공유

Chapter 2

작가: Maui Azucena
last update 최신 업데이트: 2021-05-05 16:53:20

       

Kasalukuyan silang nasa Gov. Feliciano V. Mercado Gymnasium at nagkakagulo sa dami ng estudyanteng naghahanda para sa practical sa volleyball. Mainit ang paligid kahit may bentilador sa gilid, at naririnig pa rin ang mahihinang kalabog ng bola at mga tawanan mula sa ibang grupo.

“Boys, tulungan niyo akong i-set up ang court. Ilalagay na natin ang net at markers para makapagsimula na tayo,” sigaw ni Sir Aniano, ang kanilang MAPEH professor, habang bitbit ang net stand at ilang cones.

Agad namang tumayo si Zanjoe, kasunod ang ilan pang lalaki sa klase. Bago ito bumaba mula sa bleachers, iniabot niya ang backpack at water jug sa kanya.

“Ash… sa iyo muna ‘to. Tulungan ko lang si Sir.” habilin nito habang nagmamadaling bumaba.

“Okay, ingat.” sagot niya sabay kuha ng mga gamit nito. Maingat niyang itinabi ang mga iyon sa tabi ng sarili niyang bag, sabay tayo at pag-unat ng likod.

“There's something in the way he looks at you.” sabay sabing may halong panunukso ng katabi niyang si Bergz, ang mapagmasid at madalas ay marites ng grupo nilang magkakaibigan.

Napatingin si Ashley sa kanya, sabay kibit-balikat.

“Huh? Sino? Si Zanjoe? Hala ka, kung anu-ano na naman yang naiisip mong kabaliwan.” sabay tawa nito, habang pinipigilang matawa nang malakas.

Tumawa rin si Bergz, pero pagkatapos ay nagsalubong ang kilay at naningkit ang kanyang mga mata. “Hindi ako nagkakamali, Ash. May something talaga. Kita ko ‘yung tingin niya sa ‘yo. Para bang he sees something he’s too afraid to say out loud.”

Ashley rolled her eyes. “Hoy, tigilan mo nga ako. We’re childhood friends. Best buds since prep pa lang kami. I mean, come on, practically kapatid ko na ‘yon.”

“Exactly. Childhood friends na laging magkasama. Tapos ngayon, parang nagiging protective kuya... o baka naman, may halong selos na?” ani Bergz sabay kindat.

Napailing na lang si Ashley. “Hala, ang lawak talaga ng imagination mo, girl.”

“Ewan ko sa’yo. Basta ako, I trust my instincts.” tugon ni Bergz sabay pakibit ng balikat.

Hindi na sumagot si Ashley. Pero sa loob-loob niya, may konting kirot sa sinabi ng kaibigan. Totoo nga bang may kakaibang tingin si Zanjoe sa kanya lately? O baka siya lang ang nagiging sobrang mapag-obserba?

Maya-maya pa’y natapos na ang mga lalaki sa pag-aayos ng volleyball court. Nagsimulang bumaba ang mga estudyante mula sa bleachers para pumwesto sa kanilang mga grupo.

Nang mapansin ni Zanjoe na pababa na si Ashley, agad itong sumalubong, hawak pa ang isang extra towel at nakangiting parang araw.

“Uy, baba ka dahan-dahan. Mahirap na baka madulas ka pa d’yan.” anito habang inilahad ang kamay.

Napabuntong-hininga si Ashley at tinanggap ang kamay nito. “Thanks. Pero ‘wag mo ngang OA-han. Hindi naman ako lampa.”

Sabay tawa silang dalawa habang bumababa. Nang makalapag na sa sahig si Ashley, tinapik siya ni Bergz sa balikat, sabay taas ng kilay.

Bergz smirked and mouthed, “See? Told you.

Napairap na lang si Ashley at bumulong sa sarili, “Whatever.”

Pero sa loob niya, may mumunting kaba sa puso niya. Bakit nga ba biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang hawakan ni Zanjoe ang kamay niya?

********************

               Nakatulalang nakangiti lang si Ashley habang nakaharap sa kanyang laptop. Nangangarap lang ng gising ang peg. Katatapos lang kasi niyang panoorin ang Acoustic Cover ni Hugh ng awit na Flying Without Wings originally sang by 90's boyband WestLife. Tagos sa puso ang bawat liriko at tunay na napakasarap pakinggan ng boses ng binata. Kahit yata paulit ulit niyang panoorin sa you tube ay hindi siya magsasawa. Katunayan ay naka 86k views ito mula nang ma upload 1 month ago.

            "Hoy!"

            "Ay kabayo!" halos malaglag sa kinauupuan niya si Ashley sa gulat kay Zanjoe. "Ano ka ba naman Zan.. nakakagulat ka naman. Kung may sakit ako sa puso, kanina pa ako nakabulagta diyan."

            Saglit siya nitong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa screen ng kanyang laptop.

            "Paano namang hindi ka magugulat, tulala ka na naman diyan sa idolo mong si Hugh. Hamak na mas guwapo naman ako diyan ano." anitong umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

            "Oo na, oo na payag na ako kasi birthday mo ngayon. Ngayon lang ha." aniyang ngumiti sa kaibigan. "Anyway, Happy Birthday!"

            "Thanks. Dumaan lang ako sandali dito para sabihan sina Tita na lumipat sa kabila mamayang 3 pm sa bahay. Nandiyan ba sila?" anitong bahagyang lumingon sa gawi ng kabahayan.

            "Nandiyan silang lahat. Ang alam ko nasabihan na tin sila ni Ninang Karren. Don't you worry, we're coming. Para namang napakalayo namin para hindi pumunta. I heard kumpleto ang buong barkada nina mama eh." aniya sa kaibigan. Nasaksihan nila ang magandang samahan ng magkakaibigan ng kanilang mga magulang. Hanggang pati silang mga anak ng mga ito ay malalapit sa isa't isa. Pinakamatanda na sa kanila si Ate Sabina na kasalukuyang nasa Amerika though paminsan minsan ay bumibisita sa Pilipinas. 

            "Okay. O pano, huwag mong kalimutan ang gift mo sa akin ha." natatawang biro ni Zanjoe sa kanya.

            "Siyempre naman Zanjoe. Malimutan ko ba naman iyon?" 

            Natatawa na lang na pinisil nito ang kaniyang baba bago tuluyang umalis.

            'Ouch!'

*******************

            

        Pawang mga nakangiti ang mga bagong henerasyon habang nakamasid sa mga magulang na nagkakagulo na sa kanilang Truth and Dare game na hindi nawawala tuwina sa mga ganitong pagkakataon. Ang pamilyang palaki nang palaki sa pagdaan ng panahon.

        Sa tuwina'y ang pasimuno ay ang kanyang amang si Jerson na sari - sari na  ang naiisip na pakulo. Napapailing na lamang sila ni Apollo. 

        "Kumain ka na ba Ash?" ang tanong sa kanya ni Ate Yna (short for Martheena) na umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Kararating lang nito dahil galing sa duty nito sa SDGH as heart surgeon. Kinaiingitan at hinahangaan ng marami si Yna hindi lang sa husay nito as a heart surgeon kundi maging sa taglay nitong ganda . For her, papasa itong model o artista given a chance. She was tall, lean and really pretty. Pero mukhang malabo rin sapagkat napaka conservative ng Ninong Martin niya. 

        "Yes po ate Yna. Tapos na po ako. Dinalhan na po ako kanina ng pagkain dito ni Zan." sagot niya sa dalaga.

        Tumago - tango naman ito. "I see."

        Kasunod nitong dumating si Zeus na may dalang pagkain. Tumabi naman ito sa nakatatandang kapatid. Mukhang wala sa mood ang kapatid ni ate Yna. 

        "Bakit naman ganyan ang itsura mo Zeus?" tanong niya dito.

        "Because the sight of the witch makes me feel sick." anito sa gitna ng pagkain. Saka tinapunan ng masamang tingin si Fritzene na anak nina Tita Bing at Tito Celso sa kabilang table. Kasama naman nito sa table ang kakambal niyang si Apollo, ang anak nina Tita Mhelai at Tito Lucas na si Zach, sina Jared at Jamie na anak nina Tita Mhelrose at Tito Jim,  ate Aezzle na anak naman nina Tita Eden at Tito Jigs.

         Yeah. The famous war between Zeus and Fritzene is not yet over after almost 2 decades. Kailan kaya ang mga ito magkakasundo? 

        Maya - maya pa'y umupo sa kanyang tabi ang birthday boy na si Zanjoe. Binati naman ito ng magkapatid na Zeus at Yna.

        "Happy birthday Zan!" ani Zeus na mukhang nag - iba na ang mood.

        "Happy Birthday Zan! Sorry. Medyo nahuli ako. Galing pa kasi akong duty eh." anang dalaga. 

        Tumago naman si Zanjoe bago nagpasalamat sa dalawa. 

        "Anong gusto mo? Ikukuha kita sa loob?" Tanong ni Zanjoe sa kanya.

        "Hindi na. Sobrang busog ko na oh." aniya showing her bloated tummy to him.  

        Nagpalipat lipat naman sa kanila ang tingin ng magkapatid na Zeus at Yna.

        "You know what, kung hindi lang namin kayo kilala, we'll be thinking that you're more than friends."

        'Yeah great! There goes the line again.'

        

************************

        

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 30

    Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Habang tinutulungan niyang mailagay si Ashley sa kama, napansin niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan—wala na ang lahat ng mga posters ni Hugh sa dingding ng kwarto ni Ashley. Ang mga pumalit ay mga posters ng mga endorsements ni Zanjoe mismo. Napatingin siya nang matagal, parang hindi makapaniwala. “Totoo ba ito? Baka nananaginip lang ako,” bulong niya sa sarili.Dahan-dahan niyang ibinaba si Ashley sa kama, inalis ang sapatos nito para gumaan ang pakiramdam. Para bang bumalik siya sa mga panahong mad

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 29

    Hindi maiwasan ni Zanjoe na muling lumingon kay Ashley. Siya — ang babaeng matagal na niyang minahal, na nasa puso niya nang higit pa sa anumang bagay. Aminado siyang mahal pa rin niya siya, kahit ang sakit ay hindi na niya maipagkaila. Ngunit kahit ganoon, itinuloy niya ang kanyang plano—ang pag-alis patungong New York.Bukod sa kailangang ayusin ang ilang endorsements at samahan si Graciella para sa kanyang treatments, kailangan din niyang magkaroon ng distansya, ng pagkakataong mag-isip nang malinaw. Tulad ng kanta ng Five for Fighting na Superman, “Even heroes have the right to bleed.” Kahit na para sa iba ay tila siya ang bida sa sariling kwento, siya rin ay tao—may mga sugat na kailangang paghilumin.Kailangan niyang maghilom, bago siya makapagsimula ng panibagong kabanata sa kanyang buhay.Hindi madali para sa kanya ang pagiging si Zanjoe — higit pa sa pagiging isang modelo, artista, o kahit na kung sino pa siya sa mata ng ibang tao. Siya ay tao rin, na may mga pangarap, takot,

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 28

    Kasalukuyang nagbi-brisk walking si Ashley sa gilid ng kanilang subdivision, nilalakad nang maayos ang daan habang nilalanghap ang sariwang simoy ng umaga. Ang bawat hakbang niya ay tila may kasamang pag-asa, kahit sa likod ng kanyang puso ay may mabigat na tanong na hindi pa rin nasasagot. Ang mga tanong tungkol sa mga bagay na nangyari, sa mga damdaming hindi pa malinaw, at sa mga pangarap na tila unti-unting naglalaho.Habang naglalakad, bigla niyang namataan ang isang sasakyan na dumarating sa driveway ng kanilang bahay. Nang lumapit ito, agad niyang nakilala si Hugh, na bumababa mula rito nang may dalang ngiti at palakaibigang aura na tila ba nagsasabing “nandito ako para sa’yo.”“Good morning, Ashley!” masiglang bati ni Hugh, na mabilis na nilapitan si Ashley at humalik sa kanyang pisngi nang may init ng pagkakaibigan at pagkalinga.“Oh hi, Hugh… Aga naman ng pagdalaw mo kay Jamie , ha,” tugon ni Ashley nang may konting biro, sinubukang aliwin ang sarili.“Yeah… yeah, inagahan ko

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 27

    Pinili ni Ashley na mapag-isa. Masyado siyang naguluhan ng mga nangyari at kailangan niyang huminga nang malalim, lumayo sa ingay ng event, at payapain ang sarili. Lumabas siya ng hotel, dala ang mabigat na damdamin na hindi niya maipaliwanag. Kailangan niya iyon — ang makalayo, makalanghap ng sariwang hangin na magpapabawas ng tensyon sa kanyang dibdib.Habang nakatanaw sa malawak na kalangitan ng gabi, napaisip siya. Paano kaya kung maibabalik niya ang oras? Paano kung maibabalik niya ang panahon noong maayos pa ang lahat nila ni Zanjoe? Noong walang mga tampuhan, walang mga lihim, at walang mga sugat na pilit nilang tinatago sa puso. Kung maibabalik niya iyon, hindi na siya magpapalampas pa ng kahit isang pagkakataon para ipakita kung gaano niya pinahahalagahan ang binata, kung gaano siya humahanga at umaasa sa kanya.Malalim na buntunghininga ang lumabas sa kanyang labi, na parang inaalis ang bigat ng mga luha na hindi niya pinapayagang dumaloy. “Kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 26

    Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine.Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang mabasag ang eardrum niya sa tili nito over the phone. "Oh hi Kris.. What's up?" tanong n

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 25

    The whole dinner was such a pain in the neck for Ashley. Para bang invisible siya sa lahat—no one was even looking her way. But honestly, she didn’t care about that part. Ang totoong inis niya? Dalawang tao na walang pakundangang nagdi-display ng affection sa harap niya, para bang wala nang ibang tao sa paligid.Duh! Manong intindihin na lang nila ang pagkain, hindi iyong kulang na lang ay maglabas ng keycard papunta sa hotel room. Nakakadiri. Nakakairita. At higit sa lahat… nakakasakit sa loob.“So, are you planning to stay for good?” tanong ng ama niya kay Tito Phem. Simula kasi nang mag-abroad si Tito Phem, doon na rin siya nagtrabaho sa isang kilalang ospital. Si Tita Karren naman, ipinasa na lang sa mga kaibigan ang pamamahala ng Sweet Buds. At si Zanjoe? Well… doon nagsimula ang career niya—kilala na ngayon bilang isang international ramp at commercial model. And by the way his presence filled the room tonight, halata kung bakit.“Yeah, yeah… we’re not getting any younger. We de

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status