Home / Romance / Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+) / CHAPTER 143: Pagkasawi

Share

CHAPTER 143: Pagkasawi

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-18 10:31:47

Umalingawngaw sa buong paligid ang nakakabinging tunog ng sirena ng ambulansiya at mga sasakyan ng pulisya. Sa gitna ng malamig at madilim na gabi, tila ba lalo lamang naging magulo ang eksena.

Sunod-sunod na bumaba ang mga medic habang mabilis na naglalabas ng stretcher. Kumislap ang pula at bughaw na ilaw ng mga sasakyan, nagbibigay-liwanag sa wasak na kotse at nagkalat na mga piraso ng salamin sa kalsada.

“Ano pong nangyari rito?” agad na tanong ng isang pulis kay Estella habang sinusuri ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Helina Tenerife
Update naman
goodnovel comment avatar
Roselyn joy Dequino
ano ba yan wala na
goodnovel comment avatar
Helina Tenerife
Pataposin m naman autor
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 147: Simula na ng paniningil

    “Unahin mo si Veronica!”Halos mapunit ang lalamunan ni Estella sa pagsigaw habang nanginginig itong nakaluhod sa gitna ng bulwagan.“Siniraan ka niya sa akin!” mabilis nitong dagdag habang nakaturo kay Veronica. “Siya ang unahin mo!”“Ako agad?!” gulat at galit na sigaw ni Veronica. “Tita, ikaw kaya ang may sabi sa akin na ayaw mo kay Chantal!”Napapikit ako sandali habang pilit pinipigilan ang pagragasa ng emosyon sa dibdib ko.Sa kabila ng sitwasyon nila ngayon…Nagawa pa rin nilang magtaksilan.Nagawa pa rin nilang magsisihan.Nakakatawa.Pero higit sa lahat—Nakakadiri.Unti-unting bumalik sa isip ko ang mukha ng pamilya ko.Ang mga ngiti nila.Ang masasayang alaala naming magkakasama.At kung paano iyon nawala sa isang iglap dahil sa pamilyang nasa harapan ko ngayon.Sila ang dahilan kung bakit ako naulila.Sila ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko.At ngayon?Nagtuturuan sila na parang mga asong takot mamatay.“Veronica…”Agad siyang napatingin sa akin nang tawagin ko siy

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 146: Sino ang mauuna?

    “Sino ang gusto ninyong mauna?”Mabagal kong iniangat ang latigo bago ko iyon malakas na inihampas sa sahig.PAAAK!Umalingawngaw sa buong bulwagan ang matinis na lagitik niyon. Para iyong matalim na tunog ng paghuhukom na lalong nagpalamig sa paligid.Napapikit sa takot sina Veronica at Estella, habang si Ramon naman ay halos hindi na makatingin nang diretso sa akin.Samantalang si Jansen…Nakatitig lamang sa hawak kong latigo.Kitang-kita ko kung paano siya napalunok nang mariin.Takot.Sa wakas, natutunan din nilang matakot.“Sige lang, Chantal,” kampanteng sabi ni Lolo George habang marahang umuupo sa isang sofa kasama si Jeremiah. “Dito lang kami. Sabihin mo lang kung may kailangan ka.”Ngumiti pa ang matanda na para bang isang palabas lamang ang lahat ng nangyayari.Ngunit para sa akin—Ito ang simula ng pagbabayad nila.Nanlaki ang mga mata ni Jansen habang nakatitig sa pamalong hawak ko.Ang mahabang latigong iyon ay hindi pa man dumadampi sa kanila, ngunit sapat na para mangi

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 145: Walang lugar ang awa

    “Ang kakapal ng mga mukha ninyo!”Halos mapunit ang lalamunan ko sa lakas ng sigaw habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.“Pinaniwala ninyo akong kayo ang nagligtas sa akin! Na may utang na loob ako sa inyo!” nanginginig kong sigaw habang nakaturo sa pamilya ni Jansen. “Ginamit ninyo ang aksidente para mabitag ako! Ibinigay ko sa inyo ang lahat—pera, tiwala, tulong, respeto—dahil akala ko, utang ko sa inyo ang buhay ko!”Napasinghap ang ilang taong naiwan pa sa bulwagan habang nanginginig ako sa galit.“Tapos ngayon…” halos mawalan ako ng boses sa sobrang hinanakit, “malalaman kong kayo pala ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya ko?!”Tahimik ang buong paligid.Walang ni isa mang nagtangkang magsalita.“Mga hayop kayo…” bulong ko habang tumutulo ang luha sa aking mukha. “Wala kayong awa…”“Chantal… Chantal, makinig ka…” umiiyak na sabi ni Estella habang paluhod na lumapit sa akin.Lumuhod siya sa harapan ko at mahigpit na yumakap sa aking mga binti na para ban

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 144: Sinira niyo ang buhay ko!

    “AB Negative ako!”Mabilis na lumapit si Jansen sa nurse nang magulo na ang buong paligid sa labas ng operating room. Halos magkapatong-patong ang mga boses ng mga doktor at nurse habang desperadong naghahanap ng dugong maaaring isalin sa akin.“Nauubusan na tayo ng compatible blood!” sigaw ng isa sa mga doktor.“Critical na ang pasyente!”Hindi na nagdalawang-isip si Jansen. Nanginginig man ang kanyang katawan dahil sa kaba, matatag pa rin ang kanyang tinig.“AB Negative ang blood type ko!” mabilis niyang sabi sa nurse. “Pwede akong mag-donate!”Natigilan ang nurse at agad siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.“Sigurado ka ba?”“Oo!” madiin niyang sagot. “At kung kailangan niya ng donor para sa atay… handa akong magpa-test ngayon din!”Sandaling natahimik ang nurse sa narinig. Maging ang ilang doktor ay napalingon sa kanya.“Malaki ang posibilidad na hindi ka pumasa sa compatibility test,” paliwanag nito. “At delikado rin ang proseso—”“Wala akong pakialam!” putol ni Jansen. “Basta

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 143: Pagkasawi

    Umalingawngaw sa buong paligid ang nakakabinging tunog ng sirena ng ambulansiya at mga sasakyan ng pulisya. Sa gitna ng malamig at madilim na gabi, tila ba lalo lamang naging magulo ang eksena.Sunod-sunod na bumaba ang mga medic habang mabilis na naglalabas ng stretcher. Kumislap ang pula at bughaw na ilaw ng mga sasakyan, nagbibigay-liwanag sa wasak na kotse at nagkalat na mga piraso ng salamin sa kalsada.“Ano pong nangyari rito?” agad na tanong ng isang pulis kay Estella habang sinusuri ang paligid.Mabilis na nagpanggap na balisa si Estella. Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay habang kunwari’y hirap magsalita.“Naku, officer…” nanginginig niyang sambit. “Naglalakad lang po kami ng anak ko rito nang makita naming bumangga ang sasakyang iyon. Mukhang nawalan po sila ng kontrol… Nag alala po kami, kaya medyo nakiusyoso kami sanangyari.”Nagkunwari pa siyang natatakot habang tumitingin sa duguang sasakyan.“Nakita naming may mga tao pa sa loob kaya agad kaming tumawag ng ambulansiy

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 142: Ang katotohanan ng aksidente

    “BINILI namin ito ng tatay mo para magamit sa pagtitinda. Maganda ba?”Masayang tinig iyon ni Estella habang ipinapakita kay Jansen ang kanilang bagong rolling store. Lumang sasakyan lamang iyon na halatang pinaglumaan na ng panahon—kupas ang pintura, may kalawang sa ilang bahagi, at wala pang plaka dahil hindi pa rehistrado. Ngunit sa mga mata nilang mag-anak, tila isa iyong malaking hakbang patungo sa pangarap nilang umasenso.“Ayos na ayos ito, Ma!” nakangiting sagot ni Jansen habang hinihimas ang manibela. “Nakakapagod na rin magtrabaho sa kumpanya. Araw-araw na lang akong binubully ng mga katrabaho ko. Puro utusero at utusera ang mga tao roon.”“Hayaan mo na sila,” ani Ramon habang tinatapik ang balikat ng anak. “Kapag naging maayos ang negosyo natin, hindi mo na kailangang magpaalipin sa iba.”Nagliwanag ang mukha ni Jansen.“Gusto mo bang subukang magmaneho, anak?” tanong ni Ramon.Bahagyang nag-alangan si Jansen.“Pa… wala pa akong lisensiya.”“Gabi na naman,” sagot ni Ramon h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status