NADATNAN ko si Roman na nakaupo sa harap ng bar counter, tahimik na umiinom ng alak. Rinig ko ang bawat lagok na kanyang ginagawa.
Agad ko siyang nilapitan.
“Roman...”
Mabibigat ang bawat hakbang ko habang papalapit sa kanya. Ilang oras na akong balisa sa paghahanap kay Chantal, at kahit alam kong ligtas na siya, hindi pa rin lubusang nawawala ang kaba sa dibdib ko hangga't hindi ko siya nakikita nang personal.
Ang bawat hakbang ko, ay may dalang bigat na parang dagundong sa sahig. Tumutunog an