod ng kanyang palad. "Sabi ko na nga ba. Your fever is getting worse.""Sir, konti na lang po ang iche-check ko, matatapos na sila..." pilit ko pa ring depensa, pero ang boses ko, paos na."Enough, Ashanti—Sheika," mabilis niyang itinama ang sarili, pero kitang-kita ang panginginig ng kanyang panga. "You are going to rest. Now."Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Inalalayan niya ako patungo sa isang sofa sa dulong bahagi ng lobby, malayo sa mga nagtatrabaho. Pinaupo niya ako. Kumuha siya ng isang basong tubig at isang gamot mula sa kanyang bulsa.Ganun ba siya ka-handa?"Take this. It's for the fever," utos niya at inabot ang tablet."Salamat po, Sir," mahina kong sabi at ininom ang gamot.Umupo siya sa tapat ko, hindi inaalis ang tingin sa akin. Para bang natatakot siya na sa isang iglap mawala na naman ako sa paningin niya. Iyong lun







