Share

Chapter 4 (Part 1)

Samantha

Dalawang araw kong 'di kinausap si Ate. Panay itong sorry sa akin. Pero di ko s'ya pinapansin. Hindi ko s'ya kinakausap. Parang hangin s'ya sa aking paningin. Sa aking harapan. Wala akong naririnig. Wala akong nakikita. Para akong isang robot. Sumusunod ako sa utos ni Inay o kaya ni Itay pero hindi ko sila iniimik. Tahimik lang din silang nakatingin sa akin. Hinayaan lang din nila ako sa aking drama.

"Dapat 'wag kang magdamdam sa t'wing napapagalitan ka ng mga magulang mo. Ginagawa nila 'yon para itama ka. Ang pangangaral nila ay para din naman sa ikabubuti mo. Mahal ka nila kaya ka pinapagalitan."

Sermon sa'kin minsan ni Ate Lea ng makasabay ko s'ya sa paghatid ng pagkain kay Itay na nasa tubuhan.

I heaved a deep sigh. Ilang linggo na ang lumipas. Simula ng insidenting iyon naging tahimik na ako. Alam ko naman 'yon. Na mahal nila ako. Over protected na nakakasakal. Bawat galaw ko nakikita. Lagi na lang mali. Lagi na lang ako napupuna. Bawal na ba akong magsalita? Bawat kataga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status