Share

Chapter 5: success

Nagising ako mula sa pagkakahimbing sa isang lugar na kailanman ay hindi ko nanaising manatili. Puting kisame, puting kurtina, nang bahagya akong gumalaw ay may naramdaman akong tila nakatusok sa aking mga kamay. Confirmed, nasa hospital nga ako. Tinangka kong bumangon ngunit nakaramdam ako ng bigat ng katawan at bahagyang pagkahilo.

"Gising ka na pala." Dahan-dahan kong nilingon kung saan nagmula ang medyo pamilyar na tinig na aking narinig. She is seating on a nearby chair, binantayan niya siguro ako.

"M Miss Janica." bulalas kong nakatingin parin sa kanya.

"Good to know you still remember me." ganting ngiti niya sa akin.

"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ko.

"nawalan ka ng malay, mabuti na nga lang at saktong dumaan kami doon ng kapatid ko malapit sa lugar kung saan ka nahimatay."

"so kayo yung narinig kong sumigaw ng pangalan ko?"

"Oo ako, nakita kasi kitang tila pasuray-suray ang lakad, at nakita ko rin kung pano kang dahan-dahang bumagsak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status