Beranda / Romance / Undress Me, Uncle Troy / Chapter 77 - Hanggang Sa Kulungan

Share

Chapter 77 - Hanggang Sa Kulungan

Penulis: GRAY
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-07 02:03:52

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog kagabi—kung nakatulog man ako. Pero tiyak ko, hindi sapat. Pagmulat ko, madilim pa rin ang paligid, tanging ilaw mula sa isang mahinang bumbilya ang lumalamon sa mga anino sa sulok ng selda. Ramdam ko pa rin ang lamig ng sementong sahig sa likod ko, ang makapal na bigat ng katahimikan, at ang nanginginig kong dibdib sa bawat hinga.

Una kong gabi, pero pakiramdam ko ilang linggo na akong nakakulong.

Habang nakaupo ako sa gilid, yakap ang mga tuhod ko, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili.

Ilang gabi pa kaya ang kakayanin ko?

Pero biglang bumukas ang bakal na pinto sa dulo ng hallway. Mabilis, parang may minamadali. Tumama ang tunog sa pandinig ko na parang martilyong humahampas sa dibdib.

“Dorm C, prepare for morning count!”

Nagsitayuan ang mga kasama ko. Tumayo rin ako, bagama’t nanginginig ang binti ko.

Habang naglilista ang jail officer, napansin kong may tatlong babaeng inmate na kanina pa nakatingin sa akin. Hindi tulad kahapon—hind
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Elle
masyadong stressful ang nobela na ito!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 101 - Ang Susunod Na Hakbang

    Tahimik ang kwarto.Hindi iyong tahimik na payapa—kundi iyong klase ng katahimikang may kumakalam na ingay sa loob ng ulo. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, hindi pa rin tuluyang humuhupa ang bigat ng nangyari kagabi. Ang ilaw mula sa bintana ay bahagyang tumatama sa gilid ng dingding, at sa bawat pagkurap ko, bumabalik ang eksena.Ang kamay ni Troy sa baywang ko.Ang gulat sa mga mata niya.Ang labi naming nagtagpo—hindi planado, hindi rin ganap na aksidente.Isang segundo.Isang maling hakbang.Isang simula.“Astra.”Boses ni Valeria sa comms. Kalmado, as always. Walang halong emosyon, pero ramdam kong alerto siya.“Gising ka na ba,” dugtong niya, parang hindi tanong kundi obserbasyon.“Hindi naman ako nakatulog,” sagot ko, mababa ang boses. “At huwag mo akong tawaging Astra ngayon.”May sandaling katahimikan.“Okay,” sabi niya. “Emie.”Napapikit ako. Parang mas mabigat pakinggan ang tunay kong pangalan kapag binibigkas sa ganitong sandali.“What you did was good,” sabi ni

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 100 - Over Sa Acting?

    Unti-unting nauupos ang ingay sa loob ng private lounge. Isa-isang nagpaalam ang mga tao—may yakap, may tapik sa balikat, may pangakong “babalikan natin ’to bukas.” Ang mga baso ay iniipon na ng staff, ang ilaw ay bahagyang hinihinaan, at ang musika ay halos naging bulong na lang sa background.At ako, nanatili.Sinadya kong magpaiwan.Nakaupo ako sa isang sulok, bahagyang nakasandal sa sofa, hawak ang basong matagal ko nang hindi dinadampian ng labi. Pinagmasdan ko ang paligid—kung paanong unti-unting nauubos ang mga mukha, kung paanong nagiging mas malinaw ang bawat galaw ni Troy habang kumakaunti ang tao.“Astra,” mahinang bulong ni Valeria sa comms. “Perfect. Huwag kang umalis.”Hindi ko siya sinagot.Hindi na kailangan.Bahagya kong ibinagsak ang balikat ko, pinalambot ang tindig, pinabagal ang kilos. Isang pagod na babae. Isang babaeng uminom kunwari nang sobra. Hindi magpapahalata. Pero paano ba kumilos na parang normal na lasing?Iyon ang bilin kaya bahala na.Ilang minuto pa

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 99 - Behind The Limit

    Mabagal ang agos ng gabi, pero ramdam ko ang pag-igting sa bawat hinga.Isang buwan na mula nang simulan ang Project Atlas, at sa wakas ay may dahilan para huminto—kahit sandali lang. Nasa private lounge pa rin kami sa itaas ng isang hotel na pagmamay-ari ng Arizcon Technologies.Hindi engrande, hindi rin pormal. Walang suit. Walang boardroom. Walang titulo. Mga tao lang na pagod, pero gutom pa rin sa tagumpay.May hawak akong baso ng alak—hindi ko pa iniinom. Hindi ko kailangang uminom para magmukhang bahagi ng selebrasyon. Sapat na ang presensya ko. Sapat na ang paraan ng pagkakatayo ko sa tabi ng mesa, ang bahagyang ngiti, ang katahimikan kong may laman.Sa kabilang dulo ng kwarto, naroon si Troy. Kanina pa ako humiwalay sa kanya dahil ayaw kong magmukhang halata ang pang-aaakit ko sa kanya.Hindi siya ang sentro ng ingay, pero siya ang sentro ng espasyo. Ganoon talaga siya—kahit hindi magsalita, napapansin. Hindi dahil sa kapangyarihan lang, kundi dahil sa kontrol. Sa paraan ng pa

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 98 - Akitin

    Isang buwan.Kung tutuusin, maikli lang iyon sa mundo ng malalaking proyekto. Isang iglap lang sa industriya kung saan taon ang binibilang bago masabing may bunga ang isang ideya. Pero para sa Project Atlas, sapat ang tatlumpung araw para maramdaman ang bigat, ang potensyal, at ang panganib ng sistemang binubuo namin.At para sa akin—sapat ang isang buwan para matutong maglakad sa loob ng apoy nang hindi nasusunog sa labas.Tahimik pa ang opisina nang dumating ako kinabukasan. Alas-sais pa lang ng umaga, pero bukas na ang ilaw sa floor namin. Sanay na akong mauna. Hindi dahil masipag ako—kundi dahil ayokong may makakita sa akin kapag nagsisimula pa lang akong isuot ang mga pagpapanggap ko.Sa loob ng isang buwan, naging malinaw ang mga posisyon ng bawat isa.Si Harvey—seryoso, tahimik, perpekto sa code. Isang haligi ng Project Atlas na hindi ko pwedeng itaboy kahit kailan, kahit pa siya ang unang paalala ng buhay na iniwan ko.Ang team—mga halimaw sa kani-kanilang larangan. Data scien

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 97 - Dinner Kasama Ang Mga Jacinto

    Tahimik na ang buong floor nang patayin ko ang huling monitor sa opisina ko.Alas-sais y medya na. Isa-isa nang nagpatay ng ilaw ang ibang departamento ng Arizcon Technologies, at ang dating buhay na buhay na gusali ay unti-unting nagiging kahon ng salamin at anino. Tumayo ako mula sa swivel chair, inayos ang coat ko, at hinila ang bag sa tabi ng mesa.Unang araw ko bilang opisyal na bahagi ng Project Atlas.At kung tatanungin ang kahit sinong makakita sa akin kanina—maayos ang lahat. Propesyonal. Kontrolado. Walang bahid ng emosyon. Isang strategist na eksaktong alam ang ginagawa.Pero sa loob ko, parang may dalawang boses na nagbabanggaan sa bawat segundo.Isa ang nagsasabing: Ito ang plano. Ito ang kailangan mong gawin.At ang isa naman ay paulit-ulit na bumubulong: Nasa iisang gusali ka kasama ang kapatid mo. At ang lalakeng nanakit sa akin ay ilang palapag lang ang layo.Pinili kong hindi pakinggan ang alinman.Habang naglalakad ako palabas ng opisina, dala ang tablet na puno ng

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 96 - Project Atlas

    Maaga akong dumating kinabukasan sa Arizcon Technologies—mas maaga kaysa sa karamihan ng empleyado, mas maaga kaysa sa oras na kailangan kong magsuot ng maskara.Hindi dahil masipag ako.Kundi dahil ayokong salubungin ang araw na may kasabay na emosyon.Ang lobby ng gusali ay malamig at tahimik. Ang tunog lang ng sapatos ko sa marmol ang gumuguhit ng presensya ko. Sa mga ganitong oras, mas madaling huminga. Mas madaling maging Astra Vale—ang strategist, ang consultant, ang babaeng walang personal na koneksyon sa sinumang nasa loob ng gusaling ito.Pero alam kong panandalian lang iyon.Pag-akyat ko sa itinalaga nilang opisina para sa Project Atlas, naroon na ang ilang miyembro ng core team. May mga laptop na bukas, may whiteboard na puno ng diagrams, may kape na kalahati pa lang ang bawas. Ang amoy ng bagong simula ay halo ng kape at stress.At doon ko siya nakita.Si Harvey.Nakatayo sa harap ng malaking monitor, seryoso ang mukha habang may inaayos sa code. Walang arte. Walang drama.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status