ANMELDEN"At ngayon..." sigaw ng host habang pinupunasan ang luha sa kakatawa, "oras na para piliin ang mananalo!"Naghiyawan ang buong venue. Ang sampung kalalakihan ay pumila sa harapan na para bang mga kandidato sa isang beauty pageant."Mga bisita, simple lang ang judging natin! Kapag tinawag ko ang pangalan ng bet ninyo, palakpakan ninyo nang malakas!"Agad na umalingawngaw ang sigawan. May mga nagsimulang mang-asar sa kanilang mga kaibigan. May ilan pang nagsisigawang parang nasa concert."Unahin natin si Dok Papaitan!"Pumalakpak ang crowd.Malakas.Pero hindi ganoon kalakas."Si Sir Bicol Express!"Mas lumakas ang palakpakan."Si Dok Ginisang Ampalaya!"May sumigaw pa ng "Mahal kita, Dok!"Lalo namang nagtawanan ang lahat.Isa-isa silang tinawag.At nang marating ng host si Ephraim, parang may sumabog na bomba sa venue."At para kay Sir Hotdog!"BOOOOOM!Palakpakan.Tilian.Sigawan.May ilang babae pang tumayo sa kanilang upuan."Single pa yan!""Sa akin na yan!""Anakan mo naman ako!"
"Tinatawagan po ang lahat ng kalalakihan na magtungo sa unahan!"Malakas at masiglang anunsyo ng host."Iyon lang pong mga binata! Inuulit ko, mga binata! Hindi binabinata, hindi binata noon pero may tatlo nang anak ngayon, hindi rin iyong nakikipaghiwalay pa lang. Ang kailangan namin ay iyong mga tunay na walang sabit!"Agad na nagtawanan ang buong venue. Maraming mga nagtangkang sumali kahit may mga sabit na.May ilang lalaki pa ang napaatras sa kanilang upuan habang tinuturo sila ng kanilang mga kaibigan."Hoy! Bumalik ka rito! May asawa ka na!""Kuya, may wedding ring ka pa!""Aba, kapal ng mukha!"Mas lalo pang lumakas ang tawanan.Sa wakas, may dahilan na para umalis si Ephraim sa tabi ko. Nakisali siya sa kalokohang iyon.Halos gusto ko pa siyang itulak papunta sa harapan para lang iwanan niya ako.Mabuti naman at tumigil siya sa walang katapusang pagkukuwento.Sampung lalaki ang napiling sumali.Mukhang mas interesado pa ang mga bisita sa kanila kaysa sa programang nakasulat s
POV: LeilaMagkatabi kaming umiiyak ni Chantal habang pinapanood ang masayang pagtatapos ng kasal nina Doktora Eli at Lionel.Hindi ko akalaing magiging emosyonal ako nang ganito. Hindi naman ako mahilig sa mga romantikong eksena, pero iba ang dating ng araw na iyon. Kitang-kita kung gaano kamahal ni Lionel si Eli. Para silang mga karakter sa nobela na sa wakas ay nakarating sa masayang wakas matapos pagdaanan ang lahat ng pagsubok.Napasinghot ako habang pinupunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata."Grabe..." bulong ni Chantal. "Nakakaiyak.""Tama ka," sagot ko. "Pero kapag may nakakita sa atin, iisipin nilang tayo ang ikinakasal."Natawa siya sa pagitan ng kanyang paghikbi.Matapos ang seremonya, nagtungo ang lahat sa engrandeng reception.Napakaganda ng lugar.Nagniningning ang mga kristal na ilaw sa kisame. Ang mga bulaklak ay nakapalamuti sa bawat sulok. Para akong napunta sa isang kastilyong madalas ko lamang makita sa mga pelikula.Habang abala ang lahat sa pakikipagkuwentu
Naantala ang aming pabulong na pag-uusap nang magsimulang mag-ingay ang buong simbahan. Ang mga bisita, kasama sina Jeremiah, Chantal, at siyempre ang palaging nangungunang malakas na boses ni Lolo George, ay nagsimula nang sumigaw nang sabay-sabay."Kiss!!! Kiss!!! Kiss!!!" sigaw ng lahat, habang walang tigil sa pagpalakpak ang iba.Ang mga photographer naman ay pawang nakatutok at nakahanda na ang mga hawak na kamera para sa pinakahihintay na eksena ng araw na ito. Ang lahat ng tao sa loob ng kapilya ay parang nanonood ng isang nabitin na teleserye na sa wakas ay narating na ang kapana-panabik na huling yugto. Lahat sila ay nakangiti, nag-aabang, at excited na makitang maglapat ang aming mga labi.Natawa kaming dalawa ni Lionel sa ingay at gulo ng buong paligid. Bahagya kong inilingon ang aking ulo sa likod niya at doon ko nakita si Lolo George na sumisensyas pa gamit ang dalawa niyang kamay. Kulang na lang ay humawak siya ng megafono, dahil ang hitsura niya ay tila ba siya ang direk
"You may now, kiss your bride..." malumanay at nakangiting anunsiyo ng pari sa buong kapilya.Kasabay ng mga salitang iyon ang muling paghinto ng tibok ng aking puso, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa labis na kapanatagan. Dahan-dahang itinaas ni Lionel ang aking manipis na belo. Ang kanyang mga kamay, bagamat nanginginig pa rin nang kaunti dahil sa natitirang emosyon ng kanyang wedding vows, ay napakalambot na humawak sa magkabila kong pisngi. Ang kanyang mga matang mapula sa kaiiyak ay nakatitig sa akin nang may malalim na pagmamahal.Ngunit sa halip na halikan agad ako sa mga labi, idinampi muna niya nang marahan ang kanyang noo sa aking noo. Ramdam ko ang mainit niyang hininga at ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib. Sa posisyong iyon, tila ba nagkaroon kami ng sariling mundo, malayo sa ingay ng mga bisita at sa liwanag ng mga kamera. "I love you... Eli... I'm so sorry for everything," pabulong niyang sabi, sapat lang para marinig ko. "Pangako sa iyo, simula sa araw na ito,
Dahan-dahang kinapa ni Lionel ang bulsa ng kanyang kasuotan at inilabas ang kanyang cellphone. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig pa rin, at ang kanyang mga mata ay patuloy na umaagos ang luha habang pilit niyang hinahanap sa kanyang documents ang kayang vows.Huminga siya nang napakalalim. Tumingin siya sa aking mga mata, isang tingin na puno ng labis na paghanga at pagpapasalamat, saka siya dahan-dahang ngumiti sa kabila ng kanyang pag-iyak. Inilapit niya ang mikropono sa kanyang mga labi, at sa sandaling magsimula siyang magsalita, ang buong simbahan ay nabalot ng isang napakatahimik at madamdaming atmospera."Mahal kong Eli..." panimula niya, at ang kanyang boses ay nanginginig sa tindi ng emosyon. "Simula noong unang araw na masilayan kita, hindi ka na kailanman nawala sa aking isipan. Marahil, iyon na nga ang sinasabi ng marami na love at first sight. Dahil sino ba naman ang hindi mabibighani sa isang katulad mo? Maganda ka, napakatalino, at may pusong busilak. Kung sa tingin
"ANO ba?!" biglang hinatak ni Lionel ang aking braso ng maabutan niya ako sa parking lot. "Anong problema mo?!""Ipinahiya mo ako! Bakit ka umalis habang kinakausap kita?!" inis niyang bunsol sa akin, "sinadya mo iyon, di ba? sinadya mo!"Natawa ako ng pagak, saka marahas kong hinila ang aking bras
Natatawa ako habang pinapanood ang katangahan ni Lionel. Kahit ang matandang kaharap niya ay halatang nahihirapang pigilan ang pagtawa habang nakatingin sa kanya.Paulit-ulit na umiikot ang ulo ni Lionel habang panay ang lingon niya sa iba't ibang direksiyon. Para siyang nawawalang bata sa gitna ng
POV: ChantalUMUWI kami ni Jeremiah sa kanyang condo. Nakita ko ang ayos ng kanyang garden. Maraming bulaklak doon, at may mga pagkain."Ano to?" kinikilig kong tanong sa kanya.Dahan dahan niya akong niyakap mula sa likod, saka ipinaton ang kanyang baba sa aking balikat.Kasabay niyon, ang pagtata
Nahintakutan si Lucille sa kanyang narinig. Nanginginig ang kanyang mga labi, at ang kanyang baba.Halos hindi na siya makagulapay sa sakit na kanyang nadarama, dahil sa pagkaputol ng kanyang dalawang daliri.Nakatitig siya sa akin, na tila ba kumukuha ng lakas para makapagsalita."Jeremiah.." mah







