PAGKADATING nila sa labas, nakayuko lang siya pilit na linalabanan ang kabang nararamdaman, oo ganito talaga siya pag napapalibutan siya ng mga lalaking, 'di ganun ka close sa kanya at kapag bumabyahe siya sa isang lugar na 'di pa pamilyar sa kanya, napa-atras siya ng bigla siyang hawakan ni Mikael sa kamay.
"What's wrong? Are you alright?" nag-alalang tanong nito ng makita ang reaction niya.
Binawi niya ang kamay sa lalaki at umatras sabay tango at 'di tumingin rito pero makulit ito, kinuha nito uli kamay niya at hinapit siya palapit rito.
"Hindi kita bibitiwan hangga't 'di mo sinasabi sa akin ang totoo, okay ka lang ba talaga? Ba't ang tahimik mo?" sunod-sunod na tanong nito at akmang hahawakan ang mukha niya.
Kinuha niya ang kamay mula rito at yumuko pero 'di talaga siya binitiwan ng lalaki.
"Tell me first, ano nangyayari sa iyo??" pamimilit nito.
Napabuntonghininga siya, kailang beses ba ito ipinanganak ba't ang kulit nito? Hindi ba pwedeng hayaan na lamang siya nito tulad na lamang ng kanyang ama at asawa na walang pakialam sa opinion at pakiramdam niya, bakit ba siya nito kinukulit? Ano ba ang kailangan nito sa kanya?
"Hey, Mari? " tawag nito sa atensyun niya at hinawakan siya sa balikat.
"Ba't natulala ka na naman? Nagtatampo ka ba? May masakit ba sa iyo?" sunod-sunod na tanong nito.
Heto na naman, nakakaramdam naman siya ng pamilyar na kaba at takot at 'di mapaliwanag na pag-alala, umatras siya.
"A-ayos lang ako," mahinang usal niya.
"Hey, pasok na kayo ano ginagawa niyo diyang dalawa, mamaya na kayo mag-moment, kailangan pa natin maabutan si Lhalhaine," seryosong turan ni Shyra.
Napatingin naman siya roon, napabitin din ang kamay ni Mikael sa eri, bumuka-sara ang bibig nito na tila ba may gustong sabihin pero nagbago ang isip nito. Linagpasan niya ito, oo inalis na nito ang posas sa kamay niya.
"Sa sasakyan na lang tayo ni miloves ko mas malaki 'yun eh!" biglang sabi ni Shyra na patingin naman lahat sa babae.
Sumeryoso ang mukha ng doctor, nap tikhim naman si Mikael habang ngumisi naman si Heckson.
"Aba, sana all may miloves, kinikilig ka, Doc.? Tumahimik ka eh, kinilig na 'yan," pambubuska ni Heckson sa kaibigan.
Lumapit si Shyra kay Doc at sinundot-sundot nito ang pisngi ng Doctor. "Yieee namumula ka, kinilig ka ba miloves ko, gusto mo ba? 'Yan na lang tawag ko sa iyo, miloves ko–ay!" pangungulit ng babae na naputol dahil tinulak ito ng Doctor.
"Tumigil ka na kung ayaw mo iwan ka namin rito," seryosong giit nito at tinalikuran sila.
Napasipol naman ang dalawang lalaki, habang napanguso na lamang si Shyra, medyo nawala 'yong hiyang nararamdaman niya at pangamba napalitan iyun ng saya at kunting excitement, well ito 'yong unang pagkakataong babyahe siya kasama ang kaibigan, oo masyado siyang pinagkaitan ng kalayaan, ngumiti siya ng mapait.
"Dito na lang ako sa front seat, Doc. para katabi kita, sige na pumayag ka na please, payag na 'yan, payag na 'yan—" pangungulit na naman ni Shyra sa doctor na poker face lang ang mukha.
"Baba," madiing utos ng doctor kay Shyra.
Umiiling ang babae sabay nguso. "Ayaw," pagmamatigas nito.
Habang siya 'di alam ang gagawin nasa harap siya ng front seat, napahawak siya sa kanyang damit, eto na naman kinakabahan na naman siya, hindi talaga kasi siya comfortableng sa ganito, masyado siyang nasanay mag isa–napa angat siya ng tingin ng may humawak sa kamay niya.
"Pasok ka na," malumanay na sabi ni Mikael.
"Huh? Oo, sige," wala sa sariling tugon niya at pumasok na.
Sumiksik siya sa gilid ng umupo si Mikael sa tabi niya, huminga siya ng malalim at pilit kinakinakalma ang sarili—
"Ito naman, isang beses lang 'to eh, pumayag ka na ma-l-late na tayo, Doc. At saka puno sa likod, diba guys, diba?" nakangusong sabi ni Shyra.
Napatingin siya sa babae, hindi niya maiwasang mainggit rito, para kasing lagi ito masaya, para kasing malayang-malaya ito, hindi katulad niya maraming isyu sa buhay, pero isa din ito sa mga dahilan kung bakit masaya siya, napangiti na lamang siya ng marinig niyang napabuntonghinga ang doktor.
"Oo nga, bud, hayaan muna si Shyra, para maka alis na tayo," pa-cool na singit ni Heckson.
Tumingin rito ang doktor ng masama kaya napatikom ang bibig nito.
"Mas bagay sa iyo ang ganyan."
Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang malambing na tinig na iyon.
"Ang alin?" 'di niya maiwasang itanong.
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "'Yan, 'yong ngumingiti ka mas maganda kang tignan, mas bagay sa iyo pag masaya ka," mahabang paliwanag nito.
Napatahimik siya, ito ang kauna-unahang pagkataong may pumansin sa kanya, lalo na kapag sa lalaki, malaki talaga isyu niya sa mga lalaki, sa totoo lang takot siya sa mga ito, pakiramdam kasi niya lahat ng lalaki sasaktan siya, lahat ng lalaki ayaw sa kanya, kaya hangga't maari lumalayo siya mula sa mga ito—
"Hey...here you go again, tulala ka na naman, may problema ba?" nag-alalang tanong nito.
Napakurap-kurap siya, dahan-dahan niyang inangat ang tingin mula sa katawan ng lalaki, sa leeg, labi hanggang umabot siya sa mga mata nito. Sinalubong siya ng nag-alalang mga mata nito, magkasalubong ang makapal na kilay, hindi niya maiwasang mapatitig rito, tumitig din ito sa kanya, ito lang ang lalaki kinaya niyang makipag titigan, well madalas kasi hindi siya tumitingin sa mga mata ng tao lalo na mga lalaki.
"Your eyes is very beautiful pero parang may mali..." bulong nito.
Napakurap siya at napaiwas ng tingin nang marinig niya ang sinabi ng lalaki.
"Aherm! Parang out of place naku ah, puro na kayo may mga ka-moment, respeto naman sa katulad kong walang partner," angil bigla ni Heckson nasa likuran ito nakaupo.
"Tumigil ka nga diyan, ang drama mo," napailing na sabi ni Mikael.
"Hmpp, inaway muna ako ngayon kasi may Mari ka na, 'di mo na ako love," parang batang pagmamaktol ni Heckson at napanguso pa talaga ito sabay lagay ng dalawang braso sa dibdib nito.
'Di niya maisawang mapangiti sa kalokohan ng dalawang lalaki, lalo na ang mga mukha ng mga ito na animo'y mga bata.
"Tsk, parang baliw ito, simpre love kita ano ka ba!" boses baklang tugon ni Mikael at nilingon si Heckson.
"Yuck!" react ni Shyra.
Natawa lamang siya ng mahina habang tahimik na nagdri-drive si Doc Cyrex. Lagi talaga nagiging mas exciting ang araw niya kapag kasama niya ang mga ito, she did learn new experience again, masarap pa sa piling ma-belong sa isang grupo, mula kasi pagkabata hindi niya naranasan na magkaroon ng kaibigan dahil nga kinulong siya nga ama siya. Kaya ngayon she willing to take risk para tulungan si Lhalhaine, sa kasiyahan nito dahil ito naging silbing tulay niya para mahanap ang mga kaibigang 'di niya inaasahang darating sa buhay niya.
...
Binibining mary ✍️
A/N: It's so good to have a friend who give you sense of belonging kahit bago ka pa lang nakapasok sa group nila. Madalang na lamang ang ganito, if ever meron kang ganitong kaibigan, iyong hindi prolematic, what i mean is hindi ma-issue then keep him/her. Btw, enjoy reading and don't forget to follow me, vote and leave some comment about this chapter, thank you.
HINDI mapawi-pawi ng ngiti sa mga labi ni Mari habang nakaupo na silang dalawa ni Mikael sa harap ng kanyang kaibigan, bisita at pamilya. Sa mga sandaling iyon ay nasa hotel reception na sila, tapos na ang kasal, oras na para sa kainan at kasayahan. “Masaya ba lahat?” malakas na tanong ng kanilang MC na si Jason. Isa sa mga kakilala ni Shyra na siyang kinuha nila bilang Mc nila ng mga sandaling iyon. Halos pilipino ang guest nila, mas ginusto kasi nila ni Mikael magpakasal dito sa pinas kaysa sa Nevada. “YES!!” sigaw naman ng mga bisita.“Mabuti, busog ba lahat?” nakangiting tanong ulit ni Jason.“YES NA YES!!” malakas na sigaw ng mga bisita.“Kung gayon ay panahon na para saksihan natin ang intermission performance ng ating groom,” anunsyo ng kanilang MC.Nagulat siya at mabilis na napatingin sa kanyang mister na ngayon ay nakatayo na pala. Yumuko ito at kinuha ang kanyang kamay at dinala iyon sa mga labi nito sabay sabing,“This is for you, sweetheart.”Bago pa man bumuka ang kany
SOMEHOW, Mari felt nervous at the same time excited sapagkat ang susunod ay, magbibigay na sila ng vow nila sa isa’t-isa, she knows she will probably cry when she will give her message to him.“The couple has prepared vows that they would like to now exchange before those gathered here today. Mikael Louise Wingston and Mari Elliyian Green, please step forward and speak your promises to one another before all who are here to witness your love,” anunsyo ng Pari habang sila namang dalawa ni Mikael ay kaagad na sinunod ang inutos nito.“Mikael, you may begin.”“Mari, my sweetheart, my sunshine, my angel and my everything, I can’t believe this day will come, that you will be here with me. That you will marry me, I admit I’m no hero, I’m not a perfect man. I’m not worthy of any of your affection, time and attention. The pain I cost you is unforgivable, it’s hurt me that I hurt you. Thank you so much for giving me a chance to prove myself to you, that l love you, I will take care of you and
NO one could ever think that this day would come but she is happy that she has it now. She can finally marry the man she loves, the father of her unborn child. Yes, today is their wedding day. Time goes fast indeed, one month of preparation was not easy but they became the result today and she can say it's worth it. "You may now open your eyes, ma'am." Dahan-dahang minulat ni Mari ang kanyang mga mata, nasa loob sila ngayon ng dressing room. Inaayusan siya ng kanyang make-up artist na si Argie. Yes! Araw ng kasal nila ngayon ni Mikael. Napangiti siya, muntik na ito hindi matuloy pero heto siya, nakasuot na ng kanyang wedding gown, looking good and glowing with happiness. "Ang ganda mo naman, Mari!" Napatingin siya sa kanyang gilid ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. "Shyra…" sambit niya sa pangalan ng babae na ngayon ay nakasuot ng kulay yellow na gown. "The one and only, my dear," nakangiting sabi nito. "Finally the tuloy din," nakangiting sabi ni Lhalhaine
PAGKAPALABAS ni Mari sa ospital ay dun sila dumeristo sa bahay ni Mikael at nagulat ang dalawa sa sumalubong sa kanila."WELCOME BACK MARI!" sabay na sigaw ng mga kaibigan nila. "Aw, thank you guys," naiiyak na sabi ni Mari at niyakap sina Lhalhaine, Lara, Anna at Shyra. "Welcome, basta huwag mo kalimutan na ninang kami ng anak ninyo ha," nakangiting sabi ni Shyra."Oo naman," masayang sagot niya."Goods, hala tara na kumain na tayo, maya na tayo mag-chika minutes," giit ni Shyra at bumalik sa tabi ni Cyrex na walang emosyon ang mukha as usual.Masaya silang nagsalo-salo sa may likod ng bahay ni Mikael, kung saan may malapad na garden at sa gilid ay may malawak na swimming pool.PAGDATING ng gabi. Naiwan na sila ni Mikael sa may garden. Nakahiga silang dalawa sa may picnic blanket habang tinatanaw ang mga bituin sa langit."Mikael…""Hmm?""Ano gusto mong gender ng baby natin?" tanong niya sa lalaki at tumingala rito. Nakaunan kasi siya sa may dibdib ni Mikael."Kahit ano, ikaw ba?"
NAGISING si Mari na puro puti ang nakikita niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mapagtanto niya kung nasaan siya-ospital. Kaagad na napahawak siya sa tiyan niya nang maalala niya ang nangyari, napaiyak siya nang makapa niyang may malaki pa rin tiyan niya. "Thanks god! Akala ko mawawala ka na sa akin," umiiyak na wika niya. Napa-angat siya ng tingin nang marinig niyang bumukas ang pinto at sumalubong sa kanya ang mukha ng kanyang ina."Mari, anak, mabuti naman at gising ka na, kamusta ang pakiramdam mo?" Napatitig siya sa Ginang. "Medyo ayos na po. S-sino po ang nagdala sa akin rito?" Upo ang Ginang sa may upuan na nasa gilid ng kama niya at inabot ang kanyang kamay. "Napaka-swerte mo sa kanya anak. Mukhang mahal na mahal ka talaga niya-""S-si Mikael po ba?" pigil hiningang tanong niya."Siya nga. Siya ang nagdala sa iyo rito at siya rin ang nag-donate ng dugo para mailigtas kayo mag-ina. Hindi lang iyon, siya rin ang nagbantay sa iyo araw at gabi halos dito na nga tumira ang bat
ANG bilis lang ng panahon, tatlong buwan na siyang nakatira sa bahay ni Mikael. Lumaki na nga ang tiyan niya at nasanay na rin siyang magigising sa umagang may makikitang isang piraso ng bulaklak sa gilid ng kanyang kama. Makakatanggap ng mga pagkaing gusto niyang kainin at mga grocery. Ngayong araw nga'y heto siya nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang nakatitig sa isang piraso ng lily of valley. "Mukhang wala siya talagang planong sukuan ako," mahinang aniya at inabot ang lily of valley at dinala iyon sa kanyang ilong.Napapikit siya. "Ang sariwa, maganda at nakakaakit. Mahirap tanggihan at huwag pansinin ang bulaklak na ito ngunit, lily of flower is poisonous plant but it's safe to smell just don't eat it. Parang si Mikael, kahit alam kong bawal siya mahalin dahil siya ang lalaking tuluyang sumira sa tiwala ko sa mga lalaki. Ang lalaking siyang akala ko'y iba sa ama at ex husband ko ngunit hindi pala, siya pala ang puno't-dulo ng lahat pero bakit? Hindi ko siya magawang iwasan at
NAGULAT si Heckson nang makita niya si Mikael na kakabukas lamang ng pintuan ng kanyang opisina. Isang linggo na nakakalipas matapos ang pag-iinuman nila kasama ng iba pa nilang kaibigan at ngayon araw pa lang ng pakita muli si Mikael sa kanya. Magkahalong pagkagulat at saya ang nadama niya."Oh, napasyal ka?" kaagad na sabi niya sa kanyang kaibigan. Marahang ngumiti si Mikael. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa itsura ng kaibigan niya, humaba na kasi ang balbas nito, magulo ang buhok at nangingitim ang mga mata."Kael, kumakain ka rin ba? O natutulog ka ba?" nag-alalang tanong niya nang hindi na sumagot si Mikael sa kanyang tanong."Hindi makakabuti ka kapag nagpatuloy kang ganiyan–""Pwede ko bang hiramin ang bahay mo?"Napakurap-kurap siya at napatitig sa kaibigan sa sinabi nito. "Iyong bahay na katabi ng bahay ko sana," dagdag pa ni Mikael."Kael—""Please, Son. Hindi ako mapapanatag kapag hindi ko nakikita mag-ina ko. Hindi ko alam kung ayos lang ba sila, kumakain ba ng maayos s
NABITIN sa eri ang kamay ni Mikael na, akma kasi niyang iinumin ang natirang beer sa may can nang bigla niya na lamang narinig ang pamilyar na boses ng mga kaibigan niya sa labas."Sabi na nga ba dito ka didiretso 'e," nakasimangot na komento ni Tyeron at nameywang sa harap niya."Tsk! Ang daya mo 'a, iinumin ka pala, hindi ka man lang nagyaya," singit naman ni Heckson na inagaw sa kanya ang hawak niyang can at ininom ang laman nun, napasimangot naman siya. Pumanta siya rito sa tambayan nila kasi gusto niya mapag-isa pero heto mga baliw niyang kaibigan sinisira ang plano niya."Bakit ba kayo narito?" inis na tanong niya. Napadaing siya nang batukan siya ng kung sino mula sa likuran niya, galit na lumingon siya at nanlaki mga mata niya nang makita niyang nakatayo roon si Maximo."Max?!" gulat na bulalas niya."Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" masungit na tanong nito at umupo sa may gilid niya at nagsimula na rin magbukas ng inumin na gusto nito.Bumuntonghininga siya, hindi niya al
KINABUKASAN, tumambad sa mga mata ni Mari ang ganda ng langit pagkamulat ng kanyang mga mata, bukas kasi ang malaking bintana sa ospital room niya, napapikit siya at huminga ng malalim. Napatingin siya sa side table dahil nahagip ng mga mata niyang may nakalagay na bulaklak roon. Kumunot-noo niya dahil bago siya makatulog kagabi ay wala pa ang mga bulaklak na iyan, halatang fresh ang mga iyon dahil sa itsura. Hindi niya maiwasang abutin ang vase, na ngayon niya lang rin nakita, may kalakihan iyon."Teka...alam ko ang bulaklak na ito 'a..." mahinang komento niya ng mahawakan niya ang kulay puti at maliit na bulaklak, medyo hawig sa roses dahil parehos ang hugis ng mga ito. Dinala niya ang bulaklak sa kanyang ilong at hindi niya maiwasang singhutin ang amoy nito, it's smell refreshing. "Lily of valley," mahinang sabi niya. Iyon ang pangalan ng bulaklak. Alam niya dahil hindi man halata pero mahilig siya sa mga bulaklak kaya't may kaunting knowledge siya sa mga ito. Binalik niya ang vas