Share

Under The Moonlight (Tagalog)
Under The Moonlight (Tagalog)
Author: yeenxlala

Simula

"NARI, tara na! Mauna na tayo!"

Napatigil sa pagbabasa si Nari nang marinig ang pamilyar na boses habang siya'y nakaupo sa isang bench sa loob ng kanilang eskwelahan. The wind is slightly fanning her face that's why she can't help but feel relax. 

Pero ito naman ngayon, kinukulit siya ng kaniyang kaibigan na kararating lang at mukhang kakatapos lang magpasa ng isang project sa isa nilang prof. Mabuti na lang at natapos na niya iyon kahit malayo pa ang deadline. May isang subject kasi na parehas sila ng project at same prof.

"Hintayin na lang muna natin si Scarlette, Lester. Baka magtampo 'yon kapag nauna na tayo," malumanay na wika niya sa lalaki at muling ibinalik ang mga mata sa binabasa.

Actually, she was just reading her notes para ready siya kapag may surprise quiz sa klase. Ganoon pa naman sa college, madaming surprise. Ewan ba niya, hindi pa rin siya nasasanay hanggang ngayon. Mangangalahati na sila sa school year pero may mga nakasanayan pa rin siya noong high school na nadala sa college.

"Eh, may exam pa yata sila. Alam mo namang may pagka bobo 'yun, kukupad kupad sumagot, akala mo naman tama," harsh na saad nito na ikinangiwi niya. 

She shooked her head on what Lester said. "Tinext mo na ba siya?" tanong na lang niya.

"Hindi pa. Tinatamad ako," bored na sagot ni Lester.

"I-text mo na," pangungumbinsi niya.

"Tss. Teka nga pala, Nari. 'Yung motor ko naka-park pala sa blue building. Sunduin ko na lang si Scarlette sa department nila. Pa-VIP talaga ang babaeng 'yon," dagdag pa nito, iiling iling.

She just nodded her head on what he said. Lester is kind, but not to their other friend Scarlette. Wala talagang oras na hindi nagbabangayan ang dalawa kapag magkakasama sila. Umalis na rin ito kaagad na nakabusangot ang mukha.

The three of them are friends since high school days. Iisang school sila nag aaral at sanay na sanay na sila sa isa't isa kaya kahit ngayong nasa kolehiyo na sila, naghihintayan pa rin kahit hindi na gaanong nagtutugma ang schedule. Lester and Nari are both Engineering student. Si Nari, civil engineering ang kinuha. Samantalang si Lester naman ay mechanical kaya mas madalas silang magkasamang dalawa kaysa kay Scarlette na nahiwalay sa kanila na ang kinuhang course ay Education.

Narisha was left alone under the bench again. Ipinagpatuloy niya ang pagkakabisado sa notes niya, bahagyang dinadama ang dampi ng hangin na siyang nagpapakalma sa kaniya.

She almost had an heart attack when she heard a sound coming from a stick broom. Napatuwid si Nari ng pagkakaupo at tinanaw ang pamilyar na lalaking nagwawalis ng mga dahon sa ground. 

She eyed the janitor intently. He was just wearing a plain white shirt. Ang maong na kupas ay halatang luma na pati na rin ang sapatos na may kaunting butas sa dulo. Sumasayad din sa lupa ang puting lace niyon.

Nari cleared her throat. "U-Uhm..." Parang hindi niya alam bigla ang sasabihin. 

At oo nga, ano ba dapat ang sasabihin niya?

Namula siya dahil do'n. Kung may ibang makakakita sa kaniya iisipin ng ibang kinikilig siya sa presensya ng lalaki. His presence is quite intimidating for her. It's too much that she just want to runaway from him but if she will do that, she'll look stupid.

"Excuse me, Miss," sabi ng janitor nang magwalis na ito sa may paanan niya. His voice is deep and kinda raspy. It sounds mature and raw.

Aligaga namang napatayo si Nari sa kinauupuang bench. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod kaya naman halos mapamura siya nang nagsilaglagan ang ilang papel na nakasipit sa notes niya. Mga seatworks lang naman iyon. 

"Clumsy.." she heard him said then pick up the pieces of paper and handed it to her. 

"S-Sorry..." wala sa sariling sabi niya. Mas dumoble tuloy ang pag iinit ng kaniyang mukha. She quickly get the papers from him.

He just tsked like he was irritated with something.

Saka lang napagtanto ni Nari na mali pala ang nasabi niya. Hindi ba dapat "thank you" ang sinabi niya? So stupid of her!

What can she do? That man is giving her chills that she can't even think straight.

Ipinagpatuloy na lang ng janitor ang pagwawalis. Ilang segundong nakatanga lang si Narisha habang pinagmamasdan ang lalaki sa harap niya. She can't help but to notice his scent. For a janitor, he surely smells good and... addicting. Hindi gaanong masakit sa ilong. O kung may pabango ba talaga itong iwinisik sa katawan nito? It must be his natural scent...

Nabalik lamang siya sa wisyo nang biglang umalis ang lalaki sa harap niya. She sighed. Bakit ganito na lang ang epekto ng lalaking iyon sa kaniya. She didn't even know his name! Pamilyar lang ito sa kaniya at paminsan minsan niya itong nakikita sa kabilang building kaya hindi siya nagkaroon ng kahit anong interaksyon dito.

"Bobo! Sinabi ko bang sunduin mo ako?!"

"Bakit hindi ka na lang mag thank you?! At hindi ka man lang nagtext! Sarap na sarap kang makipaglandian sa mukhang talakitok na lalaking iyon!"

"Gago ka ba? Hindi siya mukhang talakitok! And I wasn't able to text because my phone's battery went dead! Hindi na ako nag charge kasi uwian naman na!"

"Palusot mo!"

Napailing na lang si Nari dahil sa pagbabangayan ng dalawa. Aawatin naman niya dapat ang mga ito pero hindi na jiya itinuloy at sumakay na lang sa motor ni Lester at kinuha ang isa pang helmet na nasa manibela ng motor nito. Doon lang napansin ng dalawa ang presensya niya.

These two never fail to make her head ache on their petty fights.

Habang paandar ang motor, sumulyap si Nari sa educ. building. The janitor is standing in front of the door and her heart pounded harshly because of that. 

Nakahawak na ito ngayon ng mop. But what she notice the most is his cold stares.

 Is it just her or... his eyes really turned red?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status