Share

Chapter 3.2

NAGPILA lahat ng mga kaklase ni Nari nang makabalik siya sa ground kung saan ginanap ang PE nila kanina. Hanggang ngayon ay pakiramdam niya ay pinanawan pa rin siya ng ulirat. Parang humiwalay na yata ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan mismo.

"Nari, ikaw na.."

Napapitlag siya nang tinawag siya ng kaklase. Kasalukuyan kasi silang pumipirma for attendance at hindi man lang niya namalayan na naabutan na pala siya sa pwesto niya. Their class secretary is waiting at nakakunot na rin ang noo dahil sa pagkatulala niya.

"Ah, oo. Ako na nga," aniya saka kinuha ang ballpen at nagsimula ng isulat ang pangalan tsaka pumirma.

Nang matapos siya ay mabagal ang lakad niyang nagtungo sa CR upang magpalit ulit ng uniporme dahil may susunod pa silang subject. Because she's filling sticky and uncomfortable, she decided to take a bath. 

Naghintay pa sila ng ilang minuto dahil madami pang mga kaklase niyang gumagamit ng palikuran. Good thing, it's her vacant period before her real class kaya okay lang kahit medyo matagalan. Pero dahil na rin siguro puro babae sila, talagang kukupad kupad ang kilos at pabagalan yata silang maligo!

Nangangalay na ang paa niya sa kakahintay kaya naman nang may isang cubicle na bakante na at saktong turn na niya ay wala ba siyang sinayang na oras pa at pumasok.

She took out her towel and other essentials then lock the door. 

Pagkaraan ng ilang minuto ay tinapos na niya ang pagligo at ibinalot na ang tuwalya sa katawan. Hinalungkat niya sa bag ang pamalit at saktong magpapalit na sana siya nang biglang namatay ang ilaw.

"What the..." she muttered almost cursing. 

Madilim na paligid ang sumalubong sa kaniya. She looked for her phone inside her bag pero halos mapamura siya nang hindi niya mahanap iyon sa loob ng bag. 

Napakagat na lang siya ng ibabang labi bago napabuntong hininga. She's not afraid of the darkness. She's afraid of those mysterious non livings lurking around like... ghost. 

Nangatal ang katawan niya at nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa katawan. She can remember some horror films she watched from the past. 

"Oh, God..." she prayed and close her eyes. 

Tinatagan niya ang loob at pilit na hinlungkat ang bag kung nasaan ang phone. Amd for Pete's sake, nilalamig na rin siya dahil tanging tuwalya lang ang nakabalot sa kaniya.

While searching for her phone, she heard a footstep.

Napaestatwa si Nari sa kinatatayuan dahil ang yabag na iyon ay mabagal lamang na tila nang uuyam at nagsasabing nalalapit lamang ito sa kaniyang kinaroroonan.

She bit again her lower lip to suppress a sob from coming out. Naiiyak na siya sa takot. Kung tao ba itong papalapit na yabag o mga ligaw yata na kaluluwa at mukhang siya ang napagtripan.

Sa nanginginig na labi, pilit niyang magsalita. "W-Who's there?" Nari asked while shivering in fear. 

Oh, please someone save her right now.

Sa halip na sumagot ang nasa labas, isang halakhak ang pumuno sa buong sulok ng palikuran. Malalim. Nakakatakot. Hindi matukoy kung lalaki o babae. Tila halakhak ng isang demunyo.

Nakarinig siya ulit ng yabag and this time, mas mabilis. Pabilis ng pabilis na tila naputol na ang litid ng pasensya ng nilalang ng nasa labas at atat na atat nang marating ang kinaroroonan niya.

Naghalo ang nakakatakot na halakhak at yabag kaya napapikit na lang si Nari at hinintay ang sumunod na mangyari.

"I will kill you! I will kill you!" paulit ulit na saad ng nilalang ng nasa labas na mas lalo niyang ikinanginig sa takot.

Ang sumunod na nangyari ay kalabog na nasa labas na siyang nagpatili sa kaniya at napaupo sa sulok ng cubicle. Halos halikan na ang mga tuhod at umagos doon ang kaniyang nga luha.

"No..." she whispered. "No, please... huwag ko akong sasaktan..."

Pero imbes na pananakit o dahas ang sumalubong sa kaniya, napalitan iyon ng isang halik na maingat sa ibabaw ng ulo. Masuyo at tila pinapakalma ang kaniyang panginginig. It was soothing that she stop crying instantly.

Bumalot sa kaniya ang tila bakal na bisig at napasubsob sa dibdib ng lalaking pamilyar sa kaniya.

"You're safe now. No one will hurt you while I'm here. No one.." the man whispered huskily while kissing her hair and slightly sniffing it.

Pilit na tiningala ni Nari ang taong nagligtas sa kaniya. She's needs to see it with her own eyes. And she was right. It's him again.

"Leon..." she said with a sad smile in her lips. 

Ang sumunod na nangyari ay hindi na niya nasundan pa dahil tuluyan na siyang kinain ng kadiliman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status