POV: Chantal
Pumunta ako sa opisina ng J & C para kunin ang aking ibang gamit.
Naka mask ako, at nakashade.
Habang naglalakad, nakatingin sa akin ang lahat, na tila ba nakakita sila ng multo.
"Si Madam ba yan?"
"Bakit sabi ni Veronica nasira daw ang mukha niyan sa kulungan."
"Hala, baka nga totoo iyon. Tagong tago siya ngayon."
"Kawawa naman si Madam, maganda pa naman siya noon."
Kumunot ang aking noo sa aking mga naririnig. Anong sinasabi nilang nasira ang mukha ko? Adik ba si Veronica upang m