LOGIN"Delgado! Tapusin mo na ang dapat mong tapusin!"Ang boses ng Don mula sa intercom ay parang hatol ng kamatayan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa bakal na pinto. Si Delgado? Ang kaisa-isang taong pinagkatiwalaan ni Zaitan nang higit pa sa kaniyang sarili? Kung traydor si Delgado, wala na kaming takas.Ang mabigat na hydraulic bolts ng containment room ay dahan-dahang bumukas. Napahawak ako sa tiyan ko, pilit na humahanap ng lakas sa gitna ng matinding kaba. Itinaas ni Kairo ang kaniyang baril, nanginginig ang mga daliri pero matalim ang tingin sa unti-unting bumubukas na pinto.Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Delgado—duguan ang suot na vest, may hawak na assault rifle, at sa likod niya ay ang Don na may mapang-uyam na ngiti."Good job, Delgado," bati ng Don habang dahan-dahang humahakbang pumasok. "Sabi ko na nga ba, sa huli, ang pera at katapatan sa pamilya Gulliermo ang mangingibabaw."Tumingin si Delgado kay Kairo. Inaasahan ko na itututok niya ang kaniyang b
Alas-tres ng madaling araw. Ang lahat ay nababalot ng huwad na kapayapaan hanggang sa biglang tumunog ang pulang alarm sa buong pasilidad. Ang nakakarinding sirena ay tila humihiwa sa katahimikan ng gabi."Madam! Boss! Pumasok na kayo sa containment room! Ngayon na!" sigaw ni Delgado sa radio.Mabilis akong dinaluhan ni Kairo na noon ay gising na gising na rin. "Ate, bilis!"Nakita ko si Zaitan na pilit tumatayo mula sa kaniyang kama. Kahit kitang-kita ang sakit sa kaniyang bawat galaw, walang bakas ng pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. Kinuha niya ang kaniyang tactical vest at ang dalawang Glock na nakatago sa ilalim ng kaniyang unan."Zaitan, huwag kang lumabas," pakiusap ko habang hinahawakan ang braso niya. "Kagagaling mo lang sa operasyon."Tumingin siya sa akin, hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako nang mabilis pero mariin. "Faith, hindi ako pwedeng magtago habang ang mga tauhan ko ay nagbubuwis ng buhay sa labas. Dito lang kayo ni Kairo. Ang silid na ito ay gawa sa reinforce
Nakahanda na ang lahat. Sa tulong ni Delgado, na-isolate ang Sector 4 ng ospital—isang hallway na nababalutan ng signal jammer para hindi makalabas ang anumang impormasyon mula sa tracker ni Migs. Nakatayo ako sa likod ng isang one-way bulletproof glass sa monitoring room. Sa tabi ko ay si Zaitan, nakaupo sa wheelchair pero ang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang tactical radio."He's here," maikling ulat ni Delgado sa kabilang linya.Nakita ko sa monitor ang pagpasok ng isang pamilyar na pigura. Si Migs. Nakasuot siya ng jacket, balisa ang mga mata, at panay ang tingin sa kaniyang relo. May hawak siyang maliit na device na kumukititap—ang tracker na inaasahan niyang magtuturo sa Don kung nasaan kami."Faith, hinding-hindi ka lalabas diyan hangga't hindi ko sinasabi," babala ni Zaitan. Tumango ako, pero ang puso ko ay nagpupumiglas sa galit.Binuksan ni Delgado ang intercom para marinig namin ang boses ni Migs sa kabilang silid."Nasaan sila?!" sigaw ni Migs sa kawalan. "Alam kong
"Dahan-dahan, Zaitan. Sabi ni Doc Sy, huwag mong biglain."Alalay ko siya habang dahan-dahan siyang tumatayo mula sa kaniyang kama. Nakasuot siya ng itim na silk robe sa ibabaw ng kaniyang hospital pants. Kahit maputla pa rin ang kaniyang balat, ang kaniyang mga mata ay bumalik na sa dati nilang talas—ang mga mata ng isang lobo na handa nang bumalik sa kaniyang teritoryo."I'm fine, Faith. I can't stay in this bed forever habang alam kong nasa labas pa ang matandang 'yun," matigas niyang sabi, pero lumambot ang kaniyang boses nang hawakan ko ang kaniyang siko.Umupo kami sa mahabang sofa malapit sa bintana ng recovery room. Mula rito, tanging ang mga security monitors at ang tahimik na hallway lang ang saksi sa aming pagtatago.Kinuha ko ang kaniyang kamay at dahan-dahang ipinatong sa aking tiyan. Gusto ko munang ipaalala sa kaniya kung bakit kami lumalaban—hindi para sa kapangyarihan, kundi para sa pamilyang binuo namin sa gitna ng gulo."Feel that?" bulong ko.Nanlaki ang mga mata n
Hindi ako agad nakaimik nang humiwalay ako sa halik ni Zaitan. Ang init ng kaniyang mga labi ay nanatili pa rin sa akin, pero ang isip ko ay parang isang sirang plaka na paulit-ulit na naghahanap ng sagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin o kung anong magiging reaksyon ko. Naguguluhan ako. Natatakot na baka ang lahat ng ito ay bahagi pa rin ng kaniyang deliryo.“Ano bang sinasabi mo…” nahihiya kong tugon sabay bawi sa kamay ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi, pero mas nangingibabaw ang kaba.“B-baka nagdidiliryo ka lang. Tatawagin ko muna si Doc Sy,” saad ko pa. Mabilis akong tumayo, hindi makatiis sa titig niyang tila binabasa ang buong pagkatao ko. Pero bago pa ako makahakbang palayo, ang kaniyang boses ay parang isang tanikala na pumigil sa akin.“Iniwan ka ng mga classmates mo sa kakahuyan ten years ago, ‘di ba?”Bigla akong natigilan. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo at nawalan ng pakiramdam ang mga paa ko. Dahil sa sinabi niya."Then I saw you, leaning against
Nagising ako sa isang pamilyar na pakiramdam. Isang mahinang pisil, parang dait lang ng balat, pero sapat na para magising ang bawat himaymay ng sistema ko. Nanatiling nakasubsob ang ulo ko sa gilid ng hospital bed, ramdam ang lamig ng aircon at ang amoy ng disinfectant sa paligid.Pero ang init na naramdaman ko sa palad ko—iyon ang hinahanap ko.Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko. Malabo pa ang paningin ko dahil sa antok at pagod, pero agad na nag-focus ang mga mata ko sa kamay ni Zaitan. Gumalaw ang mga daliri niya ng mahina."Zaitan?" bulong ko at tumingin ako sa mukha niya… at halos mapatayo ako ng mapansin ko ang pag galaw ng mata niya na para bang sinusubukan niyang imulat ang mga mata niya.“Zaitan?” tawag ko ulit sakaniya at marahang pinisil ang kamay niya, dito na unti unting gumalaw ang ulo niya at tuluyang nagmulat ang mata niya. Nagpakurap kurap pa siya ng ilang beses hanggang sa bumaling siya ng tingin sakin.“Oh my god! Hintayin mo’ko tatawag lang ako ng doctor.” saad
After namin sa restaurant ni Magnus ay dumeretsyo kami sa isang park. Naglakad lakad kami sa park, may mga nakaupo sa damo na mag isa, meron ring siguro ay magkasintahan, at isa sa pinakaininggitan ko? ang makakita ng isang buong pamilya na masayang nakaupo sa damuhan habang nagsasalo salo sa dala
Matapos namin mag agahan ni Lola ay dinala niya agad ako sa isang bakanteng kuwarto, nakaready na daw talaga ang kuwarto na iyon incase may bumisita sakaniya rito. Malinis ang buong kuwarto, trice a week niya raw kasi itong nililinisan para hindi pamugaran ng mga agiw at alikabok. Naupo kami sa ma
Hinatid namin ni Franlester si Jovelyn sa bahay nila, mag isa lang siya na sumusuporta ngayon sa magulang niya, ang mama niya ay bed ridden na dhail na stroke raw ito last month ang tatay naman daw niya ang nag aalaga sa mama niya. Bago kami umalis sa bahay nila ay nag abot ako ng kaunting tulong
Wedding day…“Ang ganda mo bestie!” puri sakin ni Trixie, kasama ko siya ngayon sa loob ng room kung saan ako inaayusan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang inuumpisahan na akong make up-an. Bukod kasi sa naeexcite ako ay kinakabahan rin… lalo pa ng sinabi ni Trixie na any time pwede na mags
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






