Share

Chapter:3

Vien POV

Shit! Saan ba nila dinala si Dion? Naka pasok na kami sa Hideout nila,sa katunayan napalaban na kami,kaya lang mga armado sila..double ingat kami..

"Vien,Javen,hanapin niyo si Dion pero mag iingat kayo." Utos ni Xavier sa dalaga.

"Okay."panabay na tugon ng dalawa.

Then ayon magkasama kami ni Javen sa pag hahanap kay Dion..ghad! Nag aalala na ako sa ungas na yun,kahit naman naiinis ako sa hambog na yun,I still care about him..

" Over there!" Wika ni Javen.

Maingat na tumungo kami sa naka bukas na pinto,kong saan nakita namin si Dion,naka upo siya sa upuan habang naka gapos ang mga kamay,pero bakit siya nanlulupaypay...damn it! May gun pang naka tutok sa ulo niya.

"Vien,aagawin ko ang attention niya,ikaw na ang bahala kong paano mo siya aatakihin." Utos pa ni Javen.

Marahan ko siyang tinanguhan bilang tugon,nang magsimulang kumilos si Javen para agawin ang pansin ng lalake mabilis naman akong kumilos para para atakihin siya. I kick his ass bago pa siya makabawi.

"Master!" Tawag ni Javen at mabilis na lumapit sa binata.nagulat pa siya sa nakitang kalagayan ng binata.

Maging ako ay napa tingin sa mga nagkalat na syringe sa sahig..

"Dion!" Tawag ko saka ko siya nilapitan..

Damn it! Isang dosena ba ng drugs ang itinurok sa kaniya..napatingin ako sa daliri niya,nagsisimula na iyong kumulay.. Mabilis ko siyang kinunan ng vital sign..

"Javen,kailangan nating madala agad si Dion sa hospital." Gimbal kong sabi.

Agad naman siyang kumilos at sinunod ang utos ko..

At the hospital!!!!!

Maang na napa tingin ako kay Javen kanina pa siya hindi mapakali,,tila di niya malaman kong ano ang gagawin,lalapit kay Dion,babalik sa bintana,nang paulit ulit.

Oo till now wala pa ring malay si Dion..hindi man ako ang personal na nag assist sa kaniya dahil nga hindi naman ako naka assign sa hospital na to..ibang department ako.

"Kong sana sinamahan ko nalang si Master hindi mangyayari to!" Paninisi ni Javen sa sarili." Ang sino mang may gawa nito kay master,titiyakin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang to!"

"Javen naiintindihan naman kita kong bakit ganyan nalang ang pagkainis mo,pero wag mong sisihin ang sarili mo,wala kang kasalanan sa nangyari." Wika ko.

"Javen!!! Javen! How's my brother!" Agad na tanong ng lalaking bagong pasok,agad na lumapit ito sa binatang natutulog." Anong nangyari sa kaniya? Is he okay?"

Huh! Kapatid pala siya ni Dion,sa pagkakaalam ko nag iisang anak si Dion..oo I remember this guy,siya yung nakilala ko sa party nila Vanessa at Tyrone.

Noon lang siya napa tingin sa gawi ko.

"Pasensiya na po master,kasalanan ko to." Hinging paumanhin ni Javen.

"Ikaw ang PA niya,dapat lagi mo siyang kasama,paano kong hindi lang to ang nangyari sa kaniya! Paano mo ipapaliwanag kay Lola ang bagay na yun?"sermon pa nito.

"Sorry po Master."

"Anong kalagayan niya ngayon? " Usisa pa nito.i raised my brow,sa totoo lang hindi ako comfortable sa kaniya. Ang weird niya..hindi ko alam kong totoong concern ba siya kay Dion o nagpapanggap lang siya.

" Maraming drugs ang itinurok kay Master Dion,nagkaroon siya ng mental block kanina at posibleng maalala pa niya ang mga nangyari,matapos ang pinagdaanan niya." Sagot ni Javen.

"Posibleng di niya maalala ang lahat kong sino ang dumukot sa kaniya? Sigurado ka ba diyan?" Ang di makapaniwalang tanong ni Mark.

Bakit ba interesado pa siya sa bagay na yun? Mas inaalala pa niya kong may naaalala si Dion sa nangyari kaisa sa kalagayan ng kapatid niya.

"Nag aalala ako na hindi mapanagot ang sinumang gumawa nito sa kapatid ko." Dugtong pa niya ng mapansin ang pananahimik ng dalawa.

Hindi ako naniniwala sa kaniya,alam kong pareho kami ng iniisip ni Javen,posibleng may kinalaman ang kuya ni Dion sa nangyari..

Ayaw ko mang husgahan si Mark,pero hindi ako ganun katanga para hindi siya mahalata.

"Master!" Tawag ni Javen sa binata ng mapansin itong nagkamalay na.

"Dion! How are you?" Tanong ni Mark sa kapatid.

"Where I am?" Tanong ni Dion." Ano bang nangyari! Bakit hindi ko maigalaw ng maayos ang mga daliri ko? Binugbog niyo ba ako?"

"Master hindi sa ganun." Sagot ni Javen."kumalma ka muna."

"Dion." Tawag ko sa kaniya nang magsimula siyang mag panic.

"There someone who tried to kill me,they torture me.." Hintakutang sabi ni Dion at biglang sumiksik sa gilid ng kama.

"Master,,huminahon ka." Pagpapa kalma ni Javen sa binata.

"Dion,calm down." Wika ni Mark.

"Javen,tumawag ka ng Doctor." Utos ko sa kaniya ng mapansin kong hindi na normal ang kilos ni Dion..nagpapakita na siya ng sign of traumatize..natitiyak kong magiging worst to kong hindi siya maaagapan agad.

"Pero doctor ka di ba?" Tanong ni Javen na naguguluhan..

Gusto ko siyang pagtawanan sa naging tugon pero hindi ito ang tamang oras para gawin yun..seryuso ang case ni Dion..hindi ito biro.

" I mean na Doctors department." Sagot ko sa kaniya.

"Why would I call the doctors department? Ganun na ba to kalala."

Napa facepalm nalang ako sa sagot ni Javen,alam kong hindi ito ang tamang oras para sa ganitong bagay.

"Oh! The doctor!" Aniya ni Javen sabay takbo patungo sa labas.

"Dion." Tawag ni Mark sa kapatid na aktong hahawakan ang binata ngunit mas lalo pa itong nag panic.

"Dion." Tawag ko sa kaniya.

"They tried to kill me." Hintatakutan pa niyang sabi habang nagsusumiksik sa gilid..

Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi ito ang Dion na nakilala ko..

"Kailangan tong malaman ni Grandma." Sabi ni Mark habang naka tingin sa kapatid.

"Hindi pwede,kapag nalaman ni Grandma ang kalagayan ni Dion,lahat tayo mananagot." Awat ko kay Mark.

"Pero-"

"Hayaan muna nating kumalma si Dion,bago sabihin jay Grandma,hindi magiging maganda kong ngayon natin sasabihin sa kaniya." Sagot ko bago tumingin kay Dion.

"I'm scared."

"Dion,look kailangan mong kumalma." Baling ko sa kaniya,,naupo ako sa tabi..

Noon lang siya tumingin sa akin habang naka lagay pa rin ang dalawang kamay niya sa taenga.

"Nandito na yung doctor." Singit ni Javen.

"No!" Hysterical na sabi ni Dion ng makita ang Doctor na may dalang syringe.

Napaawang ang labi ko ng mas lalo pa siyang mag panic,lalo na ng makita niya ang hawak ng doctor na syringe. Bigla siyang nagwawala na hindi ko maintindihan..

Kinailangan pa siyang hawakan ng mga bodyguard niya para lang kumalma at maturukan ..

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko sa kaniya..at dahil doon hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noon sa amin sa bus..

Bata pa lang kami nang mangyari ang bagay na yun. Tulad niya nahirapan din ako na makalimot sa nangyari,siguro nong high school lang ako tuluyang nakalimot at dahil yun kay Dion.

Paano kasi sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring yun,andiyan siya para tuyain,inisin at galitin ako.

Yung takot na nararamdaman ko,napapalitan iyon ng galit kay Dion hanggang sa tuluyan na akong makalimot,binago ng panahon..siguro hindi ko magagawa iyon kong hindi dahil sa tulong ni Dion.

Kahit papaano malaki ang naitulong ng playboy na to sa buhay ko. Kaya nga I accept him as my friend.

"Okay ka lang ba? You look so pale?" Tanong ni Mark sa dalaga ng mapansin itong naka tingin lang kay Dion na inaayos na ng mga doctor ang pagkakahiga.. 

Bahagya ko lang siyang tinanguhan bilang tugon.

.......

Kristen POV

Agad kong tinawagan si Shin ng malaman ko ang nangyari kay Dion..I want to visit him sa hospital.

But wait! Bakit pala hindi na naman nag re-report si Shin sa akin sa nangyayari kay Dion! Sinabihan ko na siya na kailangan naka report sa akin lahat ng nangyayari kay Dion.

He's always doing this pagdating kay Dion,hindi niya ako ina-update! May problema ba siya! Humanda talaga siya sa akin!

"Nandito na ako." Masayang bati ni Shin na lumapit sa dalaga na naka simangot.

"Bakit ba ang tagal mo! Your my PA pero layas ka ng layas! Where have you been?" Gigil kong tanong sa kaniya.

"Sorry kinailangan ko pa kasing ihatid si tita,pasensiya na." Hinging paumanhin ni Shin sa dalagang nagagalit na naman.

"Si Mom! Eh di ba may personal driver na siya? Eh bakit kailangan ikaw pa ang maghatid sa kanya?" Inis kong tanong.

"May ibang pinagawa kasi siya sa driver niya,kaya yun ako ang naghatid sa kaniya."

"Fine! Pero I told you na e-update mo ako sa lahat ng nangyayari kay Dion! Pero anong ginawa mo?" Inis kong tanong.

"Naghatid nga ako kay tita." Sagot ni Shin.

"Shin!" This time mas malakas na ang boses ko,paano kasi sira ulo siya sumagot.

"Ah pasensiya na,nawala sa isip ko." Hinging paumanhin ng binata.

"Sawa na ako sa paulit uli na sorry mo! Pagod na rin akong maging PA ka,simpleng bagay lang hindi mo pa magawa!" Galit kong sigaw sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ng binata sa dalaga.

"I'm sorry Shin, but I'm firing you as my personal PA, makakaalis kana." Sabi ko sa kaniya .

"Pero kaibigan mo ako,kakalimutan mo nalang-"

"Mas mahalaga siya sa akin kaisa sayo! Kaya umalis kana! Pag uwi ko ng bahay dapat wala kana doon. Ayaw ko nang makita ka pa!" Inis kong sabi bago ko siya tinalikuran.

Sawa na ako sa paulit-ulit na sinasabi niya,pagod na rin akong intindihin siya,at wala akong paki sa magiging takbo ng buhay niya.

He's my best friend pero ayaw ko ng ganung kaibigan,,sarili niya lang ang iniisip niya..I hate him!

Inis na nagkulong nalang ako dito sa office room ko,dadalaw dapat ako sa hospital kaya lang wala na ako sa mood pa..

Ayaw kong humarap kay Dion ng mainit ang ulo,dahil baka matarayan ko lang siya.. Kahit na si Dion pa ang first true love ko..

Hindi ko pa rin ma control ang sarili ko lalo na pag mainit ang ulo ko baka masungitan ko lang siya gaya ng dati...Yes I'm brat at wala na akong magagawa pa sa bagay na yun.

Si Shin nga lang ang nakakapag tiyaga sa ugali kong to. 

......

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status