author-banner
Aquila Madison
Aquila Madison
Author

Romans de Aquila Madison

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Hindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
Lire
Chapter: Kabanata 5
“You know, you don't have to bring all of your clothes. Pwede naman kitang ibili sa mall,” mapreskong sambit ni Ian habang pinapasok sa compartment ang bagahe ng asawa. “Di na kailangan. Baka bilhan mo pa ako ng mga damit na kita na ang kaluluwa,” pabirong sagot naman ni Hestia. Napatingin tuloy sa kaniya si Ian mula ulo hanggang paa. Aaminin niyang maganda ang katawan ng asawa. Mukhang hindi siya mahihirapang bihisan ito pagharap nila kay Dreonie at Lucio. Sa katunayan, ito ang tunay na dahilan kung bakit niya sinundo ang asawa. Bagama't hindi pa sa ngayon, mas maigi nang maihanda na si Hestia. Pagkatapos ni Ian sa mga bagahe, nauna siyang pumasok sa kotse nang hindi man lang pinagbubuksan ng pinto ang asawa. Umiirap na naglitanya si Hestia sa labas. “Parang ayaw mo man lang yata magalusan ang kamay mo. Di bale, mas makalyo pala ang akin, ako na lang.”Rinig na rinig ni Ian ang pagrereklamo, kaya imbes na sumagot, awtomatiko nitong binuksan ang pinto muna sa loob. Napatahimik nit
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 4
Kumaripas ng takbo sa labas ng balkonahe si Hestia. Kahit hindi siya lumabas ng gate, tanaw na tanaw ang itim na kotse ni Ian. Nakasandal din doon ang asawa habang hawak ang cellphone. Mukhang mauudlot ang mga pansariling plano ni Hestia dahil sa pagiging mainipin ni Ian. Napaisip tuloy siya kung sino ba sa kanila ang nagmamadali. Kahit nagdadalawang-isip pa kung sasama, buong tapang na pumasok ulit si Hestia para kunin ang mga gamit. Nakapag-empake na siya simula kahapon dahil plano niya na rin talagang magpakasal kung sakaling magkasundo sila ng lalaking ka-date niya. Pagbalik ni Hestia sa loob, galit na nag-utos kaagad ang Tiyahin. Kahit kailan wala talaga ito sa tiyempo. “Ba’t kanina ka pa aligaga riyan? Diba pinahuhugasan ko ang mga pinggan sayo?” Naiiritang binalingan ni Sabel ang cellphone ng pamangkin. Magrereply kasi sana si Hestia sa asawa na mag-antay muna, pero bigla itong kinuha ng Tiyahin. Naiinis niya itong hinawakan ng mahigpit at saka ihinagis. Sa sobrang lakas
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 3
Pagkababa ni Hestia sa e-bike, binitbit niya kaagad ang nabiling orange sa daan. Paborito kasi ito ng pinsan at pamangkin niya. Kahit medyo may kaliitan ang sweldo, hindi siya naging madamot sa kanila. Sayang nga lang, at hindi ito makita ng Tiyahin niya. Pagpasok niya pa lang sa pinto, matalim kaagad siyang tiningnan ni Sabel. Ang dalawang kilay niya halos magkasalubong na, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ni Hestia na naiinis ito. Buti na lang at dumating kasabay niya ang pinsang si Hannah kasama ang anak natutulog nang mahimbing sa kaniyang braso.“Wow! Saan mo ‘yan nabili? Yung huli kasi medyo matabang at maasim. Dapat siguro binalik natin ‘yon,” masiglang sambit ni Hannah. Ngumiti lang ng payak sa kaniya ang pinsan. Imbes na sumagot pa si Hestia, pinulot niya na lang isa-isa ang mga laruang nagkalat sa sahig. Simula kasi ng lumaki ang pamangkin niya, parating nakakatusok o di kaya pinagsisimulan ng aksidente ang mga laruang hindi niligpit. Nang malapit nang matapos si
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 2
Mariing pumikit si Hestia saka ngumiti. “Ano pa bang mawawala sa akin? Hindi ako mayaman, at wala ring impluwensya ang pamilya ko. Buo na ang desisyon ko, pipirma ako sa marriage contract.”“That settles it then, you'll officially be married to me, Mrs. Escalera…” turan ni Ian. Sa lamig ng boses nito, nanigas si Hestia. Nakaramdam din siya ng kakaibang sensasyon sa tiyan, parang mga paru-parong nagsisipag-liparan sa loob ng sikmura niya. Naunang pumirma si Ian, sumunod naman siya. Buong kumpiyansa si Hestia na nagsulat ng pangalan at gumuhit ng pirma kahit hindi tinitingnan ang papel. Nang tapos na ito, napansin niyang iba ang nakasulat na pangalan sa marriage contract mula sa pagpapakilala sa kaniya ni Ian. Pagkabasa nito sa buong pangalan ng asawa, napakunot ang kaniyang noo. “Lucian Escalera? Akala ko ba Ian ang pangalan mo?” “Did I forget to mention my real name? My bad,” natatawang sagot ni Ian. “Ano pang hindi mo sinasabi sa akin?” naiinis na dagdag ni Hestia.Taas kilay nam
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 1
Huminga ng malalim si Hestia bago naglakad papasok sa venue ng blind date. Pagbukas pa lang ng pinto, naamoy na agad niya ang mamahaling kape at matamis na halimuyak ng mga pastry sa café. Sa bawat hakbang niya, parang may kasabay siyang boses sa loob ng utak—ang malupit na tinig ni Tiya Sabel.“Palamunin ka pa rin hanggang ngayon! Wala ka talagang kwenta! Kaya walang magpapakasal sa’yo, Hestia, dahil mahina ka at makupad mag-isip!”Napapikit siya sandali. Unti-unting namumuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata, pero agad din niya itong pinunasan. Sanay na siya sa masasakit na salita. Sanay na siyang saktan. Kaya nga siya narito ngayon—para makahanap ng bagong simula, para takasan ang mapang-abusong “pamilya” na pinilit niyang mahalin.Habang naglalakad, umuugong sa buong café ang matalim na tunog ng kanyang takong. Napapalingon ang ilan, marahil dahil sa postura at ayos niya. Bagama’t galing lang sa ukay-ukay ang suot niyang dilaw na bistida, dala niya ito na parang gawa sa mamah
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Trapped with My Ex's Brother-in-Law

Trapped with My Ex's Brother-in-Law

Gumuho ang mundo ni Kristine Montero nang malaman niyang nag-propose ang dating kasintahan niyang si Leo sa babaeng minsan niyang tinuring na kaibigan. Sa gitna ng sakit, galit, at pagkadurog ng tiwala, pinili niyang lunurin sa alak ang lahat ng alaala nila. Ngunit sa isang gabing puno ng kalasingan at luha, nagkamali siya ng nilapitan—at isang halik ang nag-ugnay sa kaniya sa lalaking hindi niya kailanman dapat pinatulan—Attorney Harvey Hilton, ang kilalang malamig, makapangyarihang abogado… at future brother-in-law ni Leo. Ang isang gabing akala niya’y panandaliang pagkalimot ay nauwi sa mas malalim na gulo. Kinaumagahan, bumagsak ang mundo ni Kristine nang malaman niyang ipinakulong ni Leo ang sariling ama sa kasong gawa-gawa. Sa desperasyon, napilitan siyang lumapit kay Harvey—ang tanging taong may kapangyarihang iligtas ang pamilya niya. Ngunit paano kung ang abogadong hiningan niya ng tulong ay siya ring lalaking minsan niyang hinalikan? Paano kung sa bawat pagkikita nila, mas lalo siyang nahuhulog kahit alam niyang sa pagitan nila, nakatali ang lihim, galit, at isang maselang ugnayang maaaring magwasak ng lahat?
Lire
Chapter: Kabanata 5
Mula simula hanggang sa huli, wala talagang kapangyarihan si Kristine para lumaban—katulad ng kung paano nawala ang relasyon nila noon ni Leo.Tinitigan niya ito, puno ng poot ang mga mata.Binitiwan siya ni Leo, sabay ngising-matulis. “Trying to hook up with Harvey? Seriously, Kristine? Do you even have what it takes?”Natahimik lang si Kristine, pinipigilan ang sarili.Ngunit nagpatuloy si Leo. “Lahat ng tao sa industriya alam kung gaano siya kapihikan. He doesn’t just sleep with anyone. At ikaw?” Napailing ito, may halong paghamak ang tono. “You’re so stiff you’d freeze to death if someone kissed you. Kaya mo bang tiisin kung may maghubad sa’yo?”Parang biglang lumabo ang paligid sa pandinig ni Kristine. Hindi niya gustong marinig ang mga salitang iyon lalo na mula sa lalaking minsang minahal niya nang buong puso.Hindi siya tumingin sa mukha ni Leo. Ibinaba niya lang ang mga mata, pilit pinapakalma ang boses.“This is my business. Hindi mo na dapat pinakikialaman.”Lumapit pa si L
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 4
Parang walang nangyari, nilapitan ni Harvey si Daniel at nakipagkamay. Kalma at walang kahit anong emosyon sa mukha nito.“Nice to see you again, Mr. Tan,” sabi niya, malamig ang tono. Ni hindi man lang lumingon kay Kristine.Tumango si Daniel, halatang honored na kinakausap siya ng isang kilalang abogado. “Same here, Attorney. It’s a pleasure.”Tahimik lang si Kristine sa gilid, pero ramdam niyang umiinit ang tainga niya sa hiya at inis. Para siyang invisible sa harap ng lahat. Ngunit kahit kunwari’y walang pakialam si Harvey, pansamantalang dumulas ang tingin nito sa kanya.Napabuntong-hininga si Bea at mahinang bulong sa kaibigan, “Girl, ito na siguro ang pagkakataon mo. Huwag mong palampasin.”Ngunit bago pa man makalapit si Kristine kay Harvey, biglang nagsalita si Leo, nakangiti pero halatang may halong panunuya.“Harvey, kilala mo pala si Kristine? What a small world.”Ngumiti si Harvey, bahagya lang, at malamig pa rin ang tono. “Nakita ko lang siya minsan sa firm. Nothing more
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 3
Napatigil si Kristine sa pagkakatayo nang makita si Harvey. Bahagya siyang namula at mabilis na inabot ang hawak niyang paper bag. “Ah, nandito ako para isauli ang coat ni Attorney Harvey,” mahina niyang sabi.Tahimik lang si Harvey habang tinitingnan siya. Matagal bago niya inabot ang kamay para kunin ang bag. “Salamat. Hindi mo na sana inabala ang sarili mo,” malamig niyang tugon.Matapos iyon, tumalikod siya at diretsong naglakad papunta sa elevator. Wala man lang dagdag na salita.Nagulat si Kristine sa lamig ng tono niya. “Sandali lang, Attorney Harvey,” habol niya habang nagmamadaling sumunod. “May gusto sana akong itanong.”Pinindot ni Harvey ang elevator button at walang lingon-lingon na nagsalita. “Wala akong oras ngayon, Miss Montero.”Pero hindi siya natinag. Nang bumukas ang pinto, sumabay pa rin siya sa loob ng elevator, hindi alintana kung nakakahiya man. Napatingin si Harvey sa kaniya nang patagilid, bahagyang tumaas ang kilay.Habang inaayos ang manggas ng kanyang polo
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 2
Pagkapasok pa lang ni Kristine sa bahay, agad niyang nakita si Tita Rica na nakaupo sa sofa, tulala, at halatang kaiiyak lang. Namumugto ang mga mata nito, at mahigpit ang pagkakahawak sa panyo.Napalunok si Kristine. “Tita Rica, anong nangyari? Nasaan si Papa?”Si Tita Rica ay ang pangalawang asawa ng kaniyang ama, si Mr. Lucas Montero. Sa tanong ni Kristine, biglang napaiyak muli ang ginang. Nanginginig ang boses nito habang nagsimula nang magsalita.“Kristine… si Leo! Anak ng—” Napahawak ito sa sentido, galit at lungkot ang halatang bumabalot sa kanya. “Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘yon! Walang utang na loob!”Napatigil si Kristine, unti-unting sumisikip ang dibdib. “Tita, ano pong ibig n’yong sabihin? Ano’ng ginawa ni Leo?”Mabilis na tumayo si Tita Rica, galit na galit. “Hindi mo ba alam?! ‘Yung lalaking ‘yon na pinagkatiwalaan ng tatay mo, na tinulungan n’yo noong bagsak ang negosyo niya—ngayon, siya mismo ang nagpaaresto sa tatay mo! Kristine, nasa detention center na!”Halos
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 1
Si Kristine Montero ay halos hindi na makakilos nang maayos sa sobrang kalasingan. Magdamag siyang umiinom sa bar, sinusubukang lunurin sa alak ang pait at galit na bumabalot sa kaniya nitong mga huling araw matapos siyang lokohin ng dating nobyo. Nag-propose si Leo sa ibang babae.Niloko siya. Nilapastangan ang tiwala niya. At ngayong gabi, habang abala si Leo sa pagpro-propose sa ibang babae—isang babaeng ipinakilala pa sa kaniya bilang kaibigan.Habang naglalakad siya palabas ng bar, medyo hilo at lutang, pumasok siya sa isang madilim na koridor. Ang ilaw ay mahina, at ang paligid ay maingay pa rin mula sa musika sa loob. Sa kalituhan niya, napagkamalan niyang ibang tao ang isang lalaki.Walang pasintabi, bigla niyang niyakap ang lalaki at hinalikan ito nang mariin. Halatang puno ng poot at kalungkutan ang bawat galaw.Sandaling natigilan ang lalaki, halatang nabigla. Ngunit nang maramdaman ang lambot ng mga labi niya, marahan itong tumugon. Ang halik ay naging mabagal, kontrolado
Dernière mise à jour: 2025-10-31
Vous vous intéresseriez aussi à
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status