Share

Chapter 5.2

"Iiwan ko kayo ng ganyan ang suot mo?"

"Of course! Wala ngang mali sa suot ko!"

Tumikhim si Nari nang mapansin mukhang nagsisimula na naman yata ang dalawa sa pagbangayan. "Ah, ang cute ng mga 'to, oh!" she told them while looking at the bracelets, yung mga may letters na pendant.

Bumuntong hininga si Scarlette saka binalingan si Nari. "Yeah, that's cute! Bilhin ko na!"

Kumuha si Scarlett ng tatlong bracelet. Iba iba ang letra ang design no'n. Ang kay Scarlette ay letter S, ang kay Nari ay letter N. 

"Oh, ayan! Binilhan rin kita!" tila napipilitang sabi ni Scarlette kay Lester at halos ihampas na nito ang bracelet sa dibdib nito na kaagad namang sinalo ng huli.

"Bakit parang napipilitan ka?" balik tanong ni Lester na may kasamang sarkastiko ring ngiti.

Scarlette rolled her eyes. "Tss, mayroon tayong tatlo. This will be our friendship bracelet!" anito na may kasamang ningning sa mga mata. Yumakap pa ito sa braso ni Nari. "So, what can you say, Mr. Reklamador?" balik ulit nito kay Lester.

Bumaling ulit sila pareho kay Lester na biglang natulala at... namutla. Hindi mabasa ang ekspresyon na bumalatay sa mukha at nakatitig lamang sa bracelet na ibinigay ni Scarlette.

"Friendship bracelet, huh?" biglang sabi ni Lester sabay baling kay Scarlette. "F-Friend..."

"Yes. Ano, pati kahulugan ng friend hindi mo na rin alam?!"

"Of course, I fucking know it." Iiling iling na sabi nito, tila disappointed. "I fucking know it well.. but, I am sorry, I can't accept this one. I want m- more..."

"Huh?" halos magkapanabay na sabi ni Nari at Scarlette at nagkatinginan pa.

Ngunit halos magulat sila sa sumunod na ginawa ni Lester. He stared at Scarlette intently before dropping the paper bags harshly on the floor. Pagkatapos no'n ay saka ito lumabas ng jewelry shop. 

Napamaang sila pareho sa inasal ng kaibigan.

"Okay? What did just happen?" Scarlette asked while still staring at the paper bags on the floor. "Napaka talaga ng lalaking 'yon! Wala na tayong tagabitbit!" she suddenly giggled. 

Tumitig si Nari sa pwesto ni Lester kanina. And then somthing hits her. Mula kanina kung gaano nagreklamo sa suot ni Scarlette tapos sa friendship bracelet nila. 

Oh, God! His friend like Scarlette! Bakit hindi niya kaagad napansin 'yon?

She grinned at that thought.

"Hoy, bakit ka naman ngumingiti diyan ng mag isa?" si Scarlette at kinulbit pa siya bago pulutin ang mga paper bags.

Umiling lang si Nari. "Wala..."

GINABI silang umuwi ni Scarlette. Mabilis naman silang natapos sa pamimili pero dahil nang pauwi ay traffic na, talaga namang natagalan sila. 

"Scarlette, salamat dito, ah?" ani Nari sabay wagayway sa tatlong paper bag na binili para sa kaniya ni Scarlette. Akala niya ay sa kaniya iyon pero nagulat na lang siya nang ibigay iyon sa kaniya ng kaibigan.

"No problem. Basta ikaw! At talagang magtatampo ako kapag hindi mo 'yan tinanggap!" Pabiro itong umirap sa driver's seat. Ito na ang nagdrive dahil wala naman na si Lester.

"Oo na. Sige, una na ako, huh? Salamat ulit at ingat ka sa pagdadrive, ah?"

"Yep, I will. Bye!"

Kinawayan ito ni Nari at saktong nakaalis ay napabuntong hininga na lang siya sa pagod. Ramdam niya ang pagkirot ng paa niya. Paano ba naman kasi, walang kapaguran ang kaibigan niya. 

Saktong pagkaharap niya sa bahay nila ay nabangga siya sa isang matigas na bagay-- no, sa isang dibdib!

"What the.." akmang reklamo niya pero inatake ang ilong niya ng pamilyar na amoy. "L-Leon..."

"Hey," he almost whispered and Nari almost cursed herself when his hot breath fan her face. Muntik pa siyang mapatulala sa mukha ng lalaki. 

Ilang segundo ang lumipas saka napagtanto ni Nari na sobrang dikit na pala nila ng lalaki. Leon is supporting her weight by grabbing her tiny waist. Ang isang braso naman nito ay nakahawak sa kaliwang braso ni Nari.

Kumurap si Nari bago tumikhim at nag iwas sa tingin kay Leon. "Uh... anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya sa lalaki. Humiwalay siya rito at halos kastiguhin ang sarili dahil tila gusto pa niyang bumalik sa mga matigas na bisig ng lalaki.

It was comfortable for her and she wouldn't mind even if she stay in that arms forever-- wait, what is she thinking?!

Leon slightly licked his lips before clenching his jaw, like he was suppressing something especially when he glanced at Nari's half open lips.

 "I've waited for you," sagot ni Leon bago tumuwid sa pagkakatayo at umiwas ng tingin. "So, how's bonding with your friend? That's... Scarlette, right?"

"Hmm. Oo, si Scarlette 'yon. At sayang nga at umuwi kaagad si Lester," nakangusong pagkukwento ni Nari nag maalala ang pag alis ng kaibigan nila kanina.

"What? Lester, huh? So, it's a male friend.."

"Yep, at teka nga. Bakit mo ako hinihintay?" muling tanong ni Nari, may bahid ng pagtatakha sa mukha.

"Just making sure if you'll go home safe. Kung pwede lang talaga ay sumunod na rin ako sa inyo, eh.." He chukcled dryly. "But, of course I didn't do it.."

Nagtaas ng kilay si Nari bago humalukipkip. "At bakit mo naman kami susundan, aber?" pagkuwa'y mataray na tanong nito. She doesn't even known kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob para magtaray sa harap ng lalaking ito!

It was as if it's normal to do it in front of him. Na para bang kaya niyang gawin lahat because she know that he won't complain.

Leon smirked. "I told you. I will always follow you, love."

Doon napatigil si Nari. Andoon na naman ulit ang malakas na tibok ng puso niya. Love. That endearment again! 

Nag iwas ng tingin si Nari bago tumikhim ulit at napaupo na lang sa isang bangko sa harap ng bahay nila. Makitid lang iyon at halos pang isang tao ngunit napasinghap siya nang biglang umupo rin si Leon sa tabi niya, making their skin in contact. And Nari felt tense because of that. 

Tumingala siya upang ibaling sa ibang bagay ang nararamdaman. "Ang ganda ng mga bituin, 'no?" she chuckled softly. "Kung papipiliin ako at hindi naging tao, pipiliin kong maging bituin."

"Why?"

"Wala lang. Kasi sabi nila lahat daw ng mga taong namamatay, magiging bituin. Doon din naman papunta, right?"

"Hmm, but I prefer you being the moon.."

"At bakit naman?"

"Mas malaki, mas maliwanag."

Napatawa na lang ulit si Nari. Ang simple kasi ng naging sagot nito. Parang sagot lang ng isang batang paslit.

"Eh, paano naman 'yon, hindi laging nandiyan ang buwan. And it's not always full moon.. kaya hindi laging maliwanag.."

"It's fine with me. I will always wait, no matter how long it  takes. Because I know that after the darkness, there's always the moon that will light up my sky.."

He said those words while looking at her intently. Na para bang siya lang ang tanging nakikita nito.

And Nari can't help but to smile while looking back at him. At doon niya na-realize ang isang bagay.

Nag uusap sila na para bang matagal na silang magkakilala, like her heart can recognize him and it will always beat for him.. only.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status