"What's your name and where are you from?" tanong ni JR Valdez, ang Fil-Am international singer na kilala sa kanyang platinum records at charismatic presence. Isa siya sa mga pinakainaabangan sa panel ng mga hurado ng XYZ Factor, ang pinakasikat na reality singing contest sa bansa. Ang boses niyang may halong excitement at propesyonalismo ay tila may sariling kakayahang magpasabik sa bawat manonood.
Confident na ngumiti ang binatang contestant na nakatayo sa gitna ng entablado. Matikas ang tindig, maamong mukha, at ang simpleng suot nitong puting polo shirt ay lalong nagbigay-diin sa natural niyang karisma.
Sa isang maliit na bahay sa Batangas, hindi maalis ni Hera Ashley ang kanyang paningin sa telebisyon. Hawak pa niya ang ballpen at science notebook, at handa na sanang patayin ang TV para tuparin ang responsibilidad bilang estudyante. Ngunit sa pagdinig pa lang ng tanong, at lalo na nang lumitaw ang mukha ng binata sa screen, parang na-freeze ang oras para sa kanya.
"I'm Michael Hugh Perez po from Batangas."
Sabay na parang lindol ang hiyawan mula sa studio audience, lalo na sa hanay ng mga kababaihan. May mga nagtatalunang tinig pa sa background: "Ang gwapo niya!" "Kababayan natin ‘yan!"
Napakagat-labi si Hera. Napabulong, “Taga-Batangas din?!”
"How old are you?" tanong ni Madame Corita, ang respeto’t takot na hurado, isang batikang actress at veteran judge sa larangan ng entertainment.
Nakangiting sumagot ang binata, ang mga mata nito ay tila nangungusap sa bawat panonood.
"17 years old po."
Isang mabilis na tanong ang agad na sumunod mula kay Madame Corita, habang nakakunot ang noo ngunit may ngiting pilya.
"And single?"
Mas lalong humiyaw ang audience, at tila may sabay-sabay pang sigawan ng “Ako na lang!” Sa studio man o sa mga tahanan, halatang tinamaan ang puso ng maraming kababaihan.
"Yes po, single po." sagot ni Michael Hugh, may kasamang bahagyang hiya ngunit buo pa rin ang kumpiyansa.
Nagkatinginan sina Chandra, ang RNB Princess at multi-awarded recording artist, at si Madame Corita.
"Hmm… mukhang magigiba ang ating studio sa lakas ng hiyawan dito, Madame Corita?" natatawang biro ni Chandra, habang kinikilig din sa presensya ng binata.
Tumango-tango si Madame Corita, sabay sabing, "Isa ‘to sa mga aabangan ko."
At sa puntong iyon, parang sumikip ang dibdib ni Hera Ashley. Parang siyang parte ng audience. Parang siya mismo ang nandoon sa studio, nakatitig at nakatitig sa binatang tila binuo ng langit para pasayahin ang mga kababaihan.
"Okey Michael Hugh. Let's hear it from you." wika ni Sir Ferdinand, ang Big Boss ng network na bihirang magsalita pero pag nagsalita, lahat ay nakikinig.
Tumayo si Michael Hugh, ngumiti ng bahagya, at dahan-dahang hinawakan ang mikropono. Tumahimik ang lahat. At sa unang linya pa lang ng kanta...
“You sheltered me from harm…”
Napapikit si Hera. Ang boses nito’y malamig, tila hinahaplos ang kaluluwa. Ang bawat nota ay dumarampi sa puso niyang hindi pa yata marunong umibig—o baka ngayon lang natuto. Hindi na niya namalayang mahigpit na pala ang yakap niya sa kanyang throw pillow, habang halos hindi humihinga sa kaba’t paghanga.
“You gave my life to me... set me free…”
Ang bawat liriko, bawat himig, ay parang kwento ng isang lalaking handang ibigay ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Para kay Hera, hindi na ito simpleng performance. Ito ay damdamin. Tunay. Tapat. Tumagos.
“I would give everything I own… just to have you back again…”
Pagkatapos ng huling nota, sumabog ang palakpakan at sigawan. Tumayo ang mga hurado. Standing ovation. May mga umiiyak. Si Michael Hugh, bahagyang yumuko at ngumiti, halatang kinakabahan pa rin kahit tagumpay ang natamo.
Parang may sumabog sa puso ni Hera. Nahulog. Malalim. Hindi pa niya alam kung ano ‘yon, pero sigurado siya sa nararamdaman.
‘I think I’m in love.’
Bulong niya sa sarili, habang pinapanood si Michael Hugh na ngumiti sa kamera.
At nang marinig niya ang sabay-sabay na “YES!” mula sa apat na hurado, napatalon siya ng bahagya sa tuwa. Pinindot agad ang cellphone. Tinantiya ang natitirang load. Kailangan niyang magtipid. Kung kinakailangang hindi muna mag-merienda sa loob ng isang linggo, gagawin niya.
Basta makaboto lang siya kay Michael Hugh.
**********
Maagang nagising si Hera Ashley kahit linggo. Hindi pa man tuluyang bumubukas ang kanyang mga mata, ay hawak na niya ang cellphone. Una niyang tiningnan ang page ng XYZ Factor sa social media, at gaya ng inaasahan—trending ang pangalan ni Michael Hugh Perez. May mga video clips na agad nag-viral. May mga meme na. May mga edits. At syempre, may mga fans na agad gumawa ng hashtag na #MHP17, #MichaelHughXYZ at #BosesNgPuso.
Napangiti si Ashley habang kinikilig. Para siyang nakuryente sa dami ng posts tungkol dito. Pero hindi lang siya basta nanonood. Gumawa siya ng sarili niyang fan account. Sa loob ng sampung minuto, may bago na siyang bio:
@ashforhugh17 ang handle niya. Agad niyang in-upload ang edited photo ni Michael Hugh, hango mula sa eksena kagabi. Nilagyan niya ng caption:
“That voice? That smile? That soul? Count me in. 🥺💗 #MichaelHughXYZ #NumberOneFan”
Hindi nagtagal, may nag-follow back. May naka-DM agad sa kanya. Mga kapwa fans na tila nagkakaisa na sa isang layunin—ang maiparanas kay Michael Hugh ang suporta na karapat-dapat niyang matanggap.
Sa bahay naman, nakatitig sa kanya ang kanyang ina habang hinihigop ang mainit na kape.
“Anak, 'di ba may project kayo sa Science?”
Napakunot ang noo ni Ashley. “Po? Ay! Opo! Gagawa po ako mamaya. Promise.”
Ngunit sa totoo lang, may binubuo na siyang fan calendar—kung kailan ang susunod na performance night, anong araw pwedeng bumoto, at gaano karaming load ang kailangang iipon. Kumuha rin siya ng maliit na alkansya at nilagyan ng label: Michael Hugh Voting Fund. Bawat sukli sa tindahan, hulog agad doon.
Maya-maya, habang nakaupo siya sa harap ng laptop para sana sa assignment, napadpad na naman ang cursor niya sa YouTube. Pinanood niyang muli ang performance ni Michael Hugh—tatlong beses. Hindi siya nagsasawa. May isang parteng lagi niyang inaabangan—iyong pagngiti nito sa dulo, na parang eksklusibo lang para sa kanya.
‘Ashley, ano bang nangyayari sa ‘yo? Hindi mo naman siya kilala.’ Bulong ng isip niya.
Pero ang puso niya, kumakanta ng sarili nitong himig. Hindi na ito simpleng paghanga. Isa na itong commitment.
Sa mga sumunod na araw, pinaghahandaan niya ang bawat XYZ Factor episode. Nakiki-connect sa ibang fans, gumagawa ng digital posters, gumugugol ng oras sa paggawa ng fan videos. Hindi siya magaling sa editing noon, pero dahil kay Michael Hugh—natutunan niya lahat.
Nagpa-print pa siya ng T-shirt:
“Michael Hugh’s #1 Fan 💗 From Batangas with Love”
At nang mapansin ng isang admin ng official fan club ang kanyang sipag, inimbitahan siya na maging co-leader ng Batangas chapter ng fan group. Hindi siya makapaniwala.
At isang gabi, habang nagla-live si Michael Hugh sa kanyang verified account para magpasalamat sa mga fans, binasa nito ang ilang messages...
"Shoutout kay @ashforhugh17! Thank you sa support mo always. Saw your fan art, galing mo po!"
Tumigil ang mundo ni Ashley.
Tila tinunaw siya ng boses nito, kahit sa livestream lang.
Boses na unang narinig sa TV. Ngayong binanggit ang pangalan niya. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o hihiyaw. Isa lang ang sigurado niya...
Ito na talaga ang simula ng journey niya—hindi lang bilang fan. Kundi bilang isang taong naniniwala... na minsan, kahit isang tinig lang, kaya kang baguhin.
************
TWO YEARS LATER.
“Hoy!”
“Ay kabayo!”
Halos mapatalon si Ashley mula sa kinatatayuan niya sa gitna ng open field ng Batangas Institute State University (BISU), kung saan mainit ang araw pero malamig ang ihip ng hanging amihan. Nilingon niya ang may-sala—at sino pa nga ba kundi si Zanjoe, ang kababata niyang parating gumugulo sa tahimik niyang mundo.
Pinanlakihan niya ito ng mata, sabay hampas sa braso. "Ano ba, 'noh?!" Umirap pa siya para mas may epekto.
Sinalag naman agad ni Zanjoe ang sunod-sunod na hampas habang umiindayog pa sa sakit. "Awwts.. awwts! Masakit 'yan, Ashley ha! Hindi pa tayo mag-asawa, binubugbog mo na ako. Bugbugin kita sa pagmamahal eh."
Pinameywangan niya ito, kasabay ng pagbuntong-hininga. “Ikaw kasi eh! Kita mo nang may binibilang ang tao, manggugulat ka pa. Tsaka anong sinasabi mong mahal-mahal? Mahal ang bilihin ngayon, hindi ako.”
Sumulyap si Zanjoe sa kamay niyang may hawak na mga baryang nakasilid sa gusot na tissue. Nakakunot ang noo nito habang nagtatanong ang mga mata. “Aanhin mo na naman yang pera mo? Huwag mong sabihing—Ashley, c’mon. Sasayangin mo na naman sa poster at CD ng pangit na Hugh na ‘yan?”
Napasinghap si Ashley. Tumayo ng tuwid, akmang magdedeliver ng rebuttal. Pero hindi niya kinailangang magsalita ng mahaba.
“Yes, Hugh won XYZ Factor,” aniyang may hawak ng sariling conviction. “And not just because of the text votes, okay? He’s talented. Authentic. At ‘yung boses niya—parang sinulid na tahimik pero tinatahi ang damdamin ng lahat ng makakarinig.”
Pagkatapos ng kompetisyon, nag-transform si Michael Hugh Perez bilang Hugh Perez, isang certified chart-topping artist na may platinum records at punong concerts. Sa loob ng dalawang taon, mas lalo pa siyang minahal ng masa—at ni Ashley. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-attend ng kahit isang concert nito. Laging kulang ang budget, laging conflict ang schedule. Pero kahit kailan, hindi siya pumalya sa suporta.
“Hoy, hoy mahiya ka naman,” aniya sa kaibigan. “Kung pangit siya… ano ka pa?” sabay sulyap at kindat.
“Aray!” sabay sapo sa dibdib si Zanjoe, kunwaring sugatan. “Ang sakit mo namang magsalita. Straight to the ego ‘yan.”
Napangiti si Ashley. Napansin niya ang paglalambing sa tono nito, kaya hindi na niya pinahaba ang biro. “Sorry na, Zan… ngingiti na yan… uyyy~” Nilapit niya ang mukha at kinulbit-kulbit ito sa tagiliran.
Ngumiti si Zanjoe matapos ang isang mahabang buntong-hininga. “Magkano pa ba kulang mo?” tanong nito, kaswal pero ramdam ang care.
‘Sabi na eh.’ Alam ni Ashley na hindi talaga siya nito matitiis. Palagi itong to the rescue, kahit ilang beses na niya itong inis at binasag ang ego sa pangalan pa lang ni Hugh. Pero kahit pa sabihing hindi ito boto sa obsession niya, Zanjoe always shows up.
“May 45 pesos ka ba diyan?” nakangiting tanong ni Ashley, parang bata na humihingi ng kendi. “Yun na lang ang kulang ko para mabili yung bagong album niya.”
Nagbuntong-hininga si Zanjoe, tapos kinuha ang pitaka. Inabot sa kanya ang isang 50 pesos.
Hindi na siya nag-atubiling kunin iyon. Mabilis siyang napayakap. “Thanks Zan… you’re an angel! Babayaran kita bukas.”
“Kahit huwag na. Ngumiti ka lang, sapat na.”
Ashley smirked, pero sa loob-loob niya, sobra siyang naaawa. Minsan, naiisip niyang mali na ata ang inaasal niya sa kaibigan. Kung iba iyon, baka matagal na siyang iniwan.
**********
Sa loob ng music store, sabik na sabik si Ashley sa pagpili. Dalawang poster ang gustong-gusto niya. Yung isa, may simpleng ngiti si Hugh habang nakatingin sa camera. Yung isa naman, naka-side view, pero may raw emotion ang mata.
“Ano bang mas okay dito? Ito ba o ito?” tanong niya kay Zanjoe.
Halata sa mukha ng binata ang pagka-bagot, pero tinuro nito ang isa sa dalawang poster. “Yan. Para makaalis na tayo. Init dito oh.”
Pero napansin nito ang hesitation sa mata ni Ashley. Ayaw nitong iwan yung isa pang poster. Napabuntong-hininga si Zanjoe. Kinuha ulit ang pitaka at inabot sa kanya ang isang daan.
Napakunot ang noo ni Ashley. “Uy… wag na. Isa lang naman talaga ang kaya ko—”
“Kunin mo na. Bayaran mo na yang isa pang poster. Uugatin na tayo dito. At isa pa, baka mapagalitan pa tayo ni Tita Miles pag nalaman niyang pumunta pa tayo dito sa mall.”
Napatingin si Ashley sa kaibigan. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maaawa. Mabigat ang kamay niya sa pagtanggap ng pera. Hindi niya ito tinanggap. Umiling lang siya at ibinulsa muli ang unang binili.
“Hayaan mo na. Iyo na yan. Okay na ako sa isa.” Sabay baling kay Hugh na nasa poster—malungkot pero matatag ang ngiti. ‘Babalikan kita, Hugh.’ bulong niya sa sarili.
Pag-uwi, dala-dala na nila ang kanilang pinamili. Tahimik si Ashley habang hinihila si Zanjoe papunta sa sasakyan. Habang nagmamaneho, lihim na nagbuntong-hininga. Tiningnan si Ashley na masayang yakap-yakap ang poster ng ido;ong si Hugh.
**************
Madilim-dilim na rin nang makauwi sila sa San Fermin.
Ang ilaw mula sa poste sa labas ng bahay ay tila isang spotlight na naghihintay sa pagdating nila, at sa ilalim nito, aninag agad ni Ashley ang mga siluetang nakatayo sa may gate—sina Mama Miles at Papa Jerson, pati na rin sina Ninang Karren at Ninong Phem, ang mga magulang ni Zanjoe.
Magkakatabi ang mga ito, halatang sabay na nag-alala.
Napakagat-labi si Ashley. Naku, lagot na talaga. Parang high school na naman siya na nahuli ng curfew, kahit college na at halos dalaga na. Bakit ba kasi sabay pa kaming nalowbat ni Zan?! Hindi man lang sila nakapagtext na ma-tra-traffic pala sila sa pag-uwi. Correction—ginabi na sila, hindi lang "mahapunan."
Sumulyap siya kay Zanjoe na tahimik lang sa tabi, pero bakas sa mga mata ang pag-aalala. Hindi man ito nagsasalita, alam niyang pinoproblema na rin nito kung paano ipapaliwanag ang lahat.
Pero sa halip na kabahan, ngumiti lang si Zanjoe sa kanya, yung tipong "Ako na bahala, partner" smile. Pagkatapos ay dahan-dahang ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada, eksakto sa tapat ng bahay nila. Nang mapatay ang makina, agad itong bumaba, umikot, at gaya ng isang maginoo, siya pa ang ipinagbukas ng pinto.
Sabay silang lumabas ng sasakyan at halos sabay rin silang sinalubong ng tanong:
“Ashley… bakit naman ginabi na kayo ng uwi? Kanina pa kayo nakalabas ah.” bungad ni Jerson, ang ama ni Ashley, habang nakakunot ang noo pero halatang pinipigilan ang inis.
Agad na nagmano si Ashley sa mga magulang, ganoon din si Zanjoe. Nagmano rin sila kay Ninong Phem at Ninang Karren, na parehong mukhang napagod kakahintay.
"Sorry po," malumanay na sagot ni Ashley, habang medyo yuko ang ulo. “Niyaya ko po si Zan na sumaglit sa mall. May binili lang po akong importante. Hindi naman po namin akalain na maiipit kami sa traffic pauwi.”
Nagpalitan ng tingin ang mga magulang. Si Mama Miles, bagama’t seryoso ang mukha, ay halatang nabawasan ng inis nang makita ang pagsisisi sa mukha ng anak.
"Okay," sabad ni Ninang Karren, sa tonong tipikal ng isang dating guro—mahigpit pero may lambing. "Next time ay mag-text man lang kayo kung nasaan na kayo. Nag-alala kami, lalo na’t gabi na."
"Opo Nang," sabay na sagot nilang dalawa ni Zanjoe, halos parang rehearsal sa sabayang pagbigkas.
Napansin ni Ashley ang kaunting ngiti ni Ninang Karren. Minsan talaga, kahit masungit sa una, hindi rin ito makakatagal lalo na’t si Zanjoe ang kasama niya. Mahal na mahal nito ang anak.
"Sige, magsipasok na kayo at magbihis. Maghahapunan na tayo, Ashley. Ikaw na lang ang hinihintay namin. Kanina pa nagyayayang kumain si Apollo," pahabol ni Mama Miles habang papasok na sila sa bahay.
Pagkarating niya sa kanyang silid, parang may sariling buhay ang kanyang mga kamay na agad binuksan ang paper bag kung saan naroon ang mga pinamili. Maingat niyang inilabas ang dalawang poster ni Hugh Perez—isa ang may simpleng ngiti, at ang isa’y may malalim na titig.
Dahan-dahan niya itong ipinaskil sa dingding, halos parang seremonyas.
"There you go, my loves. Araw-araw kitang makikita," mahinang bulong niya na may kasamang ngiti.
Saglit niyang tinitigan ang mga poster, inilatag ang CD sa ibabaw ng study table, at hinaplos ng dulo ng daliri ang imahe ng idolo. Hindi man siya nakaka-attend ng live concert, sa silid niyang ito, araw-araw siyang may front row seat.
Bigla, malalakas na katok ang gumising sa paglalakbay ng kanyang imahinasyon.
“Ashley! Hindi ka pa ba bababa? Kanina ka pa namin hinihintay! Nakabihis ka na ba?” boses ng kanyang ina, medyo may inis na halata sa tono.
"Opo Ma, susunod na po!" sagot niya habang nagmamadaling kumuha ng pamalit na damit at sinisiksik sa isip ang excuse kung bakit nahuli siya ng ilang minuto pa.
Habang nagsusuklay at nagsusuot ng pambahay na damit, muli siyang lumingon kay Hugh. Tila naririnig pa rin niya ang boses nito sa background ng kanyang utak. ‘See you later, Hugh.’ sabay kindat sa poster.
Nang pababa na siya ng hagdan papunta sa komedor, isang tinig ang sumalubong sa kanya—matigas, galit, pamilyar.
"Ashley!" singhal ni Apollo, ang kanyang kakambal.
Lagot na. Hindi pa nagsisimula ang hapunan, may sermon na agad.
***********
"Pinag-iingat ang buong lalawigan ng Batangas maging ang mga karatig lugar nito sa mas lalo pang paglakas ng Bagyong Biring. Suspendido ang klase sa lahat ng antas. Wala ring pasok ang mga empleyado ng gobyerno at pampribadong kompanya. Inaasahan pa ang paglakas ng hagupit ng Bagyong Biring mamayang gabi.Radyo Patroller 25, Aubrey Mikaela Azucena, nag-uulat.”
Nakanganga pa si Ashley habang nakahiga sa kama, yakap-yakap ang kanyang throw pillow, habang ang maliit nilang radyo sa istante ay patuloy sa pagbabalita. Agad niyang sinulyapan ang cellphone na kanina pa rin nakapatong sa table. May confirmation post na rin mula sa Official F******k Page ng BISU—“Suspension of classes in all levels due to Typhoon Biring. Stay safe, BISUans.”
Napangiti siya. Hindi dahil sa bagyo, siyempre, kundi sa ideya na wala siyang kailangang gawin sa araw na ito—walang klase, walang report, walang quiz, walang makulit na professor.
Lumipad agad ang mga mata niya sa pader—kung saan naroon ang mga poster ni Hugh Perez.
Isang simpleng ngiti ang bumakas sa kanyang labi. Tumitig siya sa mga mata nito sa poster, at kahit pa naka-print lang ito sa glossy paper, parang may sariling buhay ang tingin nito. Parang sa kanya lang nakangiti.
"OMG… nakakakilig lang talaga," bulong niya habang napapahawak sa dibdib.
Parang batang kinikilig sa crush, binunot niya ang kumot, itinupi ito at muling naupo ng maayos sa kama. Ilang saglit pa, inabot niya ang pinakabagong album nito na tinanggap lang niya kahapon. Ipinasok sa maliit niyang CD player, at bumungad ang malamyos na boses ni Hugh habang kinakanta ang bagong single nitong “Sa ‘Yo Lang Uuwi.”
Habang umaawit ito, parang hinuhugot ang puso niya. Nakatingala siya sa kisame habang nag-iimagine...
Dalampasigan.
“Gotcha!”
“Sayo na talaga ‘to.” bulong nito habang nakasiksik sa batok niya ang ilong. Parang inukit ang bawat sandali sa dalampasigang iyon. Ang araw ay papalubog, kulay kahel at rosas ang langit, at ang tunog ng alon ay kasabay ng tibok ng puso niya.
Tawa lang sila nang tawa habang nakaupo sa buhangin. Maya-maya, niyakap siya nito mula sa likuran, marahang ipinatong ang kanyang shawl sa balikat.
“There. Hindi ka na lalamigin.”
Paglingon niya, nakatitig ito sa kanya—malalim, marahan. Lumalapit ang mukha nito, parang sa isang pelikula. Papunta sa halik. Konti na lang. Kailangan na lang niyang ipikit ang mga mata…
“ASHLEY!!!”
“WAHH!”
Nakatayo si Apollo, ang kakambal niyang parating KJ sa lahat ng bagay na mahalaga. Naka-cross arms, at mukhang naubos na ang pasensya.
“Ano ba yan, Apollo?! Kita mo nang natutulog ako eh!” inis na inis niyang sambit habang hinahawi ang buhok sa mukha.
"Kanina pa kita ginigising, Ashley. As in kanina pa! Para kang tinuluyan ng bagyong Biring sa panaginip. Ewan ko ba kung anong pinapanaginipan mo dyan, pero nakangiti ka pa!"
Sumimangot siya. Hindi niya kayang sabihin ang totoo. Sayang ‘yung eksena! Halik na sana, eh!
"Tawag ka na ni Mama. May ipagagawa yata sa'yo. Bumaba ka na, ha?" sambit ni Apollo habang palabas ng silid, pero bago pa ito tuluyang lumabas, nagsalita ulit:
"By the way, Ashley... hindi si Hugh ang naghugas ng pinggan kagabi, ako."
Hay naku! Itong kambal ko talaga, sinasakal ang kilig ko sa panaginip, pati sa realidad!
Nilingon niya ulit ang mga poster ni Hugh, hinagod ito ng tingin habang hawak ang hawak pa rin niyang throw pillow.
“See you later, Hugh. Next time, sa panaginip—ituloy natin ha. Wag mo na akong bibitinin.”
Saka na siya bumaba. At habang naglalakad palabas ng kwarto, napapahawak siya sa dibdib. Kahit sa panaginip lang... ang sarap mong mahalin.
*************
Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Habang tinutulungan niyang mailagay si Ashley sa kama, napansin niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan—wala na ang lahat ng mga posters ni Hugh sa dingding ng kwarto ni Ashley. Ang mga pumalit ay mga posters ng mga endorsements ni Zanjoe mismo. Napatingin siya nang matagal, parang hindi makapaniwala. “Totoo ba ito? Baka nananaginip lang ako,” bulong niya sa sarili.Dahan-dahan niyang ibinaba si Ashley sa kama, inalis ang sapatos nito para gumaan ang pakiramdam. Para bang bumalik siya sa mga panahong mad
Hindi maiwasan ni Zanjoe na muling lumingon kay Ashley. Siya — ang babaeng matagal na niyang minahal, na nasa puso niya nang higit pa sa anumang bagay. Aminado siyang mahal pa rin niya siya, kahit ang sakit ay hindi na niya maipagkaila. Ngunit kahit ganoon, itinuloy niya ang kanyang plano—ang pag-alis patungong New York.Bukod sa kailangang ayusin ang ilang endorsements at samahan si Graciella para sa kanyang treatments, kailangan din niyang magkaroon ng distansya, ng pagkakataong mag-isip nang malinaw. Tulad ng kanta ng Five for Fighting na Superman, “Even heroes have the right to bleed.” Kahit na para sa iba ay tila siya ang bida sa sariling kwento, siya rin ay tao—may mga sugat na kailangang paghilumin.Kailangan niyang maghilom, bago siya makapagsimula ng panibagong kabanata sa kanyang buhay.Hindi madali para sa kanya ang pagiging si Zanjoe — higit pa sa pagiging isang modelo, artista, o kahit na kung sino pa siya sa mata ng ibang tao. Siya ay tao rin, na may mga pangarap, takot,
Kasalukuyang nagbi-brisk walking si Ashley sa gilid ng kanilang subdivision, nilalakad nang maayos ang daan habang nilalanghap ang sariwang simoy ng umaga. Ang bawat hakbang niya ay tila may kasamang pag-asa, kahit sa likod ng kanyang puso ay may mabigat na tanong na hindi pa rin nasasagot. Ang mga tanong tungkol sa mga bagay na nangyari, sa mga damdaming hindi pa malinaw, at sa mga pangarap na tila unti-unting naglalaho.Habang naglalakad, bigla niyang namataan ang isang sasakyan na dumarating sa driveway ng kanilang bahay. Nang lumapit ito, agad niyang nakilala si Hugh, na bumababa mula rito nang may dalang ngiti at palakaibigang aura na tila ba nagsasabing “nandito ako para sa’yo.”“Good morning, Ashley!” masiglang bati ni Hugh, na mabilis na nilapitan si Ashley at humalik sa kanyang pisngi nang may init ng pagkakaibigan at pagkalinga.“Oh hi, Hugh… Aga naman ng pagdalaw mo kay Jamie , ha,” tugon ni Ashley nang may konting biro, sinubukang aliwin ang sarili.“Yeah… yeah, inagahan ko
Pinili ni Ashley na mapag-isa. Masyado siyang naguluhan ng mga nangyari at kailangan niyang huminga nang malalim, lumayo sa ingay ng event, at payapain ang sarili. Lumabas siya ng hotel, dala ang mabigat na damdamin na hindi niya maipaliwanag. Kailangan niya iyon — ang makalayo, makalanghap ng sariwang hangin na magpapabawas ng tensyon sa kanyang dibdib.Habang nakatanaw sa malawak na kalangitan ng gabi, napaisip siya. Paano kaya kung maibabalik niya ang oras? Paano kung maibabalik niya ang panahon noong maayos pa ang lahat nila ni Zanjoe? Noong walang mga tampuhan, walang mga lihim, at walang mga sugat na pilit nilang tinatago sa puso. Kung maibabalik niya iyon, hindi na siya magpapalampas pa ng kahit isang pagkakataon para ipakita kung gaano niya pinahahalagahan ang binata, kung gaano siya humahanga at umaasa sa kanya.Malalim na buntunghininga ang lumabas sa kanyang labi, na parang inaalis ang bigat ng mga luha na hindi niya pinapayagang dumaloy. “Kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili
Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine.Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang mabasag ang eardrum niya sa tili nito over the phone. "Oh hi Kris.. What's up?" tanong n
The whole dinner was such a pain in the neck for Ashley. Para bang invisible siya sa lahat—no one was even looking her way. But honestly, she didn’t care about that part. Ang totoong inis niya? Dalawang tao na walang pakundangang nagdi-display ng affection sa harap niya, para bang wala nang ibang tao sa paligid.Duh! Manong intindihin na lang nila ang pagkain, hindi iyong kulang na lang ay maglabas ng keycard papunta sa hotel room. Nakakadiri. Nakakairita. At higit sa lahat… nakakasakit sa loob.“So, are you planning to stay for good?” tanong ng ama niya kay Tito Phem. Simula kasi nang mag-abroad si Tito Phem, doon na rin siya nagtrabaho sa isang kilalang ospital. Si Tita Karren naman, ipinasa na lang sa mga kaibigan ang pamamahala ng Sweet Buds. At si Zanjoe? Well… doon nagsimula ang career niya—kilala na ngayon bilang isang international ramp at commercial model. And by the way his presence filled the room tonight, halata kung bakit.“Yeah, yeah… we’re not getting any younger. We de