Share

chapter 4: New friend

Gustuhin ko mang tumalikod na lamang at magpatuloy sa naunang balak na pag-uwi, Tila kusang humakbang ang mga paa ko at sinundan ang ingay. Kitang kita ko sa labas ng isang abandunadong building kung pano nilang kinakaladkad ang isang babaeng natututukan ng patalim ng isa sa dalawang lalaking may hawak sakanya. Kinilabutan ako ng makita kong may bahid na ng dugo ang kanyang damit sa gawing balikat. Hindi ko namalayang nakalapit na ako sa kanila ng walang ingay.

Saglit akong nag-isip ng mabuti, hindi pwedeng basta basta akong sumugod, mahirap na dahil baka bukod sa patalim ay may iba pang armas ang mga lalaki.

Muli akong kumilos ng walang ka ingay-ingay. Hindi mahirap ito sa akin dahil gawain ko to nung bata pa ako kapag sinusubukan nila akong ikulong sa bahay para magtanda, nakakatakas parin ako.

Sinigurado kong sapat ang layo ko sa kanila, dahan-dahan kong kinuha sa pouch ang cellphone ko at tumawag sa emergency hotline ng police.

Nang magawa ko ito, muli akong bumalik ng dahan-dahan sa pinanggalingan ko. Nakita kong tumakbo ang isa sa mga lalaking ngayo'y dala-dala na ang bag ng babae. Nakita kong balak siyang habulin ng babae ngunit napigilan siya ng isang lalaki sa pamamagitan ng hawak nitong patalim. Akmang sasaksakin nito ang babae sa tagiliran ng hindi ko mamalayang kumilos na pala ako palapit at sinipa ng buong lakas ang lalaki. Nabitiwan nito ang patalim at galit na napatingin sa akin.

"Pakialamera to ah!" galit na turan niya at akmang ako naman ang susugurin. Bago pa siya tuluyang makalapit, iwinasiwas ko ang mga kamay ko at binigyan siya ng magkasabay na suntok sa mukha at sikmura. Kitang kita ko kung paanong magdugo ang kanyang labi at dahan-dahan siyang matumba sa lupa sapo-sapo ang kanyang tiyan.

"Miss." medyo hinihingal na sabi ko at binalingan ang babae. Nakita ko naman siyang tila nahihirapang gumalaw, nilapitan ko siya at nakita ang sugat niya sa gawing balikat. Mga gagong yun talagang sinaktan ang babaeng to para lang makuha ang mga gamit niya.

"miss, tayo na" wika ko at tangkang aalalayan siya nang makarinig kami ng mga yabag.

"oy brad, ano bang?" kitang kita ko na bumalik ang kasama ng lalaking pinatulog ko. Hindi na rin naman ako makaka-iwas dahil nakita na niya ako.

"ikaw ba ang nagpatulog sa mokong na to? tapang mo ring pakialamera ka ah!" nakita kong akmang susugod na siya sa akin. Bumuo ako ng plano sa isip ko. Malaki ang isang to at kapag nadambahan niya ako't na corner ay mahihirapan ako. Wala akong naisip na paraan kundi ang unahan siya kahit medyo risky ang gagawin ko. Nang sapat na ang distansya namin, inipon ko ang buong lakas ko, tumalon ako, sinigurado kong eksakto akong babagsak sa kanya. Halos hindi siya makapaniwala sa ginawa ko at sa bilis kong kumilos kaya naman hindi niya napaghandaan ang depensa niya. Inipit ko ang ulo niya ng dalawa kong paa at pinakawalan ko ang sunod sunod na suntok sa kanyang panga at tiyan. napaupo siya sa lupa sapu-sapo ang tiyan at hirap na hirap kumilos. Dali-dali naman akong umalis sa kinalalagyan ko at sinipa siya sa tagiliran. Muli ko siyang binigyan ng suntok sa sikmura hanggang mawalan siya ng malay. Eksakto namang dumating ang mga pulis na tinawagan ko kanina.

Dinampot nila't pinosasan ang dalawang walang malay na lalaki, at ibinalik sa babae ang bag nito.

"M miss?" narinig kong mahinang pagtawag nito sa akin.

"Yes?"

"Salamat, you're really brave, hindi ako halos makapaniwala sa lakas mo."

"self defense lang yun Miss, kailangan yun para hindi tayo mapahamak. And advice lang, next time, value your life, ang mga bagay mababawi pa natin ngunit ang buhay ay hindi na pag nawala."

Nakita kong saglit siyang natigilan, lumungkot ang kanyang mukha, babawiin ko na sana ang sinabi ko ngunit narinig ko ang mahinang pag buntong hininga niya.

"Tama ka naman. Life is too precious that you won't know how valuable it is until it's gone. By the way, how can I repay you for helping me out? It really means a lot to me."

"Don't mention it, hindi naman ako humihingi ng kapalit."

"oh, kahit ano?"

"For now, ok naman ako at masayang nakatulong ako sa iyo."

"by the way if ever na may kailanganin ka, here is my calling card, just contact me ok? Tuloy na ako, nga pala its Janica Emperial."

"Zyrene Karishma Santillan"

We shook hands and go on our own ways. Nag presinta pa siyang tatawagan ang driver ngunit hindi na ako pumayag na ihatid pa nila. Pagod na pagod ako ngunit katulad ng inaasahan, napawi ito ng mga yakap at ngiti ni Evana. Iba pala talaga ang fulfillment pag ina ka na. Lagi itong sinasabi ni Mommy sa akin noon ngunit hindi ko maintindihan. Ngayon, nararamdaman at naiintindihan ko na ang mga ikinikwento niya sa akin.

Tomorrow is another day. Ikinwento ko kay Cassy na natanggap na ako sa trabaho, ngunit hindi na ang mga detalye ng pinagdaanan ko. Baka ma paranoid nanaman ang babaeng yun at iniisip ko ring hindi niya ako payagan pag nalaman ang trabaho ko.

********

"Pang ilang plato mo na bang nababasag yan, Karishma?" galit na bulyaw ni Madam Andeng sa akin.

"S sorry po."

"Sinasabi ko na nga ba, wala kang alam sa gawaing ganito, marahil isa ka sa mga mayamang anak na nag rebelde at lumayas, di kaya naman ay lumandi ng sobrang aga sa halip na mag-aral. Mga sakit kayo ng ulo ng lipunan, Ayusin mo yan kapag nakarinig pa ako ng isang platong nabasag sesante ka na!"

"Opo." Gustuhin ko mang mangatwiran ay hindi ko na tinangka pa. Ayaw kong mawalan agad ng trabaho, kailangan ko ang pera. Tama ang kutob kong hindi ko na magagamit ang ATM card ko dahil nung subukan ko kaninang mag grocery sana ng gatas ni Evana, hindi ko na iyon mapakinabangan. Buti na nga lang may natira pa akong limang daan na pinangbayad ko sa gatas.

Sinikap kong pagbutihin ang ginagawa ko. Naka survive naman ako ng ilang araw sa buhay na ganito. Unti-unti kong natutunan ang mga gawaing ni sa hinagap ay hindi ko naisip na gagawin ko.

Bukod sa tagahugas ng pinggan, ume-extra din akong sirbidora sa karenderya. Nabawasan ng konti ang pagka-asar ni Madam Andeng sa akin, nadadagdagan naman ang sahod ko sa isang araw. Ngunit hindi na halos kinakaya ng katawan ko dahil sa minsan ay alas nwebe na ako nakakauwi. Kapag may extrang pagkain ay nakakakain naman ako ngunit sa dami ng dapat gawin ay tila hindi na kinakaya ng sistema ko. Ngayon ay naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep, mag a-alas diyes na ng gabi, wala pang laman ang tiyan ko mula tanghali.

Naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko at sinubukan kong panghawakan ang natitirang lakas ko ngunit talagang nagdidilim na ang paningin ko. Bago ako tuluyang bumagsak sa lupa ay isang tili ang narinig ko.

"Zyreeeeeeeeeeeeene!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status