Share

Unforgettable One Hot Night
Unforgettable One Hot Night
Author: febbyflame

KABANATA 1: The Bachelor Party

|¦ Celeste ¦|

“Huwag kang gagawa ng kapalpakan, Celeste. Bago ka pa lang kaya kailangan kitang sabihan dahil puro mayayamang lalaki ang mga kliyente natin ngayon!” paulit-ulit na paalala sa akin ni Madam Mirna. “Sasayaw ka lang, aakitin mo sila at wala kang ibang gagawin, kung sabihin man nilang maghubad ka. Huwag ka ring sasama sa kanila kung gusto ka nilang i-take out. Maliwanag ba, Celeste?”

“O—Opo, naiintindihan ko.”

Napatitig na lamang ako sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Halos kitang-kita na ang naseselang bahagi ng parte ng katawan ko sa ayos ng pananamit ko. Wala naman akong magagawa dahil kailangan ko ng pera para sa operasyon ni Mama.

Mayroon siyang sakit sa puso, lumalaki ito at palala na ng palala kaya kailangan na niya ng heart transplant. Hindi ko na maatim pa na nakikita siyang nahihirapan dahil sa sakit niya. Kaya heto at tinanggap ko ang trabahong ʼto kahit pa kalahati ng pagkatao ko ang masisira.

Ngayong gabi, isa ako sa mga babaeng binayaran para sumayaw sa isang Bachelor Party ng mga mayayaman at kilalang tao.

“Celeste, tara na. Naroon na raw ang van na sasakyan natin.” sambit ni Jovy.

Si Jovy ang nagpasok sa akin sa trabahong 'to. Nakilala ko siya noong unang beses pa lang na paglipat namin sa Valencia. Dati kasi kaming sa Manila nakatira, noong mayaman pa kami pero nang mamatay si Daddy ay kasama na nitong nawala ang yaman ng pamilya namin.

Hindi na ako nakapagtapos pa ng pag-aaral dahil mas inuna ko kaagad ang magtrabaho para may pangbayad kami sa inuupahang bahay at pangbili sa mga pangangailangan namin.

“Jovy, tiba-tiba ka na naman mamaya! Nandoon daw ang bagong Mayor ng Valencia!” sambit ng isa naming kasama.

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng van at hindi ko mawari ang pakiramdam ko. Alam kong kinakabahan ako, at kasabay nito ang panlalamig ko. This is my first time doing this at hindi ko alam kung kaya ko ba talaga.

“Kaya nga super pinaghandaan ko ang gabing ʼto.” tila ba kinikilig na tugon ni Jovy.

Bilib din ako sa kanila. Masaya sila sa kabila ng trabaho nila. Sana ay kayanin ko rin. Siguro ay magdamag ko na lang iisipin si Mama hanggang sa matapos ang trabahong ʼto.

“Uy, ikaw, Celeste. Ayos ka lang ba?” bulong ni Jovy sa akin.

“K—Kabado lang ako ng kaunti.”

“Sa umpisa lang 'yan masasanay ka rin. At isa pa mas malaki ang kikitain mong pera kapag mayroong nag take out sa 'yo.”

Napakunot ako ng noo. “Take out? Ang sabi ni Madam Mirna, ay bawal akong sumama kung sakaling alukin ako na i-take out.”

“Sabi niya lang 'yon, kasi ayaw niyang malamangan siya sa pera. Pero kami kasi ay talagang sanay na. Minsan sa isang araw nag-uuwi ako ng fourty to sixty thousand, wala pa doon ang TF ko na galing kay Madam. Hoy, kayo magkano nauuwi niyo kapag pumayag kayong i-take out?”

“Twenty to fifty thousand! Ipinapadala ko sa probinsya.”

“Minsan, twenty to twenty-five thousand kadalasan naman ay nasa ten thousand lang.”

“Thirty to eighty here! Malaki ng kaunti sa kanila, target ko kasi mga business man na lantoy na ang manoy!”

Malakas na tawanan ang namayani mula sa mga kasama ko at pati na rin ako ay hindi ko na naiwasan pa. Ganoʼn kalaki ang mga ibinabayad sa kanila kapag sumama sa customer? Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko ko dahil sa kaba. Kaya ko rin ba ʼyon?

“Ano bang ginagawa roon?”

Nakatinginan silang lahat, tipong para bang nag-uusap ang mga mata nila.

“Celeste, ang perang ibinabayad sa amin kapalit ay sex. Kaya nasa sa 'yo pa rin ang desisyon. Pero tantiya ko ay kaya ka nilang bayaran kahit na sa five hundred thousand. Grabe ang kinis ng balat mo, bata ka pa at ang ganda mo pa! Pero depende ʼyan sa yaman ng lalaking mag-uuwi sa ʼyo!” hirit ni Jovy at saka tumango ang mga kasama namin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sinabi ni Jovy. Kailangan ko ng pera para sa operasyon ni Mama at nasa isang milyon ang halaga noʼn. Kung kaya ko talagang kitain ito sa isang gabi lang ay papayag ako. At least hindi ako magtitiis habang buhay sa ganitong trabaho, at hindi na rin mahihirapan pa si Mama.

Pero wala pa akong karanasan. Mukhang kailangan ko pa ring subukan.

Nakarating kami kaagad sa isang hotel venue. Handa na ang AV team, kung saan sila ang siyang magpo-provide ng music and lights. Kasama na rin namin ang dalawang guwardya, ngunit nanatili lamang ito sa labas ng hotel.

“Celeste, siguraduhin mong mayaman ang makakapag-uwi sa ʼyo. Ayos lang ang may sabit basta may kuwarta.” bulong ni Jovy sa akin bago kami tuluyang makapasok sa loob.

Napalunok ako. Kung ganoʼn okay lang kahit may pamilya na? Parang hindi ko yata kaya manira ng may pamilya at ni sa panaginip hindi ko naisip na maging kabet. Ngunit, wala rin naman ito sa isip ko— ang pagiging stripper.

Pagpasok namin sa loob ay kaagad kaming pumwesto sa gitna. Ang mga lalaki ay nakaupo sa sofa at may takip na piring sa kanilang mga mata. Dahil nasa harapan ako ay doble-doble ang kabang nararamdaman ko.

Nagsimula na ang malumanay na musika at tinanggal na ng mga kalalakihan ang mga suot nilang blind fold. Nagulat ako nang magsigawan ang mga ito. Nakita ko ang nakaputing lalaki, siya lang namumukod tanging nakaputi. Maybe he was the groom, at dapat ko siyang iwasan.

“This is gonna be the best bachelor party ever!” sigaw naman ng isa.

“Wooooh! Tangʼna pare panalo!” sigaw naman ng isa.

Nanguna si Jovy na lumapit sa mga ito at talagang tinarget nito ang lalaking naunang tumayo. Sumayaw ito sa kandungan ng lalaki habang ako ay sumasayaw naman sa gitna. Hindi ko maiwasang hindi sila tingnan at sa bawat pagtingin ko ay alam kong katawan ko ang kanilang tinititigan.

Ang lalaking isa sa sumigaw kanina ay nag-umpisang lumapit sa akin ganoʼn din ang iba pang mga lalaki sa mga kasama ko at sumasabay sa musika. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Natatakot ako, pero kailangan kong lakasan ang loob ko para kay Mama.

“Hey, Babe. Youʼre so fucking hot!” sambit ng lalaki.

Dito ko napansin ang kulay pula nitong buhok. Hindi ako nagsalita at sa bawat paglapit nito sa akin ay siya namang paglayo ko. Ayokong madikit sa kaniya, parang hindi ko kaya. Halatang babaero ang lalaking ito at ang tanging gusto ay puro saya, kailangan kong makalayo sa kaniya.

Napasulyap ako sa sofa, naroon pa rin ang groom. Nakatitig siya sa akin na para bang kinakabisado ang bawat parte ng katawan ko, but it seems like na wala siyang interes sa amin. Nakaupo lamang ito habang umiinom ng alak. Hindi siya mukhang babaero, because heʼs getting married right? Hindi ko alam kung bakit pero kusang gumalaw ang mga paa ko patungo sa kaniya at kumandong sa kaniyang hita.

Nakita ko pa ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

“Hanep ka, Idris! Iba talaga ang karisma mo pagdating sa babae! Ikaw pala ang gusto! But this is your last night, Bud!” sambit ng lalaking nilayuan ko.

Sumulyap si Jovy sa akin at pinalakihan ako ng mga mata. Marahil ay dismiyado siya sa ginawa ko. Kaagad naman na may pumalit sa akin sa lalaking nakatayo.

Nagulat pa ako nang biglang hawakan ng lalaki ang balakang ko kaya napapitlag ako at napatayo. Kumunot ang noo ng lalaki, kaya mabilis akong yumuko.

“S—Sorry po.” sambit ko saka dahan-dahan na muling umupo sa kandungan niya.

“Youʼre so fucking hot. Alam mo ba kung anong ginagawa mo sa ʼkin?”

“P—Pasensya po talaga, hindi ko po kasi inaasahan na hahawakan niyo ʼko.”

“So, wala pang lalaking humahawak sa ʼyo?” kunot-noo nitong tanong.

Tumingin ako kay Jovy at nakita ko ang pagkindat nito. Siguro ay nais niyang ipagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa lalaking ito. Mayaman kaya siya? Matutulungan niya kaya ako sa problema ko?

Hindi naman ako nakapagsalita nang bigla ako nitong halikan. Hindi ako makagalaw. Nalasahan ko ang alak sa kaniyang dila at unti-unti kong naramdaman ang paghawak niya sa aking tiyan.

Kusa naman itong tumigil sa paghalik sa akin at nakakunot ang noo nito na para bang nagtataka. Marahil nagtataka siya kung bakit hindi ako tumugon sa halik niya. Eh, sa hindi ko alam kung paano!

Nakakahiya!

Mabilis akong tumayo at lumabas ng hotel room. Nagpaalam ako sa bantay namin na hihinga lang ako saglit at saktong nakita ko ang veranda. Nagtungo ako roon at tinanggal ang suot kong maskara na siyang tumatakip sa kalahati ng mukha ko mula sa mata hanggang sa ilong.

Nang humarap ako ay nakita ko ang lalaking humalik sa akin. Ngunit hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa masyadong madilim sa puwesto namin. Ibabalik ko na sana ang maskara ko ngunit mabilis ako nitong pinigilan at inagaw ang maskara mula sa mga kamay ko.

“Is this all about money?” tanong pa nito.

Napayuko ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Para akong maiiyak sa takot at sa ginagawa ko. Pero tama naman siya, pera ang dahilan— kailangan ko ng pera.

Tumango ako. “O—Opo, kaya sa ʼkin na po ʼyang maskara ko. Babalik na po ako sa loob dahil baka mapagalitan pa po ako.” iniabot naman nito sa akin ang maskara.

“Pare-pareho lang talaga kayong mga babae.” rinig ko pang bulong nito. Magsasalita pa sana ako ngunit kaagad itong nagpatuloy. “How much your one night? Name your price habang nasa mood pa ako.”

Hindi ko malaman kung dapat ba akong mabastusan o kung dapat ba akong matuwa. Name my price? Kaya niya kaya ang halagang kailangan ko?

“Isang gabi, kapalit ng perang kailangan ko? S—Seryoso ka po ba? Kasi. . . Kasi kung, oo ay hindi na ako tatanggi pa. Isang gabi sa halagang. . .” parang may nagtatambol sa pandinig ko. “. . . sa h—halagang dalawampung milyon.” sabay napalunok ako.

Narinig ko ang mahinang pagngisi ng lalaki saka ito nakapamulsa at hinimas ang kaniyang baba habang umiiling.

“You donʼt know me didnʼt you?” tanong nito. “Nevermind, after all you named your price. Now, I want you tonight, I want you to pleasure me.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status