Share

chapter 4

Author: Adev_Stories
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-28 17:27:18

DAMIEN 

Habang nakaupo ay napapahahimas ako sa labi ko dahil dama ko pa ang malambot at mainit na labi ni Elise.

“Mr. Greeco narito nakalagay ang lahat ng kasunduan kapag naikasal na kayo ng anak ko.”

Tiningna ko si Mr. Ronald Sarmiego at sa folder na narito sa lamesa, dinampot ko at saglit na binuklat. Narito rin ang personal kong attorney at inabot sa kanya dahil kopya ko ‘yon.

“Okay na ‘to pero may gusto akong idagdag tungkol sa kasal na magaganap.” Wika ko at natigilan si Mr. Ronald, nilingon ko si Cynthia na napatitig sa akin katabi ang ama niya.

“Kung ganun ano ba ang gusto mong idagdag?” Napaayos siya ng upo at seryosong diretsong tiningnan ako.

“Attorney Reyes, isulat mo itong sasabihin ko. Oras na ikasal kami ni Cynthia Sarmiego, malaya siya kung ano ang gagawin niya. Ang kasal namin ay tatagal lamang sa loob ng isang taon.” Huminto muna ako at mga nagkatinginan sila.

“You mean, hindi tayo magtatagal na magsasama bilang mag-asawa?” 

Nilingon ko si Cynthia at marahan akong tumango.

“Wala naman magbabago sa kasunduan tungkol lalo sa pagpapalakas ng ating negosyo o pangalan. Ngunit ako ang lalaki na hindi tumatagal sa isang babae, ngunit depende naman. Kung sakaling mahalin ko si Cynthia,” huminto muna ako at tiningnan si Cynthia. “Maaaring balewalain ko ang isang taong kontrata ng kasal namin.”

Natahimik sila at mga nagkakatitinginan, napahawak ako sa baba ko at pinagmamasdan ko sila. Nasa kanila ang desisyon dahil sa akin walang problema, kailangan nila ako at kailangan ko rin sila ngunit hindi sila kawalan kung sakali.

“Pumapayag kami, siguro naman magagawa ni Cynthia ang lahat para maipakitang mabuting asawa siya para naman hindi niyo na kailangan maghiwalay.” ngiting pagkakasabi ni Mr. Ronald.

“Cynthia,” lingon ko sa gilid ko dahil katabi ko siya.“Are you sure about this?” Tumingin siya sa akin.

“I already said yes, gagawin ko ang lahat Mr. Greeco.”

“Good to know.” Ngiti kong turan at tumayo ang ama niya at iniabot sa akin ang kamay niya.

“Your company will gain access to several of our international partnerships after the marriage. In return, our family will have a stronger position in the Asian market.”

Napatingin ako sa kanya at tumango lang matapos kong abutin ang kamay niya. Matapos ang pag-uusap ay lumabas na ako dahil uuwi na ako. Hindi ko kailangan magtagal pa naiwan sila sa loob magpamilya.

Habang pababa ako ng hagdan nakita ko si Elise parang nagmamadali siyang maglakad.

“Are you leaving now?”

Napalingon siya sa akin at napahinto ng makita niya ako, lumakad ako ng mabilis at lumapit sa kanya.

“Yes,” paiwas niyang sagot.

Tumango ako. “Good, gusto mo bang sumabay?” 

“Hindi na may kotse akong dala.” Sagot niya.

“Okay.” Tipid kong sagot dahil sinubukan ko lang baka sakaling gusto niya.

“Hindi ko alam kung bakit mo pa ako kinakausap ng ganito, dapat hindi na dahil baka mamaya ano pa ang isipin ng kapatid ko.” 

Hindi ko siya sinagot dahil sa labi niya ako nakatingin na para bang inaanyaya akong halikan ulit ‘yon.

“Paano ko gagawin ‘yon, Elise?” Mahina kong pagkakasabi ngunit nakita ko na bahagya siyang natigilan.

“Simple lang. Treat me like your future sister-in-law.”

Natawa ako nang mahina. “That's exactly the problem.” sabi ko.

“Anong problema?” nakataas ang kilay niya pero parang mas lalo pa siyang gumanda kahit tinatarayan ako.

“Hindi kita kayang tingnan bilang kapatid ng magiging asawa ko.” seryosong litanya ko at muli siyang natigilan at napaangat ang balikat.

“Forget I said that.” dagdag ko dahil hindi siya nakapagsalita.

“Damien!”

Napalingon ako si Cynthia, naroon si6a sa gitna na ng hagdan nakahito pero muling nagpatuloy sa pagbaba.

“I’m leaving.” 

Napalingon ako kay Elise balak ko pa sana siyang kausapin hindi ko na nagawa. Naramdam ko na lang ang paghawak ni Cynthia sa braso ko. Nakangiti siya, pero hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti.

“Aalis ka na ba?” malambing ang boses niya.

“Yes.” tipid kong sagot.

“Puwede ba akong sumabay? Ibaba mo nalang ako malapit doon sa shop ko, ituturo ko nalang.”

“Okay.” Tanging sagot ko lang at hindi niya inaalis ang kamay sa braso ko.

___

CYNTHIA 

Hindi ako tanga alam ko at nararamdaman kong kilala ni Elise at Damien ang isa’t isa. Hindi ko lang alam kung kailan sila nagkakilala pero siguro naman hindi pa alam ni Elise kung sino ang pakakasalan niya.

Habang nakasakay kami sa sasakyan, tahimik si Damien. Nakatingin siya sa labas ng bintana na para bang malalim ang iniisip niya.

Ilang minuto na akong nakatingin sa kanya at ganun rin ako may mga iniisip lalo na ‘yung dinagdag niya na isang taon lang ang itatagal ng marriage namin.

Pabor na sana sa akin pero gusto ko na si Damien ng makita ko siya hindi ako makapaniwala na siya ang pakakasalan ko kaya naman sobrang tuwa ko kahit malaki ang agwat ng edad namin. Dahil sobrang gwapo niya bilyonaryo na pa, mas lalo akong nasabik pero ng dumting si Elise may naramdaman ako at mukhang kaagaw ko si Elise kay Damien at yun ang hindi ko hahayaan na mangyari.

"You seem to be deep in thought, is there a problem?"

Napalingon siya sa akin at parang nagulat pa siya siguro akala niya siya lang ang mag-isa dito.

“Nothing. I’m sorry,” 

“It’s okay, sa company ba?” Curious kong tanong at ayoko mang isipin sana hindi si Elise ang inisip niya.

“Oo, busy ako sa mga susunod na araw. Darating ako sa engagement party,”

“Okay, huwag ka masiyadong mag-isip ayoko pang tumanda ka ng husto.” Pagbibiro ko at bahagya siyang ngumiti.

Kahit yun lang ay nasiyahan ang puso ko, pangako Damien mamahalin mo ako at makakalimutan mo si Elise.

“Damien, may gusto lang akong itanong.” Nilingon niya ako at nilaksan ko ang loob ko dahil gusto ko talagang malaman.

“What?” Kunot noo niyang tanong.

“Nagkakilala na ba kayo ni Elise, kasi parang kilala niyo na ang isa’t isa.” Tanong ko at napansin ko na natigilan siya.

“Kanina lang.” Tipid niyang sagot.

“Okay,” kaswal kong sagot.

Muli niyang ibinalik ang atensyon sa bintana, alam ko namang nagsisinungaling siya iba ang nakikita ko kanina pero hindi ko na siya kukulitin.

“Siya nga pala yung sinabi mo na puwedeng mabago kung sakaling magustuhan mo na rin ako?” Muli kong sabi.

“What I said earlier is all true.” Sabi niya na hindi lumilingon sa akin.

“Kung ganun susubukan kong gawin ang lahat para magustuhan mo ako, dahil gusto na kita Damien.”

Totoo sa loob kong sabi at bahagya niya akong nilingon, hindi man siya sumagot hindi naman niya ako pinigilan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Unforgettable Night To More Round    chapter 4

    DAMIEN Habang nakaupo ay napapahahimas ako sa labi ko dahil dama ko pa ang malambot at mainit na labi ni Elise.“Mr. Greeco narito nakalagay ang lahat ng kasunduan kapag naikasal na kayo ng anak ko.”Tiningna ko si Mr. Ronald Sarmiego at sa folder na narito sa lamesa, dinampot ko at saglit na binuklat. Narito rin ang personal kong attorney at inabot sa kanya dahil kopya ko ‘yon.“Okay na ‘to pero may gusto akong idagdag tungkol sa kasal na magaganap.” Wika ko at natigilan si Mr. Ronald, nilingon ko si Cynthia na napatitig sa akin katabi ang ama niya.“Kung ganun ano ba ang gusto mong idagdag?” Napaayos siya ng upo at seryosong diretsong tiningnan ako.“Attorney Reyes, isulat mo itong sasabihin ko. Oras na ikasal kami ni Cynthia Sarmiego, malaya siya kung ano ang gagawin niya. Ang kasal namin ay tatagal lamang sa loob ng isang taon.” Huminto muna ako at mga nagkatinginan sila.“You mean, hindi tayo magtatagal na magsasama bilang mag-asawa?” Nilingon ko si Cynthia at marahan akong tum

  • Unforgettable Night To More Round    chapter 3

    ELISEThree days na ang lumipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang isang mainit na gabi sa isang lalaki na hindi ko kilala at sa tingin ko mas matanda siya sa akin. Pero putang*na ang sarap niya.Paano ko ba makakalimutan yun kung paano niya ako inangkin ng sagad na ngayon ko lang naramdaman at feeling ko ng oras na yon para akong nabirginan ulit. Grabe parang hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang bawat pagbayo niya sa akin.Lalo na kung paano niya kinain at hinimod ang kabasaan ko. Shit! Makikita ko pa kaya siya? Sa tingin ko ay nasa thirty plus na siya pero sobrang gwapo at hot niya at yung katawan niya. Natigilan ako sa tattoo na nakita ko sa tagiliran niya yung nagtatalik kami parang nakita ko na yun, isa pa parang pamilyar rin siya hindi ko alam.Naputol ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko si dad, ayoko sana sagutin pero parang may nagtutulak sa akin na sagutin.“Don’t forget the dinner, kasama natin si Mr. Greeco ang mapapangasawa ng kapatid mo, sana magpunta ka bila

  • Unforgettable Night To More Round    chapter 2

    ELISEYung halik na daha-dahan ay naging mapaghanap, kumalat agad ang init sa buong katawan ko. F**k ang sarap niyang humalik.Naramdaman ko ang dahan-dahan na paghimas paakyat ng kamay niya sa hita ko papunta sa pang-upo ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at napapaliyad ako at pakiramdam ko may lagnat ako dahil sa init na nararamdaman ko.Ang isang kamay niya ay pumasok na sa loob ng dress ko at hinimas ang hiwa ko.“Ah!” kumawala sa bibig ko pero muli niyang sinakop ang labi ko.“You’re wet.” Mahina niyang bulongTumango ako at dahan-dahan niyang tinaas ang dress ko at sumunod ay ibinaba ang manipis kong panty at inalis niya. Ibinulsa niya hindi ko ‘yun inaasahan.Muling lumapat ang labi niya sa labi ko na para bang uhaw na uhaw, naramdaman ko nalang na nasa hiyas ko na ang daliri niya at napapikit ako ng ipasok niya ang makapal at mahaba niyang daliri sa loob ko. Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi ko na mas nakadagdag init sa nararamdaman ko.“Ah!” Mahina dahil pigil at baka

  • Unforgettable Night To More Round    chapter 1

    ELISE“Dad sinabi ko na sa’yo ayoko pang magpakasal gusto ko pang i-enjoy ang buhay ko!” Badtrip kong sagot at nakita ko sa mukha ng ama ko ang stress.Sabay bukas ng pinto, napataas ang kilay ko ng pumasok ang prinsesa at reyna. Ang kapatid ko sa ama si Cynthia at mama nito na gumanda na dahil sa pera ng ama ko, si Rosalie.Parehong nakangiti ang dalawa at agad na nilapitan ni Rosalie si daddy at tumabi kung saan nakaupo si dad. Nandito kami sa opisina niya pinatawag ako kanina akala ko kung ano ‘yun naman pala ipapakasal ako sa kung sino mang ka-business partner niya mamaya mga matatanda pa ‘yon.“Roland, hayaan mo na kung ayaw ni Elise.” I rolled my eyes dahil sa sinabi Rosalie, simula noon ay ganito na siya feeling angel kaya kahit legal na siyang asawa ni daddy hindi ko pa rin siya tanggap. Matanda naman ako ng tatlong taon kay Cynthia pero parang feeling ate siya sa akin. Twenty five na ako samantalang twenty two naman siya, pero dama ko na mas pabor si Rosalie syempre anak niy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status