Se connecterNakasimangot si Veronica habang halatang naiirita sa nangyayari. Samantalang ang mga kaibigan niya naman ay tila hindi mapakali, palinga-linga at nagkakatinginan na para bang hindi alam kung tutulungan ba siya o iiwan na lang.Ngunit doon, lahat ng kasangkot sa isang insidente ay hindi hinahayaang basta na lang lumabas.Ako naman?Tahimik lang ako na nakatayo sa gilid habang pinapanood ang unti-unti niyang pagbagsak.Nakakatuwa rin pala minsan ang karma.Biglang ipinasok ng guard ang kamay nito sa loob ng mamahaling handbag ni Veronica.At makalipas lamang ang ilang segundo—Dahan-dahan niyang inilabas ang isang diamond ring.Nanlaki agad ang mga mata ng lahat.Maging ang sales assistants ay natigilan.Tahimik na napatingin ang buong store kay Veronica.“No… no! Hindi akin ‘yan!” agad niyang sigaw habang napapailing. “Hindi ko ‘yan kinuha!”“Ma’am…” alanganing sabi ng guard, “nakita po ito sa loob ng bag ninyo.”“No! Impossible!” halos pasigaw na niyang sabi habang nanginginig ang bos
“Ang tagal mo naman…” bungad agad ni Jeremiah nang makapasok ako sa loob ng sasakyan.Napailing ako habang inaayos ang laylayan ng suot kong palda bago tuluyang umupo sa tabi niya.“Ang hirap kayang tumakas sa mga mata nila,” sagot ko habang napapabuntong-hininga. “Parang gusto na nilang malaman buong buhay ko.”Mahina siyang natawa.Ngunit bago ko pa tuluyang maayos ang pagkakaupo ko—Bigla niyang hinatak ang batok ko palapit sa kanya.At walang babala…Muli niyang siniil ang labi ko ng mainit na halik.Nanlaki agad ang mga mata ko habang napahawak sa dibdib niya.“Jeremiah—!”Ngunit tila lalo pa siyang natuwa sa reaksyon ko. Marahan niya akong binitawan habang nakangiti.“Para ‘yon sa reply mong ‘K’,” may pagtatampong sabi niya.Napakurap ako.“Ha?”“Napaka-cold mo kasi magreply.” Umakto pa siyang nasasaktan. “‘K’? ‘Yon lang?”Hindi ko napigilang matawa.“Nakakahiya kay Harisson…” pabulong kong sabi nang mapansin kong pilit na pinipigilan ng driver niya ang pagngiti.Ngunit parang w
"Sino ‘yon?” tanong ni Marie habang pabagsak na umupo sa kanyang mesa. Halata pa rin sa mukha niya ang matinding curiosity matapos ang rebelasyon ko kanina.“Si Ma’am Lucille,” sagot ng isa naming katrabaho habang inaayos ang mga dokumento sa kamay niya. “Nasa ospital daw siya ngayon. Nakidnap yata tapos tumalon daw mula sa building para makatakas.”“Ano?!” gulat na sambit ni Rodolf. “Grabe naman ‘yon…”“Eh sino naman ‘yong sinasabi ninyong mapapangasawa niya?” tanong pa niya habang nakasandal sa upuan.“Si Sir Jeremiah siyempre,” mabilis na sagot ng babae. “Hindi ba’t balita noon na ikakasal sila ni Ma’am Lucille?”“Hindi no!” mariing kontra agad ni Marie. “Fake news lang ‘yon.”Napalingon ang lahat sa kanya.“Oh? Talaga?” tanong ng isa.“Oo,” taas-noong sagot ni Marie habang palihim akong nililingon. “May ibang mahal si Sir kaya tigilan niyo na ang pagdikit ng pangalan niya kay Ma’am Lucille… este, kay Lucille. Wala na rin naman siya rito.”Mabilis kong hinawakan ang braso ni Marie
"Nakita nila tayo…” nag-aalala kong bulong habang napapahawak sa noo ko. Pakiramdam ko ay gusto ko nang matunaw sa sobrang hiya. “Paano ko naman ipapaliwanag ‘yon sa dalawang ‘yon?”“Baby…” muli akong niyakap ni Jeremiah mula sa likuran. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. “Okay lang na malaman nila.”“Okay lang? Jeremiah, nakita nila tayong naglalambingan!”Mahina siyang natawa habang mas lalo akong kinukulong sa kanyang mga bisig.“Aminin mo man o hindi,” bulong niya sa aking tenga, “malalaman din naman nila eventually. Isa pa…” marahan niyang hinaplos ang braso ko, “mahal kita, mahal mo ako… nagmamahalan tayo. Wala naman tayong ginagawang masama.”Napabuntong-hininga ako.Bakit ba ganito si Jeremiah kapag kaming dalawa lang?Kapag nasa meeting, malamig siya, seryoso, at halos walang emosyon. Iyong tipong kahit simpleng ngiti, bihirang makita sa kanya. Kapag kaharap niya ang ibang tao, parang napakahirap niyang lapitan.Pero kapag ako lang kasama niya…Para siyang ibang tao.Mal
“I’ve got an invitation from your company, J & C Corporation…” mahinang sabi ni Jeremiah habang inaabot sa akin ang isang mamahaling invitation card. “May welcome party raw sila para sa mga bagong investors, at ang SUMMIT ang magiging main guest.”Bahagya akong napangiti habang tinatanggap iyon mula sa kanya. Maingat kong binuksan ang sobre at pinagmasdan ang eleganteng disenyo nito.“Hmm… maganda ‘to ah. Hindi pa natin ‘to nagagawa noon,” sabi ko habang binabasa ang laman.“Because we’re professionals,” natatawa niyang sagot. “Sanay tayo na tahimik lang ang transactions at meetings. Private. Pero sila, gusto nilang ipakilala nang bongga ang partnership.”Tumayo siya mula sa swivel chair niya at mabagal na lumapit sa likod ko. Ramdam ko agad ang init ng kanyang presensya bago pa man niya ako yakapin mula sa likuran. Marahan niyang ipinatong ang baba niya sa aking balikat habang mas lalong humigpit ang kanyang mga bisig sa bewang ko.“Pupunta ba tayo?” bulong niya sa tabi ng aking teng
“IKUKUWENTO mo na ba sa akin ang lahat?” mahina kong tanong kay Jeremiah habang magkatabi kaming nakahiga sa kama, balot ng makapal na kumot ang aming mga katawan. Tahimik ang paligid, at tanging mahinang tunog lamang ng aircon ang maririnig sa buong silid. Ngunit kahit ganoon, tila mas malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.Kanina pa umiikot sa isip ko ang tanong na iyon.Hindi ko maipaliwanag, ngunit sa bawat titig niya sa akin, sa bawat haplos ng kanyang kamay, pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala. Parang may bahagi ng buhay ko na matagal nang konektado sa kanya, kahit hindi ko maalala kung kailan nagsimula.Huminga siya nang malalim bago marahang hinaplos ang buhok ko. Nakatingin siya sa kisame habang tila binabalikan ang isang alaala.“Naaksidente ako sampung taon na ang nakakaraan,” mababa niyang saad.Napatingin ako sa kanya nang seryoso.“Yung sasakyang sinasakyan ko, tumaob sa gitna ng kalsada. Basag ang salamin, duguan ako, at hindi na makagalaw nang maayos.”Sagli







