Share

Dos

Domino's Point Of View 

"May transferee pala?" 

"Returned student mi!" 

"Pogi ni Sir! Fresh na fresh na naman." 

"Kaya nga eh, maka laglag panty." 

Ang malamig na temperature ng room pati na rin ang sunod-sunod na bulungan ang bumungad sa 'kin pagpasok ko pa lang ng classroom. Nahinto pa ako't inilibot muna ang paningin ko. 

Malawak ang classroom, mala-vintage ang design 'saka may dalawang aircon--kaya pala malamig. Sakto lang ang dami ng estudyante, mukhang halos nasa twenty pataas lang. Napangiwi pa 'ko ng makita ang malaking portrait ng isang santo sa bulletin board na nasa likod. Hanggang dito ba naman ay hindi ako tinatantanan ng buhay maka-diyos? Oh d*mn, catholic school nga pala ang paaralan na 'to. 

Nabalik lang ako sa huwisyo nang marinig ko ang pagtikhim ng lalaking nauna nang pumasok sa 'kin kanina. Mabilis na napalingon ako sa kan'ya't napalunok pa 'ko ng makita ang tindig n'ya. Bahagya s'yang nakaupo sa lamesa atsaka nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng gray trouser pants na suot. 

He looks so hot with his white long sleeve polo na nakatupi ang manggas at kalahating side lang ang naka tuck-in. His slight curly hair and low taper fade hair cut suits him well. He looks like a Greek God and a model. 

“Tatayo ka lang ba d'yan Little Miss?” he asked with his raspy voice. 

Nababaliw na 'ko, this man is just so hard to ignore! Literal na makalaglag panty. Kalma Domino, this is a mission! I'll just look in a much more negative view–this man is dangerous and I could already sense it. That's also the reason kung bakit pinapabantayan ito ng HQ sa 'kin. 

I took a deep breathe as I confidently walk a little towards him bago humarap sa buong klase na ngayon ay tahimik na. 

“I'm Domino Asher... Iprefer to be called Asher.” maikling pakilala ko, without telling them my surname. 

Hindi ko nareview ang files na ipinasa ng HQ sa paaralan na 'to, they might've used different surname, but I am certain na totoong first name ko ang ginamit nila. Nagmamadali kasi ako kahapon. Imagine, noong isang araw ko lang natanggap ang mission at kahapon din ay agad na naglipat na ako ng mga gamit para dalhin sa dorm na pansamantala kong tutuluyan. It's not that far from the school, five minutes ride lang ng tricycle–yep, tricycle! I'm too far from Manila! Just, great right? Nasa probinsya ako ngayon, dulo ng Zambales to be exact. 

“How old are you? You look so matured for a grade 12 student.” one of the class asked. 

I raised an eyebrow as I scanned her from head to toe. Nakaupo s'ya sa pinakaharap na upuan, so it's not that hard to miss her sight. 

A forced smile appeared on my face. Her whole personality just showed right now. I can easily read people after all. "I'll take that as a compliment girl, matured woman is much of a standard than a woman who has a rude personality." 

Kita ko ang pagkalukot ng mukha nito na mahina kong ikinatuwa. That's it, people like her hates to be on a embarrassing situations, pero gustong-gusto manlait at mamahiya ng iba. 

“And to answer your question, I'm just twenty and much older than you–so please show some manners.” I said, a full lie ofcourse.

Lumingon ako sa dereksyon ng lalaking ngayon ay may kakaibang emosyon sa mukha, it's unpleasant. I bow my head a little as a cue of saying thank you bago naglakad palapit sa pinakalikod na row ng mga upuan atsaka derektang umupo sa pinakagilid at bakante. 

Umayos ng tayo ang lalaki, mayroong kakaibang ngiti na naka-plaster sa mukha n'ya. His gray orbs stared at my eyes and soul, as if he's reading me right now. Of course, pilit na ngumiti lang ako na nagmukhang ngiwi--I can't be affected by this man. I need to lay low for the mean time. 

“ Then I guess it's my turn to introduce myself to you.”he said in a calm voice habang nakatitig parin sa 'kin. I awkwardly nodded. 

"I'm Mr. Vhon Xandreus Darwish, the class adviser and also your Philosophy teacher. You're two month's late for our discussion since you just enrolled yesterday as an returned student, so I'm expecting you at the faculty office later, Ms. Asher." Tumango lang naman ako sa sinabi n'ya bilang pag-sangayon. 

Maybe it's a good opportunity to put some microchips on his belongings sa faculty–oh sh*t wala nga palang pinadala ang HQ. 

Natampal ko nalang ang noo ko dahil sa inis. Biglaan ba ang mission na ito? Bakit parang pinapabayaan ako ng HQ. Kung bakit ba naman kasi pinaglayo-layo pa ang bawat members ng squad namin, edi sana madali lang ang misyon na 'to. 

I took a deep breathe atsaka ipinatong ang baba ko sa kamay ko. I boredly listen to the man infront. He's discussing the lesson for today. Habang ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang panoorin at obserbahan lang ang bawat kilos n'ya. 

I observe him attentively, this man is probably a gym fr*ak, nakikita ko ang pagbakat ng biceps n'ya everytime na gumagalaw s'ya't ginagamit ang muscle ng braso. Judging the size of his hands, he could easily knock me down kung sakali man na mag hand to hand combat kami sa future. Would I be able to take down this man named, Vhon? Well, it''s not like I have any other choice. Or should I just seduce him? Well, 'yon ang ginagawa ni Ari lalo na sa mga misyon na may kinalaman ang mga lalaki.

Hindi makapaniwalang napailing ako, nalimutan ko yatang grade 12 student ang cover up ko ngayon, as if namang papatol sa bata ang lalaking 'to. 

Naiinis na binagsak ko ang ulo sa table ng upuan, it made a noise but I don't actually care, graduating is not a goal for me--but capturing this man is. 

— 

Hindi ko alam kung ilang oras ang naging klase namin sa kan'ya. At hindi ko rin alam kung ilang oras ko na s'yang tinititigan, ngayon ay nagsitayuan na ang ibang estudyante. 

Pero idinuknok ko lang ulit ang ulo ko sa lamesa, I'm a professional agent pero mukhang mababaliw ako sa solo mission na 'to. I mean, they can't blame me! Infiltrate and destroy ang mga solo mission na ginagawa ko because that's my field and specialty. Then suddenly they assigned and deployed me for this–ARGH! Na-stress lang ako lalo kaysa sa mga seminar at session sa simbahan! 

"Asher..." 

Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa taong nasa harap ko. D*mn, his raspy voice alone could literally sent different sensation down my body. Ngayon ko lang naranasan 'to, maybe I'm afraid of him? Dahil sa wala pa akong maayos na plano. Yeah that's it! 

I forced a smile. "Arabian Professor ..." 

Pansin ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi n'ya, pero agad din na nawala. "You can tell that I'm Arabian?" 

The side of my lips rose up. "Yeah... Marami na akong nakita na katulad mo." 

Tumango naman s'ya. “Stand up and follow me.” he said atsakw tinalikuran ako't naglakad na palabas ng classroom. 

Nag-aalangan naman akong tumayo at sumunod sa kan'ya, ano naman kaya'ng kailangan nito sa 'kin? Oh! Maybe he'll orient me since new student ako? And it's his responsibility since he's my advisory teacher. 

Tahimik yet confident lang akong naglalakad at nakasunod sa kan'ya, binabalewala ang mga matang lawin na nakatingin sa akin at tila pinapatay na ako sa mga isip nila.

This Arabian Professor is popular among girls, huh? Sa bagay, he looks so young and hot at the same time. S'ya ang tipo ng arabo na hindi aakalain na isang arabo. He looks like a Greek man afterall. I bet his parent's from different race. Sadyang alam ko lang agad ang nationality n'ya kaya nabanggit ko iyong kanina. 

Umakyat kami sa second floor ng isang building, then entered a room. And there, I saw someone who's busy with some papers and documents, may mga certificate and others din na nakapaskil sa bawat sulok ng kwarto, and base sa itsura–I think it's the Principal's office. Akala ko ba sa faculty? 

The man walk towards the middle age woman, habang ako naman ay naupo lang sa sofa na malapit sa entrance. I crossed my arm infront of my chest. Para saan ba ang pag dala n'ya sa 'kin dito? I know na maganda ako, pero hindi n'ya naman kailangang ibalandra sa hallway ang kagandahan ko. 

Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko, d*mn. Ngayon lang ako naging gan'to ka-OA mag-isip! And it's because of this man. This—Hot Arabian Man! 

Ilang minuto silang nagusap, hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila and finally! Just when I'm about to leave the room because of boredom ay natapos na rin silang magusap. 

“Let's go.” he said atsaka biglang hinawakan ang braso ko. 

Nanlalaki pa ang mga mata ko dahil tila kinakaladkad na n'ya ako. "Please be gentle, sir! Tatanggalan mo yata ako ng braso. " hinihingal na sabi ko dahil sa patuloy n'yang paghila sa 'kin. I could report this to the guidance office right? 

“Sorry to disappoint you, but I am not gentle... Asher.” 

I gulped after hearing his response. Pardon? I think this man is referring about something else. Naginit ang magkabilang pisngi ko dahil sa ideyang pumasok sa isip ko. Oh my God! This isn't me! Kasalanan 'to ni Maia, she may look innocent from the outside but that woman is far from being normal! Her brain is so dirty! Green minded to be exact. 

We entered another room na nasa first floor ng building, and it's obvious that it's a library dahil sa mga bookshelf at librong nasa loob. It's air-conditioned too, magandang tambayan para sa mga estudyanteng gustong magaral o tumambay.

Binitawan n'ya na ang braso ko atsaka naunang umupo sa pinakadulong pwesto. At tulad ng kanina, ay sumunod lang ako sa kan'ya. Matapos kong umupo ay may lumapit sa'min na estudyante saka may inilapag na mga libro, he thanked the student bago s'ya humarap sa 'kin. 

I gulped as I saw how his gray orbs look me straight to the eye. Sh*t, this man is a menace himself. Just what kind of life did this man endure to have such a deadly eyes hidden from his smiles. 

I tried to smile sweetly and innocently. “Ano pong gagawin natin, sir?” 

The side of his lips rose up as he reach one of the books infront of us. Sumandal s'ya sa kinauupuan nya't dumekwatro ang mga binti. 

His aura just change right now, a sign of how dangerous he is! Ang mga tulad n'ya ay ang mga taong mahilig mag-manipula. They're the ones's who love to dominate someone. 

He was smiling sweetly at me. “I'll be your personal tutor for a month, we can't ignore the lessons that you've miss, Asher.” 

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi n'ya. I was taken a back at hindi makapaniwala sa mga linyang binitawan n'ya. 

“Pardon?” 

His sweet smile turns to a smirk. “I asked the Principal's permission since it's my responsibility as your adviser... So I guess, let's start? I hope you will cooperate.” 

A glint of nervousness and excitement covered my whole body. I even grinned in disbelief. Luck must be by my side right now. Dahil sa sitwasyon na ito ay mas ma-oobserbahan ko s'ya ng maayos. I wouldn't even have to worry kung paano ko gagawin ang mga bagay na kahina-hinala. 

This... is a great opportunity right? 

It's... better this way right? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status