Share

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger
Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger
Auteur: Aquila Madison

Kabanata 1

last update Dernière mise à jour: 2025-10-31 19:50:29

Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, naamoy na agad niya ang mamahaling kape at matamis na halimuyak ng mga pastry sa café. 

Sa bawat hakbang niya, parang may kasabay siyang boses sa loob ng utak—ang malupit na tinig ni Tiya Sabel.

“Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya walang magpapakasal sa’yo, Hestia, dahil mahina ka at makupad mag-isip!”

Napapikit siya sandali. Unti-unting namumuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata, pero agad din niya itong pinunasan. Sanay na siya sa masasakit na salita. Sanay na siyang saktan. Kaya nga siya narito ngayon—para makahanap ng bagong simula, para takasan ang mapang-abusong “pamilya” na pinilit niyang mahalin.

Habang naglalakad, umuugong sa buong café ang matalim na tunog ng kanyang takong. Napapalingon ang ilan, marahil dahil sa postura at ayos niya. Bagama’t galing lang sa ukay-ukay ang suot niyang dilaw na bistida, dala niya ito na parang gawa sa mamahaling tela. Maganda siyang babae, pero halata sa mga mata niya ang pagod at takot na pilit niyang itinatago sa ngiti.

“Okay, Hestia… kaya mo ‘to,” mahina niyang bulong sa sarili. “Huling pagkakataon na ‘to bago ka tuluyang itapon ni Tiya.”

Valentine’s Day ngayon, at hindi niya mahirap hanapin ang lalaking pinares sa kanya. Sabi ng tiyahin, “’Pag pumalpak pa ‘to, ikaw na ang bahala sa sarili mo.” Kaya kahit hindi sigurado, sinubukan na rin ni Hestia.

“Siya na siguro ‘yon,” mahinang sabi niya nang mapansin ang isang lalaking nag-iisa sa kalapit na mesa. “Hayst, hindi ko pa makita ang mukha.”

Habang papalapit, napansin niya ang mamahaling relo nito, ang maayos na gupit, at ang malamig na presensiya na tila hindi sanay ngumiti. Kahit kinakabahan, binilisan na lang niya ang lakad.

Pagharap niya sa lalaki, malamig itong tumingin sa kanya.

“Have a seat. The food will be on its way,” sabi ng lalaki, diretsahan, walang ngiti.

Kumurap si Hestia, nagulat sa tono nito. Pero agad siyang umupo at pilit na ngumiti.

“Salamat. Ahm… ikaw si—?”

“Lucian. Lucian Escalera,” sagot nito, sabay sandig sa upuan. “And you are?”

“Hestia. Hestia Vale,” mahinang sagot niya, sabay abot ng kamay pero hindi nito tinanggap. “Nice meeting you, sana magkasundo tayo.”

Hindi na siya nagpilit. Tindig pa lang ni Ian, halatang may mataas na posisyon sa lipunan. Mamahalin ang suot, mabango pero hindi matapang ang amoy. Sa loob-loob ni Hestia, kung makisama lang siya nang maayos, baka ito na ang sagot para makalaya sa impyerno ng bahay nila.

Tahimik silang nagtitigan. Sa bawat titig ni Ian, pakiramdam ni Hestia ay hinuhusgahan siya mula ulo hanggang paa. Nainis siya pero pinilit na huwag mag-react.

“Do you wanna get married?” biglang tanong ni Ian, malamig pero diretso.

Halos mabilaukan si Hestia sa tubig na iniinom. “Ha? Agad-agad?”

“I don’t waste time,” tugon ni Ian. “Kung pareho naman tayong may rason, bakit pa patatagalin?”

Hindi siya makasagot. Pinaglaruan ni Ian ang ballpen na nasa mesa, saka muling tumingin sa kanya.

“Hindi ako sisipot dito kung wala akong intensyon. Sagutin mo lang, Hestia.”

Napalunok siya. “B-Bakit mo gustong magpakasal agad? May tinatakasan ka rin ba?”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Ian. “Let’s just say, I don’t like being controlled by anyone. At gusto kong piliin ang sarili kong asawa, hindi ‘yung ipipilit ng mga magulang ko.”

Ngumiti si Hestia, kahit kabado. “Pareho pala tayo. Ako rin, gusto kong piliin ‘yung para sa akin.”

Tumingin si Ian nang diretso sa kanya. “So? Do you wanna get married?”

Huminga nang malalim si Hestia bago sumagot. “O-oo… gusto kong magpakasal.”

Bahagyang ngumisi si Ian, tila natuwa sa tapang nito. “Good. Then let’s not waste time.”

“Wait, what do you mean?” naguguluhan niyang tanong.

Tumayo si Ian, saka hinila siya. “Let’s get married. Now.”

“Ngayon?!” halos pasigaw na tanong ni Hestia habang tumatayo rin.

“Why not?” sagot ni Ian. “There’s a Judge near this café. I already checked.”

“Pero hindi pa tayo nagkakakilala nang maayos,” aniya, halatang nanginginig ang boses.

“I don’t need to know everything about you. I just need your answer. Gusto mo bang magpakasal?”

Napatingin si Hestia sa mga mata nito—seryoso, walang halong biro. Sa bawat segundo, tumitibok nang mas mabilis ang puso niya. Hindi niya alam kung dahil sa kaba, o dahil sa kakaibang presensiyang meron si Ian.

“O-Oo,” mahina niyang sabi.

“Then let’s go,” ani Ian, saka marahang hinawakan ang kamay niya. Sa sandaling iyon, parang tumigil ang paligid. Hindi niya alam kung tama o mali, pero sumunod siya.

Habang naglalakad palabas ng café, naramdaman ni Hestia ang mahigpit na kapit ni Ian sa kamay niya. Hindi masakit, pero matatag—parang ayaw siyang pakawalan.

Pagdating nila sa labas ng gusali, huminto ito sandali. “Are you cold?” tanong ni Ian, napansin siguro ang bahagyang panginginig ng dalaga.

“Medyo lang… hindi ako sanay sa ganitong lamig,” tugon niya.

Naglabas si Ian ng coat at ipinatong iyon sa balikat ni Hestia. “Better?”

Napatitig siya dito, hindi makapaniwala sa inaasahang pagkabastos pero ngayon ay may halong kabaitan. “Salamat,” mahina niyang sabi.

“Let’s go,” maikling tugon ni Ian, saka muling naglakad.

Pagdating nila sa opisina ng Judge, kumatok agad si Ian. “Open up! I have a surprise for you, Jacob!”

Mabilis bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaking nasa edad apatnapu, naka-barong at may kakilala na si Ian.

“Wow, you actually came!” sabi ni Jacob, sabay tingin kay Hestia. “At siya na ba? Wow, Ian, you have such a good taste.”

Namula ang pisngi ni Hestia. “Ah, hindi po—”

Pero pinutol siya ni Ian. “Yes, she’s the one.”

“Come on in,” sabi ng Judge, sabay turo sa upuan. “You’re serious about this, right? Alam mong hindi ito biro, Ian.”

“I’m aware,” malamig na tugon ni Ian.

Tahimik na nagmamasid si Hestia habang inilalapag ni Jacob ang marriage contract sa mesa. Napansin niyang hindi man lang ito nagdadalawang-isip. Siya lang yata ang kinakabahan.

“Ian…” mahinang sabi niya, “sigurado ka ba talaga dito? Hindi mo man lang ako tinanong kung anong gusto ko sa buhay, kung may trabaho ba ako, o kung—”

“I don’t need to know that now,” putol ni Ian. “Everything else can wait. Ang importante, you said yes.”

“Pero—”

“Ms. Vale,” sabat ng Judge, “you look nervous. Are you sure about this? Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo.”

Tumingin si Hestia kay Ian. Walang emosyon ang mukha nito, pero sa mga mata—may kakaibang lambing na parang humihiling ng tiwala.

“Sigurado ako,” bulong niya. “I’ve waited too long to be free.”

Tahimik si Ian sandali, saka marahang ngumiti. “Then let’s make you free, Mrs. Escalera.”

Nanlaki ang mata ni Hestia. “Hindi pa ako pumipirma, Mr. Escalera.”

Ngumisi ito. “Then do it. Para matapos na ang lahat ng problema mo.”

Habang iniaabot ni Jacob ang ballpen, nanginginig ang kamay ni Hestia. Ilang ulit siyang huminga nang malalim. Ngunit bago pa man niya pulutin ang panulat, pinigilan siya ni Ian.

“Marrying the wrong person can be lethal,” sabi nito, mababa ang tono. “Sigurado ka na ba, Hestia Vale? Kasi kung hindi, pwede pa tayong umatras ngayon.”

Tumingin si Hestia sa kontratang nakalatag sa harap niya—isang papel na maaaring magligtas o magpahamak sa kanya. Sa isang iglap, bumalik sa isip niya ang galit ni Tiya Sabel, ang igaw nito gabi-gabi, ang sakit ng mga salitang “wala kang kwenta.”

Ngayon, nasa harap niya ang pagkakataon para makalaya.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger   Kabanata 5

    “You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa. “Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia. Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio. Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa. Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nit

  • Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger   Kabanata 4

    Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone. Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit. Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya. Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo. “Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?” Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin. Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas

  • Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger   Kabanata 3

    Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya. Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito. Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah. Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit. Nang malapit nang matapos si

  • Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger   Kabanata 2

    Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian. Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian. Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?” “Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian. “Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay nam

  • Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger   Kabanata 1

    Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, naamoy na agad niya ang mamahaling kape at matamis na halimuyak ng mga pastry sa café. Sa bawat hakbang niya, parang may kasabay siyang boses sa loob ng utak—ang malupit na tinig ni Tiya Sabel.“Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya walang magpapakasal sa’yo, Hestia, dahil mahina ka at makupad mag-isip!”Napapikit siya sandali. Unti-unting namumuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata, pero agad din niya itong pinunasan. Sanay na siya sa masasakit na salita. Sanay na siyang saktan. Kaya nga siya narito ngayon—para makahanap ng bagong simula, para takasan ang mapang-abusong “pamilya” na pinilit niyang mahalin.Habang naglalakad, umuugong sa buong café ang matalim na tunog ng kanyang takong. Napapalingon ang ilan, marahil dahil sa postura at ayos niya. Bagama’t galing lang sa ukay-ukay ang suot niyang dilaw na bistida, dala niya ito na parang gawa sa mamah

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status