Share

CHAPTER 12 : Vlax Punishment

HEATHER'S POINT OF VIEW

"ANONG GINAWA MO!?" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses ni Annalice. Kahit itinulak na ako nito at tarantang pumunta sa direksyon ni Zen ay nakatulala parin ako.

Sinong Savannah Xyrille Moon?

Bakit sinabi n'ya na magkamukha kami?

Napahawak ako sa gitna ng aking noo nang sumidhi ang sakit mula roon. Sino ang tinutukoy n'ya? May kinalaman ba ang taong iyon sa aking pagkatao?

"LADIES AND GENTLEMAN'S! OUR WINNER OF THE NIGHT, HEATHER BLAIRE ROSSI!" Malakas na sigaw ng isang tinig sa mikropono. Gulantang akong napaharap dito nang kunin n'ya ang aking kamay upang itaas ito sa ere. Saka ako nakarinig ng sigawan at malalakas na hiyawan ng mga tao sa paligid.

Doon ko lang din napansin ang pagbabago ng aming paligid. Isang ilusyon, isa itong ilusyon.

Ang kaninang open field na lugar ay napalitan ng samu't saring taong naghihiyawan, malakas na sigawan at mga nagpapalak-palakang mga manonood.

Hindi ito ang Royal Elites battlefield na sinabi ni Zarxia, kundi isang ilusy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status