Hinaplos ni Nazzer ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ni Hera, isang kilos na hindi dapat ginagawa ng magkamag-anak. "You’ll work for me. Not as a maid, and definitely not as a vendor. I want you in my house, every day, every night. Bantayan mo ang asawa mo rito sa ospital sa umaga, pero pagpatak ng alas-sais ng gabi, dapat nandoon ka na sa poder ko. I want your personal service, Hera." "Tiyo, magkamag-anak tayo..." pagpapaalala ni Hera, umaasang makuha ang konsensya nito. Ngumisi nang mapait si Nazzer. "Wala akong pakialam, Hera. Ito ang gusto mo, 'di ba? Malayo na ang dugông nananalaytay sa atin. At kung hindi dahil sa akin, mámamatay ang asawa mo ngayong gabi. So, tell me... is his life worth your pride?" Nawala ang atensyon ni Hera sa kanyang tiyo nang marinig ang nakatutulig na tunog ng mga machine sa loob ng ER. Sunod-sunod ang bagsak ng mga luha niya nang makitang nagkakagulo ang mga nurse sa paligid ng kama ni Elias. Nagf-flatline na ang machine. Tila
Read more