Share

Kabanata 17 Kidnap

Habang nasa biyahe ay lumingon si Maddie sa likuran. Kanina pa niya napapansin ang kulay itim na van na sumusunod sa kanila. Abot ang kabog ng kanyang dibdib. Wala siyang security ngayon dahil iniwan niya ang mga ito sa party. Ang buong akala ng mga ito ay nasa loob pa siya ng pagtitipon.

“Noah, parang sinusundan tayo ng van sa likod,” kabadong sabi niya.

Sinulyapan ni Noah ang sasakyan. Binilisan nito ang pagmamaneho. At natiyak nila na sumusunod nga ang van. He skillfully manuevered his car. Kabisado nito ang daan sa Laguna. Kung saan-saang kalye sila sumuot. Naabutan sila at binangga ang bumper sa likod. Mas lalo nitong binilisan ang takbo.

May narinig silang putok ng baril. May nagtatangka sa buhay nila! Hinawakan ni Noah ang ulo niya at niyuko upang makaiwas sa bala. Kinuha nito ang nakatagong baril sa ilalim at nagpaputok din sa likod. Madilim ang kalye at napakadalang pati ng mga nagdaraang sasakyan. Wala silang mahingan ng tulong. Panay ang suro sa sasakyan nila. But he hand
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status