Home / Romance / Undress Me, Uncle Troy / Chapter 78 - Lalaban Pa Rin

Share

Chapter 78 - Lalaban Pa Rin

Author: GRAY
last update Last Updated: 2025-12-07 02:11:31

Isang buwan na ang nakalipas.

Hindi ko namalayan kung paano lumipad ang panahon dito sa loob, o kung tama ba ang salitang lumipad. Mas bagay sigurong sabihing gumapang—mabagal, mahapdi, at araw-araw may kasamang tuklaw na hindi ko alam kung saan manggagaling.

Isang buwan na pala ako rito.

Isang buwan na puro pasa ang katawan ko.

Isang buwan na halos hindi ako makatulog dahil sa takot na baka sa paggising ko may hahawak na naman sa akin nang marahas.

Isang buwan na walang pangalan ang mundo ko maliban sa kahoy na kama ko, malamig na sahig, at amoy ng kulob na nakadikit sa balat ko.

Pero ang pinakamasakit sa lahat…

Isang buwan na walang dumating.

Walang nagtanong.

Walang naghanap.

Walang nagpakita.

Ni isa.

Hindi ko alam kung ano ang mas mabigat, yung sakit sa katawan ko o yung tahimik na pagkapako ng katotohanang… tuluyan na pala akong iniwan sa labas.

Noong unang linggo, umaasa pa ako.

Bawat tunog ng pinto, bawat ingay ng mga pulis, bawat anino sa pasilyo—akala ko may darating na kakil
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 100 - Over Sa Acting?

    Unti-unting nauupos ang ingay sa loob ng private lounge. Isa-isang nagpaalam ang mga tao—may yakap, may tapik sa balikat, may pangakong “babalikan natin ’to bukas.” Ang mga baso ay iniipon na ng staff, ang ilaw ay bahagyang hinihinaan, at ang musika ay halos naging bulong na lang sa background.At ako, nanatili.Sinadya kong magpaiwan.Nakaupo ako sa isang sulok, bahagyang nakasandal sa sofa, hawak ang basong matagal ko nang hindi dinadampian ng labi. Pinagmasdan ko ang paligid—kung paanong unti-unting nauubos ang mga mukha, kung paanong nagiging mas malinaw ang bawat galaw ni Troy habang kumakaunti ang tao.“Astra,” mahinang bulong ni Valeria sa comms. “Perfect. Huwag kang umalis.”Hindi ko siya sinagot.Hindi na kailangan.Bahagya kong ibinagsak ang balikat ko, pinalambot ang tindig, pinabagal ang kilos. Isang pagod na babae. Isang babaeng uminom kunwari nang sobra. Hindi magpapahalata. Pero paano ba kumilos na parang normal na lasing?Iyon ang bilin kaya bahala na.Ilang minuto pa

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 99 - Behind The Limit

    Mabagal ang agos ng gabi, pero ramdam ko ang pag-igting sa bawat hinga.Isang buwan na mula nang simulan ang Project Atlas, at sa wakas ay may dahilan para huminto—kahit sandali lang. Nasa private lounge pa rin kami sa itaas ng isang hotel na pagmamay-ari ng Arizcon Technologies.Hindi engrande, hindi rin pormal. Walang suit. Walang boardroom. Walang titulo. Mga tao lang na pagod, pero gutom pa rin sa tagumpay.May hawak akong baso ng alak—hindi ko pa iniinom. Hindi ko kailangang uminom para magmukhang bahagi ng selebrasyon. Sapat na ang presensya ko. Sapat na ang paraan ng pagkakatayo ko sa tabi ng mesa, ang bahagyang ngiti, ang katahimikan kong may laman.Sa kabilang dulo ng kwarto, naroon si Troy. Kanina pa ako humiwalay sa kanya dahil ayaw kong magmukhang halata ang pang-aaakit ko sa kanya.Hindi siya ang sentro ng ingay, pero siya ang sentro ng espasyo. Ganoon talaga siya—kahit hindi magsalita, napapansin. Hindi dahil sa kapangyarihan lang, kundi dahil sa kontrol. Sa paraan ng pa

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 98 - Akitin

    Isang buwan.Kung tutuusin, maikli lang iyon sa mundo ng malalaking proyekto. Isang iglap lang sa industriya kung saan taon ang binibilang bago masabing may bunga ang isang ideya. Pero para sa Project Atlas, sapat ang tatlumpung araw para maramdaman ang bigat, ang potensyal, at ang panganib ng sistemang binubuo namin.At para sa akin—sapat ang isang buwan para matutong maglakad sa loob ng apoy nang hindi nasusunog sa labas.Tahimik pa ang opisina nang dumating ako kinabukasan. Alas-sais pa lang ng umaga, pero bukas na ang ilaw sa floor namin. Sanay na akong mauna. Hindi dahil masipag ako—kundi dahil ayokong may makakita sa akin kapag nagsisimula pa lang akong isuot ang mga pagpapanggap ko.Sa loob ng isang buwan, naging malinaw ang mga posisyon ng bawat isa.Si Harvey—seryoso, tahimik, perpekto sa code. Isang haligi ng Project Atlas na hindi ko pwedeng itaboy kahit kailan, kahit pa siya ang unang paalala ng buhay na iniwan ko.Ang team—mga halimaw sa kani-kanilang larangan. Data scien

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 97 - Dinner Kasama Ang Mga Jacinto

    Tahimik na ang buong floor nang patayin ko ang huling monitor sa opisina ko.Alas-sais y medya na. Isa-isa nang nagpatay ng ilaw ang ibang departamento ng Arizcon Technologies, at ang dating buhay na buhay na gusali ay unti-unting nagiging kahon ng salamin at anino. Tumayo ako mula sa swivel chair, inayos ang coat ko, at hinila ang bag sa tabi ng mesa.Unang araw ko bilang opisyal na bahagi ng Project Atlas.At kung tatanungin ang kahit sinong makakita sa akin kanina—maayos ang lahat. Propesyonal. Kontrolado. Walang bahid ng emosyon. Isang strategist na eksaktong alam ang ginagawa.Pero sa loob ko, parang may dalawang boses na nagbabanggaan sa bawat segundo.Isa ang nagsasabing: Ito ang plano. Ito ang kailangan mong gawin.At ang isa naman ay paulit-ulit na bumubulong: Nasa iisang gusali ka kasama ang kapatid mo. At ang lalakeng nanakit sa akin ay ilang palapag lang ang layo.Pinili kong hindi pakinggan ang alinman.Habang naglalakad ako palabas ng opisina, dala ang tablet na puno ng

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 96 - Project Atlas

    Maaga akong dumating kinabukasan sa Arizcon Technologies—mas maaga kaysa sa karamihan ng empleyado, mas maaga kaysa sa oras na kailangan kong magsuot ng maskara.Hindi dahil masipag ako.Kundi dahil ayokong salubungin ang araw na may kasabay na emosyon.Ang lobby ng gusali ay malamig at tahimik. Ang tunog lang ng sapatos ko sa marmol ang gumuguhit ng presensya ko. Sa mga ganitong oras, mas madaling huminga. Mas madaling maging Astra Vale—ang strategist, ang consultant, ang babaeng walang personal na koneksyon sa sinumang nasa loob ng gusaling ito.Pero alam kong panandalian lang iyon.Pag-akyat ko sa itinalaga nilang opisina para sa Project Atlas, naroon na ang ilang miyembro ng core team. May mga laptop na bukas, may whiteboard na puno ng diagrams, may kape na kalahati pa lang ang bawas. Ang amoy ng bagong simula ay halo ng kape at stress.At doon ko siya nakita.Si Harvey.Nakatayo sa harap ng malaking monitor, seryoso ang mukha habang may inaayos sa code. Walang arte. Walang drama.

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 95 - Anong Plano Ni Heidi?

    Tahimik ang paligid ng dining area, pero ang katahimikan ay hindi mapayapa. Mabigat ito. Parang bawat kutsarang gumagalaw, bawat basong bahagyang tumatama sa mesa, ay may kasamang hindi sinasabing tanong.Tumayo si Troy.Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin.“Before we continue,” sabi niya, malinaw ang boses pero may bahid ng tensyon, “I think it’s only right that I introduce Astra properly.”Napako ang tingin ko sa kanya.Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mismong sandaling ito, o ang paraan ng pagpapakilala niya na hindi naman sana kailangan pa.“Everyone,” sabi ni Troy, humarap sa mesa kung saan nakaupo ang buong pamilya ko, “this is Astra Vale.”Huminto siya sandali.“At sila," saglit siyang huminto, "ang pamilya ng namatay kong asawa.”Parang may biglang sumabog sa loob ng ulo ko.Hindi ko alam kung ilang segundo akong hindi huminga.Pamilya ng namatay niyang asawa.Wala man lang binanggit na pangalan.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang bahagyang pagtango ni Ku

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status