“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.
Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng gumaling si Noah. Nagkabati na ito at ang ama. Dumalaw din si Justin at nakipag-ayos sa binata. Inamin nito ang lahat ng kasalanan at humingi ng tawad. Ang kanyang mommy naman ay nakarecover na din. Hindi ito kasabwat nila Kaye at Don Arturo. Nakikipagtagpo ito sa kanyang stepfather upang makiusap na tigilan na ang panggugulo. Inatake sa puso si Don Arturo ng mabalitaan ang nangyari kay Kaye. Nagpadala pa din siya ng bulaklak at tulong pinansyal para dito. Inalis niya ang anumang galit sa dibdib para sa kapayapaan ng kanyang isip.Nagbalik na si Noah sa Hotel Natividad Group at at muli itong namamayagpag sa industriya. Patuloy din na nangunguna ang Tech Systems at Sky-High Hotels. Tunay na may katapusan ang anumang pagsubok sa buhay. Basta maging matatag sa bawat problem at walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Siguradong matatamo ang kapayapaan at kaligayahan.Nagpapahangin siya garden ng beach house nila sa Pangasinan. Nag-staycation sila
“Sign those documents for our annulment,” sabi ni Noah ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa mga kontratang dapat pirmahan bilang CEO ng Natividad Hotel Group. Napatingin siya sa papeles na nasa mesa. She’s shocked. They were married for three years, nakakapagtaka na bigla na lamang itong nagdesisyon na tapusin ang kasal nila. Alam niyang darating ang pagkakataong ito pero bakit tila tinutusok ng tatlong libong karayom ang puso niya. Nalalamig ang kanyang buong katawan. “Don’t worry. You will still be my personal assistant. No one does your work better than you do. I just want to end our useless marriage.” Napakagat-labi siya upang pigilan ang anumang emosyon. “I don’t think we need this annulment. We’re okay,” mahina niyang sabi. “Magkano ang kailangan mo?” “Ikaw ang kailangan ko. Mahal kita. Mahal na mahal. Noon at ngayon.” Pero syempre wala siyang lakas ng loob sabihin ang mga salitang ito kay Noah. “Dalawampung milyon, sapat na b
She went home. Sa malaking mansyon ng mga Natividad sila nakatira ni Noah but they never shared the same room. May naulinigan siyang tawanan sa garden. Himala at maaga umuwi si Noah. At ang masaklap kasama nito si Nisha. Pagpasok niya sa living area ay nakakalat ang tatlong malalaking maleta. Huwag naman sanang tama ang hinala niyang dito titira ang babaeng ‘yon. Nakaakbay si Noah sa balikat ni Nisha. Ni walang gulat o guilt pagkakita sa kanya. Habang siya ay nanggagalaiti sa galit. But she can’t be angry sa harap ni Noah. She learned to keep all her feelings inside. “Oh, your secretary also lives here? Ang sipag mo naman, wala ka bang pamilya na naghihintay sa’yo? Dapat pala bigyan ka ng employee of the year award,” patuyang sabi nito. “Yeah, I need her. So, para walang hassle, we need to live in the same house. But I think in the next few weeks, she will find a new place to live.” Kitang kita niya ang pagtaas ng kilay ng babaeng kaharap. May maamong mukha ang babae ngunit alam n
Nagbabantay sa ospital si Noah. Kailangan niya ng pirma nito kaya pinuntahan niya sa ospital. Papasok pa lang siya ng private room ni Nisha ay nadinig niya ang malakas na sigaw nito. Napasugod siya sa loob upang alamin ang nangyari. Kasunod niya si Noah na galing sa labas at may dalang pagkain. Hindi makausap si Nisha. Niyakap ito ni Noah. Isang tagpo na ang sakit sa mata at damdamin niya. Itinuro ni Nisha ang box sa higaan nito. Kinuha ito ni Noah at binuksan, may tumulong pulang likido mula sa box. Patay na manok at may gilit sa leeg ang nasa loob ng kahon. Itinuturo siya ni Nisha. Hindi na nito kailangan magsalita. Kung nakakamatay lang ang tingin, bumulagta na siya sa titig ng asawa. Hinila nito palabas. Halos bumaon ang daliri nito sa braso niya. Napatitig siya sa kulay dark brown na mga mata nito. “Wala akong kasalanan. Hindi ako ang nagbigay ng box.” “You know what, huling huli ka na nagsisinungaling ka pa. Don’t tell me na kusang pumasok ang manok sa box para mag-suicide
Umaga na. Tinawag niya ang pulis na nagbabantay. “Wala po bang dumalaw sa akin? Wala po akong kasalanan!” “Miss, wala talagang criminal na umaamin sa kasalanan. Eto, kakakadating lang ng drug test mo. Positive. At hindi din birong gramo ng shabu ang nasa bag mo.” “Hindi akin ‘yan! Kagabi, may dalawang lalaking lumapit sa akin at may tinurok sa braso ko. Baka iyon ang dahilan kung bakit ako nag positibo. Maniwala po kayo sa akin.” “Tinatawagan po namin ang number na binigay ninyo ngunit walang sumasagot.” Inabandona na ba siya ng tuluyan ni Noah? Pangalawang araw na niya sa bilangguan. Hindi na niya kayang tumagal pa sa loob. May dumating na tatlong babae pa kagabi. Para na silang sardinas na nagsisiksikan sa lata. Hinihintay niya si Noah. Naniniwala siyang tutulungan siya nito. Pangatlong gabi. May isang babaeng bagong dating. Pinagtripan siya nito. “Alis diyan. Kahapon ka pa nasa pwestong ‘yan. Gusto ko dyan.” Wala na siyang lakas na makipagtalo. Umalis na lamang siya. Ngu