Share

Kabanata 105 Forgiveness

Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.

Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.

“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”

Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.

“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.

“Ililipat na po siya sa ICU.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status