Share

Chapter 75 -His evil ways

Napangiti si Zea habang pinagmasdan si Kaizer habang abala itong kumain ng ice cream. Sino ba naman ang mag-aakala na may anak na pala ang kaibigan niyang si Kaito?

Gayong wala itong kahilig-hilig sa babae at noon pa man ay seryoso ito pagdating sa trabaho. Kaya naman hindi na siya nagtaka kung siya ang napili ng kanyang ama bilang maging leader ng Raven Seals.

Napatingin sa kanya ang bata at kaagad siya nitong sinimangutan. Natawa tuloy si Zea.

"Hindi nga ako girlfriend ng Papa mo."

"Alam ko. Mas maganda kaya sayo Mama ko."

Lalong natawa si Zea. "Nasaan ba Mama mo?"

"Nasa heaven."

Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ni Zea. Tahimik siyang tumabi rito saka marahang hinaplos ang buhok nito.

"Oo naman. Mas maganda ang Mama mo. Huwag kang mag-alala, di ko naman siya papalitan. Ako, saka si Papa mo. Matagal na kami magkaibigan. Magkatrabaho kami."

"Agent ka rin po?" Buong atensyon siyang tiningnan ng bata. "Magaling ang Papa ko sa baril. Sharp shooter! Marunong ka rin po ba non?"

Ngumiti
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Marklyn Quite Valenzuela
update plsss...ang tagal ng walng update..
goodnovel comment avatar
Liezl Cervantes
kelan kaya ulit mag update to?
goodnovel comment avatar
Jeniemar Galvez
Author update update din pag may time.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status