Beranda / Romance / Undress Me, Uncle Troy / Chapter 92 - New Project

Share

Chapter 92 - New Project

Penulis: GRAY
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-16 18:44:27

Tahimik ang restaurant—isang pribadong fine dining place sa gitna ng lungsod, may malalaking bintana, may liwanag na hindi nakakasilaw, at may distansyang sapat para hindi marinig ng ibang mesa ang usapan. Hindi ito lugar para sa romantikong tanghalian. Ito ay lugar para sa mga desisyong may timbang.

Maaga akong dumating.

Gusto kong makita ang espasyo bago siya pumasok, masukat ang paligid, ang galaw ng mga waiter, ang mga pintuan, ang mga salamin. Pag-iingat na hindi dapat mawala.

Naupo ako sa mesa malapit sa bintana, tuwid ang likod, magkasalubong ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Walang hawak na phone. Walang wine. Walang maskara—bukod sa katahimikang sinanay ko nang isuot.

Isang babaeng papasok sa buhay ng isang lalaking hindi pa rin alam na hawak ko na ang mga pisi.

Dumating si Troy. Hindi siya nahuli ng dating. Pero limang taon na ang nakararaan ay hindi man lang siya dumating sa panahong kailangan ko siya.

Hindi siya mukhang nagmamadali. Suot niya ang dark blazer, walang kurbata
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 97 - Dinner Kasama Ang Mga Jacinto

    Tahimik na ang buong floor nang patayin ko ang huling monitor sa opisina ko.Alas-sais y medya na. Isa-isa nang nagpatay ng ilaw ang ibang departamento ng Arizcon Technologies, at ang dating buhay na buhay na gusali ay unti-unting nagiging kahon ng salamin at anino. Tumayo ako mula sa swivel chair, inayos ang coat ko, at hinila ang bag sa tabi ng mesa.Unang araw ko bilang opisyal na bahagi ng Project Atlas.At kung tatanungin ang kahit sinong makakita sa akin kanina—maayos ang lahat. Propesyonal. Kontrolado. Walang bahid ng emosyon. Isang strategist na eksaktong alam ang ginagawa.Pero sa loob ko, parang may dalawang boses na nagbabanggaan sa bawat segundo.Isa ang nagsasabing: Ito ang plano. Ito ang kailangan mong gawin.At ang isa naman ay paulit-ulit na bumubulong: Nasa iisang gusali ka kasama ang kapatid mo. At ang lalakeng nanakit sa akin ay ilang palapag lang ang layo.Pinili kong hindi pakinggan ang alinman.Habang naglalakad ako palabas ng opisina, dala ang tablet na puno ng

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 96 - Project Atlas

    Maaga akong dumating kinabukasan sa Arizcon Technologies—mas maaga kaysa sa karamihan ng empleyado, mas maaga kaysa sa oras na kailangan kong magsuot ng maskara.Hindi dahil masipag ako.Kundi dahil ayokong salubungin ang araw na may kasabay na emosyon.Ang lobby ng gusali ay malamig at tahimik. Ang tunog lang ng sapatos ko sa marmol ang gumuguhit ng presensya ko. Sa mga ganitong oras, mas madaling huminga. Mas madaling maging Astra Vale—ang strategist, ang consultant, ang babaeng walang personal na koneksyon sa sinumang nasa loob ng gusaling ito.Pero alam kong panandalian lang iyon.Pag-akyat ko sa itinalaga nilang opisina para sa Project Atlas, naroon na ang ilang miyembro ng core team. May mga laptop na bukas, may whiteboard na puno ng diagrams, may kape na kalahati pa lang ang bawas. Ang amoy ng bagong simula ay halo ng kape at stress.At doon ko siya nakita.Si Harvey.Nakatayo sa harap ng malaking monitor, seryoso ang mukha habang may inaayos sa code. Walang arte. Walang drama.

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 95 - Anong Plano Ni Heidi?

    Tahimik ang paligid ng dining area, pero ang katahimikan ay hindi mapayapa. Mabigat ito. Parang bawat kutsarang gumagalaw, bawat basong bahagyang tumatama sa mesa, ay may kasamang hindi sinasabing tanong.Tumayo si Troy.Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin.“Before we continue,” sabi niya, malinaw ang boses pero may bahid ng tensyon, “I think it’s only right that I introduce Astra properly.”Napako ang tingin ko sa kanya.Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mismong sandaling ito, o ang paraan ng pagpapakilala niya na hindi naman sana kailangan pa.“Everyone,” sabi ni Troy, humarap sa mesa kung saan nakaupo ang buong pamilya ko, “this is Astra Vale.”Huminto siya sandali.“At sila," saglit siyang huminto, "ang pamilya ng namatay kong asawa.”Parang may biglang sumabog sa loob ng ulo ko.Hindi ko alam kung ilang segundo akong hindi huminga.Pamilya ng namatay niyang asawa.Wala man lang binanggit na pangalan.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang bahagyang pagtango ni Ku

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 94 - Dinner

    Tahimik ang gabi nang tumunog ang phone ko.Hindi biglaan. Hindi nakakagulat. Parang alam na ng katawan ko kung sino ang nasa kabilang linya kahit hindi ko pa tinitingnan ang screen.Troy Arizcon.Ilang segundo akong hindi sumagot. Hinayaan kong tumunog. Isa. Dalawa. Tatlo. Saka ko sinagot—hindi nagmamadali, hindi rin paimportante.“Hello,” sabi ko nang kalmado.“Astra,” sabi niya. Mababa ang boses. May halong pagod. “Pasensya na kung nakaistorbo ako.”“Hindi ka naman tatawag kung walang dahilan,” sagot ko. “So sabihin mo na.”May maikling katahimikan sa linya. Parang nag-iipon siya ng salita.“May dinner invitation,” sabi niya sa wakas. “From Ate Heidi.”Napakunot ang noo ko, kahit hindi niya kita.“Heidi?” ulit ko, tunog parang pinoproseso pa lang ang pangalan. Pero sa loob-loob ko ay masyado naman yatang maaga ang paghaharap namin.“Yes, my sister, one of the shareholders ng Arizcon Technologies,” sagot niya. “She’s inviting you. Tonight.”Tumahimik ako.Maraming bagay ang pumasok

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 93 - First Stage: Successful

    Maaga akong dumating sa Arizcon Technologies Headquarters.Hindi dahil gusto kong magpakitang-gilas, kundi dahil gusto kong makita ang gusali bago ito mapuno ng mga taong akala mo’y kontrolado nila ang lahat. Ang salamin ng building ay malamig, makintab—parang mismong reputasyon ng kumpanya. Walang bahid ng kasamaan. Walang bitak. O iyon ang akala nila.Umaasam na sana magtagpo ang landas namin ni Heidi.Huminga ako nang malalim bago pumasok.Astra Vale sa papel.Emie sa loob.Sa reception, isang assistant ang agad lumapit. Maayos ang ngiti, pero halatang kabisado na ang pangalan ko.“Ms. Vale, hinihintay na po kayo sa boardroom.”Tumango ako. Walang tanong. Walang kaba sa mukha. Hindi ito ang unang beses kong pumasok sa ganitong klaseng silid—pero ito ang unang beses na ang kaharap ko ay lalaking may naging mundo ko noon at ng anak kong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalapitan.Pagbukas ng pinto ng boardroom, sinalubong ako ng katahimikan.Mahabang mesa. Mga upuang yari sa bala

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 92 - New Project

    Tahimik ang restaurant—isang pribadong fine dining place sa gitna ng lungsod, may malalaking bintana, may liwanag na hindi nakakasilaw, at may distansyang sapat para hindi marinig ng ibang mesa ang usapan. Hindi ito lugar para sa romantikong tanghalian. Ito ay lugar para sa mga desisyong may timbang.Maaga akong dumating.Gusto kong makita ang espasyo bago siya pumasok, masukat ang paligid, ang galaw ng mga waiter, ang mga pintuan, ang mga salamin. Pag-iingat na hindi dapat mawala.Naupo ako sa mesa malapit sa bintana, tuwid ang likod, magkasalubong ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Walang hawak na phone. Walang wine. Walang maskara—bukod sa katahimikang sinanay ko nang isuot.Isang babaeng papasok sa buhay ng isang lalaking hindi pa rin alam na hawak ko na ang mga pisi.Dumating si Troy. Hindi siya nahuli ng dating. Pero limang taon na ang nakararaan ay hindi man lang siya dumating sa panahong kailangan ko siya.Hindi siya mukhang nagmamadali. Suot niya ang dark blazer, walang kurbata

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status