LOGINKairo’s POVPang-isang daan at limampu’t pitong beses ko na yata itong pag-ikot ng gabi sa aking kwarto. Alas-onse na ng gabi pero ang utak ko ay nandoon pa rin sa St. Luke’s, nakatali sa tabi ng kama ni Roxie. I kept staring at the burner phone in my hand, waiting for any text or call, pero ayaw ko naman siyang istorbohin dahil alam kong kailangan niyang matulog para maghilom ang dalawang bali sa tadyang niya.Dahan-dahan akong lumapit sa bintana ng kwarto ko at hinawi nang bahagya ang kurtina. Sa labas ng subdivision, sa ilalim ng madilim na anino ng mga puno sa highway, nakaposisyon pa rin ang dalawang itim na Ford Explorer. Kanina pa silang hapon doon—nagpapalit lang ng shift ang mga tauhan ni Ventura para siguraduhing hindi ako makakalabas na hindi nila alam. Nilingon ko ang pinto ng kwarto ko nang bumukas ito. Pumasok si Kuya Zaitan, may hawak na baso ng scotch habang nakatanggal na ang kaniyang necktie at nakatupi ang manggas ng kaniyang puting polo."Hindi ka pa natutulog," w
Roxie’s POVBinuksan ko ang maliit na TV sa tapat ng kama ko pero walang tunog—ginawa ko lang background light habang nakatitig sa kawalan. Bawat tibok ng puso ko ay may kasamang kaba. Inisip ko si Kairo na kasalukuyang nakakulong sa sarili nilang bahay dahil sa mga tauhan ng aking ama, at si Daddy na paniguradong naghahanap ng bawat butas para mahanap ako.Napaigtad ako nang bahagya sa mahinang katok mula sa pinto. Agad na sumakit ang tadyang ko kaya napahawak ako sa binder ng dibdib ko.Dahan-dahang bumukas ang pinto, at laking gulat ko nang iluwa niyon ang dalawang pamilyar na mukha. Si Chloe, na may bitbit na malaking paper bag mula sa isang fast-food chain, at si David na nakasubaybay sa likod niya habang maingat na nililingon ang pasilyo bago isara nang tuluyan ang pinto."Roxie!" bulong-sigaw ni Chloe, mabilis na lumapit sa gilid ng kama ko."Chloe? David? Paano niyo nalaman na...""Sinabihan kami ni Kairo," si David ang sumagot habang humihila ng upuan para kay Chloe. "Tumawag
Roxie’s POVThe heavy, white ceiling of the hospital room was the first thing I saw when I finally forced my eyelids open. Puti ang buong paligid, malamig, at may pamilyar na amoy ng disinfectant na humahaplos sa ilong ko. The moment I tried to shift my weight or take a deep breath, a sharp, white-hot blade of pain shot straight through the right side of my arm."Ah..." a tight, strangled gasp escaped my lips."Hey, hey... huwag kang gagalaw, sweetheart. Rest easy," isang malambing na boses ang narinig ko mula sa gilid.Nung lumingon ako nang dahan-dahan, nakita ko si Ate Faith. She was adjusting the IV drip attached to my hand, her eyes filled with a sisterly warmth. Marahan niyang hinaplos ang noo ko, checking my temperature bago niya inayos ang kumot ko."Nasaan... nasaan po ako?" mahina kong tanong,"You’re safe, Roxie. You’re at St. Luke’s," sagot niya nang may nakakalmang ngiti. "Naka-admit ka under my name, at gumamit kami ng ibang control number para walang makalagpas na reco
Hindi ko na sinunod ang utos ni Kuya Zaitan. Pinaharurot ko ng sobrang bilis ang audi ko para masigurong maaabutan ko pa ang walang hiyang Ventura na yun. Pagdating ko sa tapat ng Casa Eyrie, hindi nga nagkamali si Kuya—tatlong itim na luxury SUV ng mga Ventura ang nakaparada sa labas, occupies almost the entire street, habang ang mga armadong security nila ay nakatayo sa tapat ng aming main gate.I didn't even slow down. I revved the engine hard, forcing the guards outside to scatter away bago ko itinigil ang audi sa tapat mismo ng porch. "Nasaan ang anak ko, Guillermo?!" dinig kong sigaw ni Ventura, mukhang frustrated na dahil kanina pa nandito at wala pa ring nakukuhang sagot kay Kuya Zaitan.Nang makapasok ako, ang pulang pula at nag aapoy sa galit na mukha ni Ventura ang bumungad sakin habang pinaliligiran ng kaniyang dalawang corporate lawyers. Pero ang nakakuha ng pansin ko ay si Kuya Zaitan. He was casually sitting on the single sofa, sipping tea from a porcelain cup, looking
Nakahawak pa rin ako sa phone ko, titig na titig sa text ni Kuya Zaitan habang dahan-dahang nag-iinit ang buong anit ko sa galit. Gustong-gusto kong takbuhin ang parking lot, sumakay sa Audi, at harurotin ang daan pauwi sa Casa Eyrie para lang basagin ang mukha ng matandang Ventura na ’yun. Pero bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko patungo sa exit ng hallway, isang grupo ng mga anino ang biglang sumalubong sa akin mula sa kanto ng corridor."Mr. Guillermo."Napatigil ako. Sa harap ko ay nakatayo ang dalawang malalaking lalaking naka-suit na may earpiece—ang mga tauhan ni Ventura na nakita ko kanina. Pero ang mas nagpatigas ng panga ko ay ang lalaking nasa gitna nila. Si Dean Almaris. Ang Prefect of Discipline na kasama namin kahapon sa guidance office ay nandoon din sa likod nila, hawak ang ilang files at halatang hindi makatingin nang diretso sa akin.Hinarangan ako ng mga tauhan ni Ventura na galing lang sa Dean's Office, pilit na pinaliligiran ang daan ko para hindi ako makalam
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng sala, nakakuyom ang dalawa kong kamao habang unti-unting nawawala sa pandinig ko ang tunog ng makina ng SUV ni Kuya Gado. The silence that followed was heavy and suffocating. Parang bombang nag-clock down ang buong paligid, at ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis at mabigat kong paghinga."Bro... pucha, nakakatakot ang itsura ni Roxie kanina," basag ni Justine sa katahimikan, nakaupo siya sa edge ng sofa habang nakasubsob ang mukha sa mga palad niya. "Kung hindi pa siya tumakas, baka napatay na siya ng tatay niya."Hindi ako sumagot. I couldn't even force myself to speak. Ang isip ko ay naiwan doon sa hitsura ng mga ribs ni Roxie na kulay violet at namamaga nang husto. Hell, just remembering how she whimpered when she inhaled made me want to punch the walls until my knuckles bled. Gustong-gusto kong sumunod sa ospital. I wanted to be there when the doctors checked her, to hold her hand, and to tell her that she’d never have to go back to tha







