LOGINMabagal ang agos ng gabi, pero ramdam ko ang pag-igting sa bawat hinga.Isang buwan na mula nang simulan ang Project Atlas, at sa wakas ay may dahilan para huminto—kahit sandali lang. Nasa private lounge pa rin kami sa itaas ng isang hotel na pagmamay-ari ng Arizcon Technologies.Hindi engrande, hindi rin pormal. Walang suit. Walang boardroom. Walang titulo. Mga tao lang na pagod, pero gutom pa rin sa tagumpay.May hawak akong baso ng alak—hindi ko pa iniinom. Hindi ko kailangang uminom para magmukhang bahagi ng selebrasyon. Sapat na ang presensya ko. Sapat na ang paraan ng pagkakatayo ko sa tabi ng mesa, ang bahagyang ngiti, ang katahimikan kong may laman.Sa kabilang dulo ng kwarto, naroon si Troy. Kanina pa ako humiwalay sa kanya dahil ayaw kong magmukhang halata ang pang-aaakit ko sa kanya.Hindi siya ang sentro ng ingay, pero siya ang sentro ng espasyo. Ganoon talaga siya—kahit hindi magsalita, napapansin. Hindi dahil sa kapangyarihan lang, kundi dahil sa kontrol. Sa paraan ng pa
Isang buwan.Kung tutuusin, maikli lang iyon sa mundo ng malalaking proyekto. Isang iglap lang sa industriya kung saan taon ang binibilang bago masabing may bunga ang isang ideya. Pero para sa Project Atlas, sapat ang tatlumpung araw para maramdaman ang bigat, ang potensyal, at ang panganib ng sistemang binubuo namin.At para sa akin—sapat ang isang buwan para matutong maglakad sa loob ng apoy nang hindi nasusunog sa labas.Tahimik pa ang opisina nang dumating ako kinabukasan. Alas-sais pa lang ng umaga, pero bukas na ang ilaw sa floor namin. Sanay na akong mauna. Hindi dahil masipag ako—kundi dahil ayokong may makakita sa akin kapag nagsisimula pa lang akong isuot ang mga pagpapanggap ko.Sa loob ng isang buwan, naging malinaw ang mga posisyon ng bawat isa.Si Harvey—seryoso, tahimik, perpekto sa code. Isang haligi ng Project Atlas na hindi ko pwedeng itaboy kahit kailan, kahit pa siya ang unang paalala ng buhay na iniwan ko.Ang team—mga halimaw sa kani-kanilang larangan. Data scien
Tahimik na ang buong floor nang patayin ko ang huling monitor sa opisina ko.Alas-sais y medya na. Isa-isa nang nagpatay ng ilaw ang ibang departamento ng Arizcon Technologies, at ang dating buhay na buhay na gusali ay unti-unting nagiging kahon ng salamin at anino. Tumayo ako mula sa swivel chair, inayos ang coat ko, at hinila ang bag sa tabi ng mesa.Unang araw ko bilang opisyal na bahagi ng Project Atlas.At kung tatanungin ang kahit sinong makakita sa akin kanina—maayos ang lahat. Propesyonal. Kontrolado. Walang bahid ng emosyon. Isang strategist na eksaktong alam ang ginagawa.Pero sa loob ko, parang may dalawang boses na nagbabanggaan sa bawat segundo.Isa ang nagsasabing: Ito ang plano. Ito ang kailangan mong gawin.At ang isa naman ay paulit-ulit na bumubulong: Nasa iisang gusali ka kasama ang kapatid mo. At ang lalakeng nanakit sa akin ay ilang palapag lang ang layo.Pinili kong hindi pakinggan ang alinman.Habang naglalakad ako palabas ng opisina, dala ang tablet na puno ng
Maaga akong dumating kinabukasan sa Arizcon Technologies—mas maaga kaysa sa karamihan ng empleyado, mas maaga kaysa sa oras na kailangan kong magsuot ng maskara.Hindi dahil masipag ako.Kundi dahil ayokong salubungin ang araw na may kasabay na emosyon.Ang lobby ng gusali ay malamig at tahimik. Ang tunog lang ng sapatos ko sa marmol ang gumuguhit ng presensya ko. Sa mga ganitong oras, mas madaling huminga. Mas madaling maging Astra Vale—ang strategist, ang consultant, ang babaeng walang personal na koneksyon sa sinumang nasa loob ng gusaling ito.Pero alam kong panandalian lang iyon.Pag-akyat ko sa itinalaga nilang opisina para sa Project Atlas, naroon na ang ilang miyembro ng core team. May mga laptop na bukas, may whiteboard na puno ng diagrams, may kape na kalahati pa lang ang bawas. Ang amoy ng bagong simula ay halo ng kape at stress.At doon ko siya nakita.Si Harvey.Nakatayo sa harap ng malaking monitor, seryoso ang mukha habang may inaayos sa code. Walang arte. Walang drama.
Tahimik ang paligid ng dining area, pero ang katahimikan ay hindi mapayapa. Mabigat ito. Parang bawat kutsarang gumagalaw, bawat basong bahagyang tumatama sa mesa, ay may kasamang hindi sinasabing tanong.Tumayo si Troy.Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin.“Before we continue,” sabi niya, malinaw ang boses pero may bahid ng tensyon, “I think it’s only right that I introduce Astra properly.”Napako ang tingin ko sa kanya.Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mismong sandaling ito, o ang paraan ng pagpapakilala niya na hindi naman sana kailangan pa.“Everyone,” sabi ni Troy, humarap sa mesa kung saan nakaupo ang buong pamilya ko, “this is Astra Vale.”Huminto siya sandali.“At sila," saglit siyang huminto, "ang pamilya ng namatay kong asawa.”Parang may biglang sumabog sa loob ng ulo ko.Hindi ko alam kung ilang segundo akong hindi huminga.Pamilya ng namatay niyang asawa.Wala man lang binanggit na pangalan.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang bahagyang pagtango ni Ku
Tahimik ang gabi nang tumunog ang phone ko.Hindi biglaan. Hindi nakakagulat. Parang alam na ng katawan ko kung sino ang nasa kabilang linya kahit hindi ko pa tinitingnan ang screen.Troy Arizcon.Ilang segundo akong hindi sumagot. Hinayaan kong tumunog. Isa. Dalawa. Tatlo. Saka ko sinagot—hindi nagmamadali, hindi rin paimportante.“Hello,” sabi ko nang kalmado.“Astra,” sabi niya. Mababa ang boses. May halong pagod. “Pasensya na kung nakaistorbo ako.”“Hindi ka naman tatawag kung walang dahilan,” sagot ko. “So sabihin mo na.”May maikling katahimikan sa linya. Parang nag-iipon siya ng salita.“May dinner invitation,” sabi niya sa wakas. “From Ate Heidi.”Napakunot ang noo ko, kahit hindi niya kita.“Heidi?” ulit ko, tunog parang pinoproseso pa lang ang pangalan. Pero sa loob-loob ko ay masyado naman yatang maaga ang paghaharap namin.“Yes, my sister, one of the shareholders ng Arizcon Technologies,” sagot niya. “She’s inviting you. Tonight.”Tumahimik ako.Maraming bagay ang pumasok

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





