Share

Unconditional
Unconditional
Author: Prinz Amaranthine Gonzales

Prologue

Napangiwi ako sa hirap na paghakbang sa medyo masikip na eskinitang pinanggalingan ko.  Salamat na lamang at pumayag ang hilot na si Aling Osang na pagtrabahuhan ko na lamang ang pambayad ko.   Alam kong naawa rin lamang siya sa akin kaya ganoon subalit ipinagpapasalamat ko na ito. Hindi pa gaanong maayos ang pakiramdam ko at sumasabay pa ang hindi pantay na paghinga ko dahil sa pagkirot na nadarama ko sa aking dibdib.  Himalang nakaligtas ako at patuloy paring humihinga, subalit higit na ipinagpapasalamat ko ang pagkarinig sa unang iyak ng batang ngayo'y karga karga ko sa aking mga bisig.

Bahagya akong natigilan ng makita ang maamong mukha ng aking munting anghel.  Naging mahirap man ang pinagdaanan ko'y hindi ko pinagsisisihan ang pagdating niya sa buhay ko.  Bukod sa siya na lamang ang meron ako, ngayon ko lang naramdaman ang muling sumaya, ngayon lang ako nakaramdam ng fulfilment sa buong buhay ko.

Sayang nga lang, dahil alam kong hindi na ako maaaring manatili sa tabi ng anak ko.  Lalong tumindi ang pananakit ng dibdib ko ngunit inignora ko ito, lumakad ako kahit hirap na hirap, tinalunton ko ang pinaka malapit na masisilungan.  Hindi pwedeng sobrang mabilad sa araw ang batang karga ko.

Pinaghalo-halong gutom, hirap at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Nangingibabaw ang sakit ng kaloobang halos ikamatay ko.

"I'm sorry anak,  kung may choice lang si mama..."

Naupo ako sa isang sementadong upuan sa lilim ng punong nara. Nandito kami sa park ngunit malayo naman kami sa karamihan.  Nais ko lang talaga ng breathing space, ng kaunting panahon pa. Ngunit tila ipinagkakait na rin ito sa akin, halos mapatukod ako sa upuan at kinagat ko na ang pang ibabang labi ko para hindi mapa daing sa sakit.  Sobrang sakit ng dibdib ko.

"Diyos ko.  P please ppo.  Kung h hindi na talaga magtatagal ang buhay ko p please save my daughter.  Bigyan nyo po siya ng maayos na pamilya, ng taong magmamahal sa k kanya, yung ituturing siyang  h hindi iba."

Dahan dahan kong inilapag ang munting anghel na hawak ko.  I made sure na secured siya.  Tulog na tulog siya at halos ikadurog ng puso ko ang isiping anytime from now ay hindi ko na siya makakasama.

Matapos iwan ang isang munting bag sa tabi ng aking anak na naglalaman ng isang sulat, mga lampin at botelya ng gatas at iba pa na sinikap kong pag-ipunan ng kasalukuyan akong nagbubuntis, dahan dahan at mabibigat ang mga hakbang na lumayo ako sa anak ko.  Nagtago ako sa di kalayuan, tinatanaw siya. Umaasang mapunta siya sa mabubuting kamay.  Kailangan kong gawin ito, kailangan kong makasiguro na magkakaroon ng pamilya ang batang ito. All my life, I've been suffering a lot, at panalangin ko na hindi ito ang maging kapalaran ng anak ko.

Para sa isang batang laking ampunan, nakapagtapos ng highschool lamang, nagtrabaho ng kung ano-ano, nagsumikap na guminhawa sa buhay, nabigo sa pagmamahal, at ngayo'y nasa bingit ng kamatayan, ano pa bang hirap ang hindi ko naranasan?  Ngunit hindi ko naman ito sinisisi kanino man lalo na sa Diyos na lumikha,  naging mabuti siya sa akin, ngunit hindi ang paligid na kinagisnan ko.  Mabuti siya dahil sa kabila ng lahat ng naranasan ko, heto at nagawwa kong  maka survive para mabuhay ang anak ko, anak na akala ko'y bunga ng tunay na pag-ibig, yun pala'y isang malaking biro.

Naalala ko kung pano ako mag maka awa sa kanya, kung pano ko excited na ipinahayag ang pagbubunga ng isang beses na pagkakatiwala ko sa kanya ng lahat lahat sa akin.

"What!" pasigaw na bulalas niya na ikinapitlag ko naman.

"Zander, I'm pregnant.  S sayo to."

"Shit naman Cindi,  bakit hindi ka ba nag-ingat hah?"

"A anong hindi ako nag-ingat? Inasahan ko bang may mangyayari sa atin nung gabing yun?  Kusang nangyari yun at hindi naman natin plinano di ba?"

Kitang kita ko ang frustration sa kanyang mukha, halos manakit ang dibdib ko sa nakikitang pinagsamang disappointment, galit, at pagkalito niya.

"L look,  for peet's sake I am just 16,  naiintindihan mo?  ikaw 15 ka lang!  Highschool students lang tayo Cindi, don't you understand?  Hindi ko kaya ang maging ama ng ganito ka aga! Tatanggalan ako ng allowance ni Mommy pag nalaman niyang-----"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at halos hindi ko namalayang dumapo na ang aking kamay sa kanyang pisngi.

Napaluha ako at dinuro siya.

"Hayop ka? Gago ka ba hah!  Nung ginagawa natin yun at sarap na sarap ka hindi mo man lang naisip yan?  Napaka tanga ko para ipagkatiwala sayo ang lahat sa akin! Duwag ka!   Wala kang kwenta!  P pinagsisisihan ko na minahal kita."

"C cindi please, I I can't"

"fine,  wag kang mag-alala.  Mabubuhay ang anak ko ng wala ka Alexander. Hindi namin kailangan ang isang tulad mo na magaling lamang sa salita, na puro sarap lamang at hindi kayang maghirap.  Magpakasaya ka at kalimutan mong nakilala mo ang isang Cindrea Revera!"

Walang lingon likod akong lumabas sa kanilang tarangkahan.

Ngayon nga'y ito ang kinahinatnan ko. Sana lang, maging maayos ang magiging buhay ng anak ko.

Halos mawalan na ako ng ulirat ng matanaw kong pinangko siya ng isang babaeng halos ka edad ko lamang. Kitang kita sa kanyang mga mata ang tuwa, ang pagpapahalaga, ang tulad ng isang inang nagmamahal na tingin.

Sumikip na muli ang dibdib ko at habang naglalakad palayo ay nilingon ko siya. Yakap na niya ang anak ko, at natiyak ng puso ko na ligtas na ang munting anghel ko.

"you can rest now Cindrea..." I said as I collapsed to the ground.

***************

"what!  are you crazy Zy?" kunot noong tanong sa akin ng kaibigan kong si Casity.

"You know that I am, Cas." matatag na wika ko sabay ngiti sa kanya.

"You will tell your family that you will adopt this baby, do you think tito Zavier will accept this?"

"I don't have to tell them that I'll adopt her.  I will tell them this child is mine." tugon ko sakanya habang hinigpitan ang yakap ko sa munting sanggol na karga ko.

I saw her in the park,lieing in one of those benches.  Ewan ko pero nung nakita ko ang batang ito, at nung matiyak kong wala nang kakalinga sakanya, para akong robot na nagkaroon ng buhay.  Pakiramdam ko hinaplos ang puso ko.  Para bang ang batang ito ay bahagi ng pagkatao ko kahit alam ko namang hindi.

Nanibago rin ako sa naramdaman kong atachment,  Ako?  Si Zyrene Karishma Santillan na sakit ng ulo ng buong pamilya ay tila biglang naging isang maamong tupa?

ANong meron sa batang to?

She made me live, she made me feel like I have a purpose. This baby may not be from my womb, but she belongs to me, she is a part of my life.

"Itatakwil ka ni Tito, alam mo yan Zy!  Alam mo namang bad shot na bad shot ka na sa daddy mo eh!"  tila nangungunsuming wika ni Cas na nakapagpangiti sa aking lalo.

"fine then.  Everybody thinks of me as a black sheep right?  Wala naman nang bago.  Heto ako, pinadala nila sa probinsya, Ginawa nila to just to get rid of me. Itatakwil?  Bakit? Kailan ba ako naging parte ng pamilyang yun?"

"Zy! You will lose everything..."

"I won't.  I still have her,  my baby, my Dorothy Evanna. nakangiting wika ko.

Nakita ko ang pag-aalinlangan ni Casity ngunit maya maya ay yumakap siya sa akin, bagay na nagpagaan ng loob ko. She is my bestfriend after all.

"remember whatever happens Zy, nandito lang ako ok?"

"I will, thanks Cassi"  naluluhang wika ko naman.

"one more thing, how about Chad?"

ang tanong na yun ang bahagyang nakapagpasinghap sa akin.

I love Chad so much, kahit na ipinagkasundo lang naman kami.

I'm suppose to marry him next year, but I know it's just for his family kaya siya pumayag.

bumuntong hininga na lang ako.

"he's not mine after all."  tanging naisa tinig ko.

I'm willing to risk everything just to start a new with my baby, even if it means losing the kind of life I got used to, but I know it would be worth it.  Because now, I have a purpose to live, I have someone whom I can call mine.  dahan dahan kong inihiga ang nakatulog na si Dorothy sa aking higaan at hinagkan siya sa pisngi.

"I'll do anything for you, anak."  wika ko ng may totoong ngiti

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status