Undying Memories

Undying Memories

By:  Cactushoney  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings
27Chapters
4.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Dahil sa isang aksidente ay nagbukas ang third eye ni Quinn Belle at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ang lihim sa likod ng luma at nakakatakot na itsyura ng old Diplomat hotel na pinangangalagaan ng isang masungit but charming na si Florence. Sa pagkakataong ito ay binigyan ng misyon si Quinn kasama si Grim reaper na kamukhang-kamukha ni Florence, upang hanapin ang mga lost soul upang maihatid na sila sa liwanag. Sa kanilang pagsasama na puro bangayan ay may isang pangyayari sa nakaraan ang mauungkat at may kinalaman ito sa matagal na pananatili ni Florence sa lupa. Hanggang saan nga ba ang tapang ni Quinn para harapin ang mga nakakatakot at med'yo pasaway na mga multo? Maari nga bang muling tumibok ang pusong matagal ng patay?

View More
Undying Memories Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Heizel26
Support!!💖
2021-07-15 22:05:29
0
user avatar
Eunice
Mala-kdrama
2021-03-17 11:25:44
0
27 Chapters

Chapter 1

"The Dominican Hill Retreat House was built in 1913 atop a hill in the famed Philippine City of Pines." Panimula ng tour guide namin dito sa Dominican hotel sa Baguio."The Japanese secret police, the Kempeitai, committed terrible acts of brutality, massacring, raping, and torturing many of the inhabitants, and even decapitating nuns and priests," dugtong pa nito habang patuloy kaming naglalakad sa isang lumang hotel na ito. Ang ilan sa mga pinsan ko ay kumukuha ng litrato at ang ilan naman ay kumukuha ng video habang kapit-kapit sila na animo'y mga takot talaga.Patuloy kong iginagala ang paningin sa paligid. Kung matatakutin siguro akong tao masasabi kong ang creepy ng lugar na ito, dahil sa sobrang luma na at may ilang bitak sa pader. Family reunion namin at naisipan nilang sa Baguio kami mag-stay. Pangalawang araw na namin ngayon at naisipan ng mga magagaling kong pinsan na rito magpunta habang ang mga matatanda ay na
Read more

Chapter 2

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, malabo pa ito noong una ngunit luminaw din di kalaunan. Maliwanag ang buong paligid dahil sa kulay puting kisame at puting pader, familiar sa akin ang amoy ng paligid. Nasa hospital nga ako."G-gising na siya!" Rinig kong sigaw ni Finley at muli akong napapikit, narinig ko pa ang pagkakagulo ng mga narito."Quinn, ayos ka na ba?" Muli akong dumilat at tumingin kay mama na umiiyak habang nasa likuran niya si papa, hinahagod pa ang likod nito. Hindi ko magawang magsalita kung kaya't napatango na lang ako sa tanong na iyon. Tiningnan ko ang mga nasa kwarto, ang ilan sa mga tita ko at pinsan ko ang narito."Ilang araw akong walang malay?" Panghihina kong tanong sa kanila."Dalawang araw." Mabilis na sagot ni tita Dian. Tumango akong muli at ibinaling ang tingin sa bandang pinto, may isang lalaki kasing nakatayo roon. Nakasuot ito ng kulay itim na leather
Read more

Chapter 3

Hapon na ng makalabas ako sa hospital at deretsyo kami sa hotel. Dahil maayos naman na ako pwede na ulit kami magbyahe pabalik ng Manila, bukas ng hapon."Sigurado ka bang hindi ka sasama sa Burnham park ngayon?" Tanong ni mama habang nagsusuklay. "Hindi na po muna, gusto ko sanang dito na lang muna," sagot ko pa at dumungaw sa bintana. Hanggang ngayon nababagabag pa rin ang isipan ko sa lalaking iyon, at sa nakita ko. May kinalaman kaya ito sa pagkakahulog ko? Tapos nagbukas ang third eye ko? Pero hindi naman talaga ako naniniwala sa mga ganiyan, baka nga nasobrahan lang ang pagkakabagok ko kaya kung anu-ano na lang iniisip ko."Ma, naniniwala po ba kayo sa multo? Sa third eye?" Tanong ko at ibinaling ang tingin kay mama na napahinto pa sa pagsusuklay."Sabi nila totoo raw, bakit mo naman naitanong?" Umayos pa ng upo si mama para humarap sa akin."Wala naman po." Lumaka
Read more

Chapter 4

Tanghali na ng makarating kami ng Manila. Mahaba rin ang naging byahe at kahit pa nakatulog ako sa buong byahe ay talagang pagod ang katawan ko."Haaay!" Napapikit ako sa sarap, dahil sa wakas ay lumapat na rin ang katawan ko sa malambot na kama.Nagpagulong-gulong pa ako sa kama dahil sa sobrang tuwa, sana naiwan na sa Baguio ang mga kababalaghan na nangyari sa akin. Tama na, iisipin ko na lang na panaginip lang ang mga pangyari na iyon. Huminto ako sa paggulong at muling tumiyaha, nakabuka pa ang mga kamay ko para sakop talaga ang higaan. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang dumilat, mabilis nawala ang ngiti ko kasabay ng pagkunot ko ng noo."Hi!" Sibay ngiti nito. Ilang sandali pang nag-loading ang utak at agad napatayo, dahilan ng pagtama ng mga noo namin."Aray..." Rinig ko pang angal nito, maging ako ay napahawak sa noo ko. "Bakit ka ba big
Read more

Chapter 5

Nakaupo ako at nakaharap sa kaniya, habang binabasa ang mga nakasulat sa contract, pero wala akong maintindihan dahil patuloy ang sulyap ko sa kaniya. Kamukha niya talaga si Keir, maging ayos ng buhok, pointed nose, kahit pa ang kulay abo nitong mga mata, ang problema lang ay matalim ang tingin nito na akala mo ay galit sa mundo."Kung titingnan mo lang ako hindi ka na matatapos d'yan," saad nito habang pinapaikot sa kaniyang palad ang ballpen. Umayos ako ng upo at muling tumingin sa papel."Hin–" "Just sign it, hindi ko kailangan ng reklamo." Umirap pa ako at padabog na ibinaba ang papel. Tumingin pa ako ng masama sa kaniya at inagaw ang ballpen na kanina pa niya nilalaro. Nakipag-agawan pa siya at nakipagpalitan ng masamang tingin, pero ako pa rin ang nanalo."Bibitawan rin pala." Bulong ko sa sarili at napangisi."May sinasabi ka?" Tanong nito at dinig ko ang paglapit
Read more

Chapter 6

Katahimikan ang bumabalot sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. Titig ako sa sarili kong repleksyon sa salaming nasa harapan ko, seryoso akong nakatingin sa babaeng kaharap ko. Kailan ba ang huling araw na ganito ako tumitig sa sarili ko? Bihira ko lang tingnan ang sarili kong mukha sa salamin, mas madalas na damit ko lang ang tinitingnan ko.Naiilang ako sa tuwing tinitingnan ko sa salamin ang sarili kong mga mata. Pakiramdam ko may mga ipinapaliwanag itong maski sarili ko ay hindi maintindihan."Ms. Quinn?" Agad kong naibaba ang suklay at umikot paharap sa pintuan, kumatok ito ng tatlong beses bago niya binuksan."May problema po ba ms. Mona?" Umiling lang ito sa tanong ko at pumasok sa loob."Ayos ka na po ba?" Tanong pa nito, marahan akong tumayo at lumapit sa kaniya."May mga gusto sana akong itanong sa inyo, matagal na po ba kayo rito? Gaano niyo po kakilala s
Read more

Chapter 7

Matapos niyang mag-park ng sasakyan, agad kaming nagtungo roon. Wala pa naman gaanong tao dahil masyado pang maaga. Mga mag-jowa lang na naglalampungan at naggagala sa paligid. Well, nagmukha na rin kaming mag-jowa dahil sa paglalakad."Paano ka nakikita ng mga tao?" Tanong ko sa kaniya matapos ilagay ang mga kamay ko sa likuran."Kaya naman namin mamuhay na parang normal na tao, nakikipag-usap din kami sa mga tao ng hindi nila malalaman kung ano kami," sagot naman nito."Bakit sa mga napapanood ko parang walang alam sa mga bagay sa paligid ang mga Grim reaper?" Ito na naman ang tanong ko sa kaniya, patungkol sa mga napapanood ko."Nakakilala na ba sila ng Grim reaper?" Ito na nga ba ang sagot na inaasahan ko. Bakit nga ba kasi tanong ako nang tanong tungkol sa napapanood ko?"Sige magtanong ka pa, para isahan na lang." Natatawang saad nito. Med'yo nahiya naman ako, pero dahil sinabi niya, kaya magt
Read more

Chapter 8

Mahaba ang naging byahe, puro gasgas pa rin ako at walang kahit anong dala kung hindi ang sarili ko, na puro gasgas at maduming damit. Maliban sa pera at cellphone ko wala na akong nabitbit na gamit. Tumawag ako kila mama pero walang sumasagot, malamang tulog na sila kaya kay Finley ako tumawag. Alam kong umaga na kung matulog ang babaeng 'yon, kaya nasagot niya ang tawag ko. Sa boarding house nila sa Manila, ako tutuloy ngayon para magpahinga. Nagpahanda rin ako ng mga gamot para rito sa mga sugat ko. Paidlip-idlip ang tulog ko dahil sa pagod, so far wala naman akong nakasalamuhang multo sa bus na sinasakyan ko. Walang bata na humahawak sa paa. Sana tuloy-tuloy na ganito, normal lang.Agad akong sinalubong ni Finley nang makarating ako sa boarding house nila."Ano bang nangyari sa 'yo?" Pagtatakang salubong nito sa akin."Isang karumaldumal na pangyayari at ayoko na munang pag-us
Read more

Chapter 9

Tirik ang araw na sumisilip sa bintana. Dalawa kami ni Chelsea na nakaupo sa kama, habang si grim reaper ay nakatayo sa harapan namin. Para siyang tatay na nangangaral sa aming magkapatid."Ibig sabihin wala rin akong pagpipilian?" Laglag balikat na saad ni Chelsea. Wala akong imik mula kanina, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Naaawa ako sa kaniya, kaya si Keir na lang ang nagpaliwanag ng lahat, tutal siya naman talaga dapat."Kaya hanggat hindi pa namin nahahanap ang kaluluwa mo, sa diplomat hotel ka muna mananatili at bawal kang lumabas," paliwanag ni Keir."Teka, paano kaya kung sumama ako sa inyo? Ikaw ate Quinn, hindi ba buhay ka naman? Edi tutulong ako sa inyo, habang hindi pa natin nahahanap ang kaluluwa ko." Gulat akong napatingin sa kaniya, tumingin din ako kay Grim reaper na kung tumingin sa akin, akala mo ako ang dapat magdesisiyon dito."Ano ate? Pwede ba? Sige na, hindi a
Read more

Chapter 10

"Andito na tayo." Masayang saad ko at agad na lumabas. Sumunod na rin si Chelsea at nagtaka pa noong umalis na si Keir. "Bakit hindi siya sumama?" Tanong nito."Hindi ko rin alam d'yan." Tamad kong sagot at pumasok na sa loob. Si manong Roly ang unang bumungad sa amin. Pagbukas ng pinto napatingin pa sa amin si Cora at ate Mona, napatigil din sila sa kani-kanilang ginagawa at agad lumapit sa amin."Ang akala ko hindi ka na babalik," si ate Mona."Hindi na nga sana, kaso." Sabay turo ko kay Chelsea."Hello po." Naiilang na bati nito. Pinakilala ko sa kaniya isa-isa ang mga narito. Pinaliwanag ko rin kung ano ang lugar na ito at kung anong klaseng boss ang mero'n dito. Lahat na ng kasiraan sa puri ni Florence, sinabi ko na."Anong kaguluhan 'yan?" Napatigil kaming lahat matapos itong marinig, napairap pa ako ng marinig ang boses na iyon. Humawi sila ate Mo
Read more
DMCA.com Protection Status