Share

Chapter 8

"Bakit ba kasi lagi kang hindi nag-iingat, Binibini?" napalunok ako nang mahimigan ang parang nanenermon niyang boses.

Ang talampakan ko ay hawak-hawak ng lalaki, habang tinatapalan ang isa kong daliri sa paa na dumudugo. 

Sa totoo lang ay mahapdi ang pagkakatapal niya nang dinikdik na dahon ng malunggay, sa daliri kong natuklap na yata ang kuko. 

Jusko!

Ayaw ko lang dumaing dahil baka mas lalo akong pagalitan nitong feeling Ama ko!

Bumuntong hininga ito't muling ipinako ang seryoso niyang mukha sa akin, kaya agad naman akong napa-iwas at muntik na rin yatang tumagaktak ang pawis sa aking kili-kili!

"Tapos na, Binibini" rinig kong kaniyang usal tsaka ito tumayo, ngunit ang seste! Ramdam ko pa rin ang tingin nito sa akin!

Kinakabahan man ay tumingin ako sa kaniyang direksiyon bago umusal, "S-Salamat..." kinurot ko ang aking palad dahil sa timbre ng aking boses na pabebe! 

Nautal pa nga!

"Walang anuman

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status