Share

Chapter 11

"Mukang masaya ka, ah." Pang-aasar nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagdarasal. Siguro kahit suicidal person talagang gugustuhin pang mabuhay, dahil sa klase ng pagmamaneho ng Grim reaper na ito. Malamang hindi siya takot mamatay, matagal na kasi siyang patay.

Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, ang alam ko lang ay patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Wala na akong ibang naiisip, wala ng mission o maging si Chelsea, ang naiisip ko na lang ngayon ay ang buhay ko. 

Ganito siguro kapag malapit na mamatay ano? Bumabalik lahat ng alaala mo sa buhay. Lahat ng mga nangyari sa 'yo noong bata ka pa. Ito na ba iyon Lord? Kukunin mo na ba ako?

"Hindi ka pa ba bibitaw?" Natatawang tanong nito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakahinto na pala kami ngayon, ilang sandali pa bago muling bumalik ang ulirat ko at agad akong kumawala ng yakap sa kaniya.

"Buhay pa ba ako?" Tanong ko habang tinatanggal ang helme

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status