Share

Chapter 4.1

Apartment

TILA hinehele si Nari at mas ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng kung ano sa pisngi. It was caressing her with full of gentleness that made her smile a bit while her eyes is still close.

Mas isiniksik niya pa ang mukha sa bagay na iyon at nang hindi makuntento, hinawakan na niya iyon at kaagad napagtandong kamay pala iyon. Kung sino man ang may kamay nito, hindi na niya pakakawalan pa. It was comforting her. Malaki rin... If the owner of this hand is a boy, she doesn't care at all.

She heard a manly chuckle that made her heart skipped a bit. She would like to listen all day to that familiar voice of a man but something is pulling her to reality.

Paunti unting imimulat ni Nari ang mga mata at kaagad bumungad sa kaniya ang pamilyar na imahe ng klinika ng paaralan. Ang sumasayaw na kurtina ng school clinic dahil sa hangin ay nagbigay ng liwanag sa kaniya mula sa bintana. And then she remembered what happen...

Oh, God. Anong klaseng halakhak ang kaniyang narinig? 

Otomatikong nagtaasan tuloy ang kaniyang balahibo dahil sa naalala. At tsaka bago siya mawalan ng malay, naalala din niya ang taong nabungaran niya kanina. It was Leon and she could still felt his lips kissing her hair. Parang naiwan na doon ang labi ng binata kaya namula siya at sinapo ang pisngi sabay iling.

"Hey, okay ka na?"

Napatingin siya sa biglang humawi ng kurtina na nagmistulang harang sa gitna. Si Scarlette pala habang ngumunguya ng bubble gum. Her lips is slightly glistening with saliva and her lip balm. She also look fresh as always, tila hindi man lang nahahaggard ang kaniyang kaibigan at ni minsan ay ay hindi man lang niya nakitaan na naging oily ang mukha.

Alagang alaga talaga nito ang kaniyang sarili.

Linapitan siya lalo ni Scarlette at umupo sa gilid ng kama. Umusod naman ng kaunti si Nari upang mas mabigyan pa ng espasyo ang kaniyang kaibigan.

"Oo... ayos lang ako," ani Nari. She suddenly felt confuse. Alam kaya nito ang nangyari sa kaniya sa CR? Pero kung alam ng kaibigan niya, bakit parang walang bakas ng pag aalala o kahit anong reaksyon man lang dito? 

"Sure? Hindi na ba masakit?" balik tanong ulit ni Scarlette.

Teka, ano ang hindi na masakit na sinasabi nito? Doon na siya bahagyang natigilan.

Napakunot ang noo ni Nari dahil doon. "Ang alin?" medyo naguguluhang tanong niya ulit dito.

Scarlette's brow furrowed. "Iyang puson mo! I thuoght you had menstrual cramps? Tapos nag PE pa kayo! My goodness! Dapat nagpa excuse ka na agad!"

"H-Huh?" Naguguluhan na talaga siya. This time, mas malalim na ang gitla sa noo niya.

"Wait, I have a pain reliever here. Mabuti na lang at nagtext ka kanina pala." Kinalkal nito sa bag ang pain reliever na sinasabi nito. "Pahawak ng phone ko.." Inilahad din nito ang iphone sa kaniya. Walang nagawa si Nari kung di ang kunin iyon mula sa kaibigan.

"What? Anong tinext ko?" Sa pagkakaalala naman niya kanina, hindi niya mahanap ang cellphone niya.

Hindi na napigilan pa ni Nari ang sarili at binuksan na niya ang cellphone ni Scarlette at kaagad na nagtungo sa message icon. And there, she saw her message saying that she's in the school clinic because of menstrual cramps. 

Tumaas ang kilay niya roon. Iisa lang naman ang taong pwedeng nagsend ng mensahe na iyon. Sino pa nga ba ang naalala niyang huling kasama niya? Of course, it's Leon!

But she can't help but to feel thankful towards him. Kung wala ito kanina baka namatay na siya sa nerbiyos kanina at takot. 

And as much as she wanted to tell Scarlette what really happened, she chose to shut her mouth dahil baka hindi ito maniwala or magtakha pa. 

"Got it!" anunsyo ni Scarlette sabay wagayway sa harapan niya ang pain reliever nito. "Inumin mo na and let's wait for Lezter then after that, we can go home na."

Tumango na lang si Nari at sinunod ang kaibigan.

TATLONG araw ang lumipas at maayos naman ang naging takbo ng buhay ni Nari. Normal naman kung maikukumpara noong huling insidente sa CR kung saan siya naligo. 

Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin ang dagundong ng boses ng halakhak na iyon. So, everytime she wants to pee, she's always with Scarlette. At kung wala ang kaibigan niya ay tinitiis na lang niya hanggang sa makarating sa bahay nila. 

And about Leon...

Actually, it's been three days since she last saw him. Ewan, nitong nakaraang araw ay parang hinahanap hanap naman niya ang presensya nito kahit hindi naman dapat. Oh damn, she wants to hear his deep husky voice again! At ang nakakabaliw at makalaglag panty nitong ngisi--

"Nari, hindi ka na naman nakikinig, eh.."

Nilingon niya ang katabi. Si Rolly habang may itinuturo pala sa screen ng laptop niya. They're working on their term paper again. Pero ito siya napapatulala na naman.

Why does she always forget everything whenever she's thinking about Leon?

Hindi na normal ito. 

"Ano nga ulit 'yon, Rolly? Sorry, medyo masakit ulo ko," pagdadahilan ulit niya na may kasama pang paghaplos sa sintido niya na akala mo ay pumipintig talaga sa sakit.

"Gano'n ba? You should've told me earlier. Dapat hindi na muna natin ginawa itong term paper natin. We still have plenty of time," parang guilty na saad nito.

Nakosensya tuloy si Nari. "O-Okay lang naman. Hindi naman gaanong masakit talaga."

"Sure ka?" paninigurado pa nito.

"Oo. Don't worry. At mas okay nga 'yong magawa natin ito kaagad para wala na masyadong problema 'di ba?"

Tumango si Rolly. Ang mga mata ay ibinalik na sa screen ng laptop. 

Napabuntong hininga na lang si Nari at napapikit nang marahang umihip ang hangin. Sa pagpikit niyang iyon ay nakita niya ang pamilyar na imahe ng isang lalaki.

Bakit parang... namimiss niya ang lalaki?

SUMAPIT ang araw ng Sabado at ni anino ng janitor na laging nasa isip ni Nari ay hindi niya nakita. Ang totoo niyan ay medyo naiinis na siya sa lalaki ng kaunti. 

Pagkatapos siya nitong baliwin sa nga salitang binitawan nito, bigla na lang siya mawawala na parang bula? 

At bakit kung makapagsalita siya ay akala mo naman ay may namumuong relasyon silang dalawa?

Muli ay bumuntong hininga na naman si Nari. Doon ay naagaw na ng atensyon ng kaniyang Ate Trisha na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. Siya dapat ang gagawa no'n pero naalala niyang pupuntahan niya pala ang bahay nila Ate Imelda ngayon. Tuwing Sabado kasi ay siya ang nag aalaga sa anak nitong si Baste dahil may pinupuntahan itong trabaho sa Davao ng dalawang araw. Sa weekdays naman ay nagtratrabaho ito sa isang malaking kompanya at iniiwan si Baste sa nanny nito pero siyempre, tuwing sabado ay day off nito kaya wala talagang mag aalaga sa bata.

"Pang ilang buntong hininga mo na 'yan?" tanong sa kaniya ng kaniyang Ate Trisha nang pinupunasan na nito ang mga plato at inilalagay sa tray kalapit ng sink.

Napaiwas ng tingin si Nari sabay kamot sa batok. "Ate, mauuna na ako kina Ate Imelda, ah. Bye po!" pamamaalam niya rito at hindi pinansin ang huling sinabi nito. Nahihiya kasi siya sa sarili dahil may isang taong pilit na umuukilkil sa utak niya na ilang araw na niyang hindi nakita.

Tinahak niya ang papuntang bahay nila Ate Imelda. Maaliwalas ang paligid at maingay dahil sa mga batang naglalaro. Marami sila lalo pa't Sabado ngayon. Muntik pa siyang mabunggo ng maliit na batang nagpapatakbo ng scooter!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status