Share

Diez y siete

Domino's Point Of View

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang makarating ako sa school. Nasaraduhan na naman ako ng gate! At kasalanan 'yon ng letseng kapitbahay ko.

Kung hindi ba naman istorbo sa madaling araw at umaga, siguradong maayos ang naging takbo ng araw ko umaga pa lang.

Malalim na hininga ang pinakawalan ko atsaka sinipa ang batong na nasa tapat ng paa ko.

"Nakakainis." mahinang bulong ko atsaka nagsimula ng maglakad palayo sa saradong gate ng school.

Mainit ang sinag ng araw na tumatama sa mukha at balat ko, pero hindi ko na alintana 'yon dahil wala naman akong magagawa. Sa halip ay hinubad ko nalang ang vest ko at ginamit iyon para gawing silungan laban sa sinag ng araw.

Napabuntong-hininga na naman ako. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada habang nagiisip kung ano ang gagawin ko ngayong araw.

Hindi pa rin kasi ako nakatanggap ng tawag mula kay Xyria simula ng araw na 'yon. Sigurado rin naman ako na wala na silang sa lugar na 'yon dahil 'yon ang sinabi nila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status