Share

Chapter 5.1

Moon

THE both of them are quiet. Animo'y nagpapakiramdaman silang dalawa habang nakaupo sa monoblock chair sa harap ng lamesang pabilog. Hindi kalakihan kung kaya't malapit lamang ang distansya nilang pareho. Nari can't help but to clear her throat. Naagaw iyon ng pansin ng lalaking kaharap.

"Do you want something to drink?"

Napakurap si Nari sa tanong ni Leon. Actually, she needs a cold water! Pakiramdam niya ay napapaso siya sa titig nitong kanina pa nakatutok sa kaniya. Kailangan niyang mahimasmasan kaagad.

"Ah, tubig. Pengeng tubig," wika ni Narisha at pasimpleng iginala ang paningin sa paligid.

The whole place isn't that big. Tamang tama lang at malawak kahit papaano dahil walang masyadong appliances bukod sa hindi kalakihang ref na katabi lamang ng lababo. May dalawang pintuan din siyang nakita na hindi gaanong magkalayo. Inassumume na ni Amara na siguro iyon ang kwarto at CR nito. At sa pinakagitna kung saan tanaw na tanaw niya si Baste na tahimik ng nakaupo at kumakain ng panibagong sandwich ay tanaw mula sa kanilang pwesto. 

"Okay." Tumayo ito at kaagad tinungo ang ref. Binuksan iyon at naglabas ng pitsel saka nagsalin sa baso.

Kaagad tinanggap ni Nari iyon at inisang lagok. Ramdam niya rin ang pag agos ng takas na tubig pababa sa lalamunan. She thanked him then wiped the water on her throat. 

"Leon?" she suddenly called him when he was still looking at her... neck? Siguro napansin din nito ang pag agos ng tubig doon.

"Uh, yes?" tila nabalik sa wisyong tanong nito. Tumikhim ito saka umiwas ng tingin. 

"Wala, napatulala ka kasi," she said. 

She noticed his red ears when he averted his gaze to Baste who is quietly eating sandwich. Kapansin pansin talaga iyon lalo pa't maputla ang balat ni Leon. Naisip tuloy ni Nari, baka kagaya niya ay may lahi rin ito. Mukhang mestisohin din, eh.

"Ikaw pala ang bagong lipat dito sa apartment," she told him, trying to start a conversation kahit na medyo nakaka tense talaga ang presensya nito. Hindi makalma ang kaniyang puso.

"Oo. Kakalipat ko lang kahapon."

"Bakit naisipan mong lumipat?" Nari asked curiously. Something came up to her mind. She remembered what he said that he would always follow her. Ayaw niyang mag assume pero... posible kayang sinusundan nga ba siya nito?

She mentally slapped herself. Baka naman assuming lang siya. Tss.

Isang ngisi ang pinakawalan ni Leon. It emphasizes the redness of his lips like a cherry. "Nothing... let's just say that.. I am guarding what's mine. Mahirap na.. baka makawala pa at mapunta sa iba..."

Doon napaseryoso si Nari at napatuwid sa pagkakaupo. Hindi niya alam pero parang may laman ang mga sinasabi nito. 

She blinked again avoiding his gaze. "Ah, ganoon ba? Ano ba iyon? Importanteng importante ba at talagang dumayo ka pa rito?"

"Sobrang importante. Mas importante pa sa buhay ko," he answered huskily. Ang pagkagaralgal ng boses nito ay sobrang nakakaakit na hindi mapigilang pamulahan ng mukha ni Nari.

"Edi... good luck! Kung ano man 'yan ay sana mabantayan mo nang hindi nga mapunta sa iba kagaya ng sinasabi mo," Nari replied energetically, pilit na pinagtatakpan ang kaba sa boses at panginginig nito. Hindi rin kasi nakatulong ang pag atake ng natural na mabangong amoy ng lalaki kaya hindi niya maiwasang punahin iyon sa isip niya.

He chuckled. "Hindi ano... kung 'di sino.." he said then licked his lower lip make it more redder and tempting this time.

Napakurap si Nari. She suddenly needs air! Too much hotness for this man!

KINABUKASAN ay inaya ni Scarlette sila Nari at Lester na magkita kita sa isang malapit na mall pagkatapos na pagkatapos ng pangalawang misa. Tamang tama lamang dahil kagagaling ni Nari at Ate Trisha niya sa simbahan at hindi pa man siya nakapamalit ng pamabahay ay nakarinig na siya ng busina mula sa labas. Napagtanto niyang sina Scarlette at Lester na iyon.

"Saan lakad niyo?" tawag pansin na tanong ng kaniyang Ate Trisha habang itinatali ang buhok niya. Nakasuot siya ng loong sleeve na kulay itim at high waist pants. Sa paa ay flats lamang. 

"Sa mall lang, Ate. Nag aya si Scarlette, baka may bibilhin lang."

"May pera ka pa ba?" Ito na naman ang tanong nito. 

Nginitian niya ang Ate Trisha niya. "Opo, Ate. Mayroon pa. Sige po, bye na!" Humalik siya sa pisngi nito at kaagad ng nanakbo sa labas.

May itim na kotse ang nakaparada sa labas. Kina Scarlette iyon. Dumako ang paningin niya sa dalawang kaibigan. They're both glaring at each other. Ano na naman kaya ang pinag aawayan ng dalawa?

"What's your problem ba?! I'm comfortable in these clothes! You don't expect me to wear a fucking long sleeve or whatsoever just to cover my skin! Ang init init kaya!"

"Ah, kaya ganiyan ang suot mo? At sa mall ang pupuntahan natin! Bakit ka naka short? That's too... short.."

"Bobo! Kaya nga short, eh! Nasaan ba ang utak mo?!"

"Nasa pwet ko nagkakape," balahurang sagot ni Lester. 

Bago pa makasagot si Scarlette ay pumagitna na siya sa dalawa. She cleared her throat. "Yes, mainit ang panahon ngayon. Kaya kumalma muna kayo, ah?" aniya sa dalawa.

"Tss.."

"It's his fault.."

Ngumiwi na lang si Nari bago pasimpleng ineksamin si Scarlette. May kaiklian nga ang suot nito. Taliwas na taliwas sa suot niya. She's wearing a hight waist short and an floral off shoulder top. Agaw pansin talaga ang makinis at mahaba nitong binti. Mabuti na lang din pala at naka kotse sila ngayon at kung nagmotor ay baka sinipulan na siya ng mga manyak dito sa kanila. Good thing, Lester's here.

"Tara na nga!" Padabog na pumasok sa passenger's seat si Scarlette at ibinalibag pa ang pintuan niyon.

Bumuntong hininga si Lester sa tabi niya bago ito pumasok sa driver's deat. Si Nari naman ay dumeretso na sa back seat.

DAHIL Sunday ay madaming tao sa mall. Kung anu ano ang natritripan ni Scarlette na bilhin. At panay naman ang reklamo ni Lester dahil siya ang naging tagabitbit ng mga natitipuhang bilhin.

"Hey, wait up! I like this one!" maya maya ay tawag pansin ni Scarlette nang nasa loob na sila isang jewelry shop. May iba't ibang klase ng bracelet ang nakahilera sa salamin. Bahagya pang natawa si Nari nang makitang may bracelet na may letters na pendant. How cute. Parang sa mga nagtutinda lang sa bangketa.

"Bibili ka ulit?" si Lester na mukhang bored. "Pakibilisan naman, oh!"

"Atat ka na naman! You can go if you want, nakakahiya naman sa 'yo," sarkastikong wika ni Scarlette na sinamahan pa ng irap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status