Share

Unloving My Husband
Unloving My Husband
Author: LorieMeTangerine

Kabanata 1

JEAN’S POV

“BIBIGYAN kita ng limangdaang libo layuan mo lamang ang anak ko,” wika ng Ginang na kaharap namin ngayon ng boyfriend ko. Napamulagat ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Sasagot na sana ako ng malakas na “oo” dahil malaking pera na rin iyon subalit pinisil ng boyfriend ko nang pagkalakas-lakas ang kamay ko hudyat para mapangiwi ako kasabay pa ng pagtitig niya sa akin nang may naniningkit na mga mata. 

“Hindi po ako nababayaran, Maam. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo,” sa halip ay ganoon ang sinabi ko kahit na kanina pa ako nakatitig sa kamay niyang may hawak na tseke at permado na habang nakalimbag doon ang mga salitang five hundred thousand pesos only. Sa totoo lang kanina ko pa gusto kunin sa kamay niya ang tsekeng iyon dahil maraming pera na iyon kung tutuusin.

“Mahal na mahal namin ang isa’t isa, Mommy kung kaya’t hindi niyo na po kami mapaghihiwalay pa. Hindi nga ba’t matagal na ninyong gusto na may maipakilala ako sa inyong girlfriend para lamang mapatunayan sa inyo na hindi ako bakla? Ngunit ngayong meron na akong ipinapakilala, ayaw niyo naman sa kanya?” 

“I want Celine for you. She is a successful woman. Beside her, you can do great things, son. Wala kang mapapala sa babaeng ito,” tapos tiningnan pa ako ulit ng ginang nang may pandidiri. Siyempre hindi ako nagpaapekto. Kinain ko pa rin nang kinain ang fried chicken na nasa harapan ko nang hindi nahihiya kahit naroon ang kanyang presensya. Nginuya ko pa ito nang nginuya without poise para mas lalo siyang mainis sa akin. S******p ko po ang mga daliri ko habang kinakain ang fried chicken.

“Is this the girl you want? So awful,”

“I like her the way she is, Mom. Walang magbabago doon, “ mahinahon na sagot ng boyfriend ko sa nanay nito.

“You’ll regret this!” halatang inis na inis na ito at gusto na niya akong sabunutan o di kaya’y sampalin ngunit pigil na pigil itong gawin iyon kung kaya’t kinuha nalang nito ang basong punong-puno ng tubig at bigla niya iyong ibinuhos sa ulo ko.

“Well-deserved,” nakangiti pang wika nito at nagmamadali na niya kaming iniwan ng boyfriend ko.

“SOBRANG hirap makisama sa mommy mo ha! Dalawampung libo sa talent fee ko saka dagdagan mo pa ng sampung libo dahil binuhusan niya ako ng tubig sa ulo,” napasabunot pa ako sa sarili kong buhok dahil inis na inis ako sa mga nangyari kanina.

Yes, you’re right. Hindi ko totoong boyfriend ang kasama ko kanina dahil isa lamang siya sa napakarami naming kliyente. Binubuo ang grupo namin ng limang tao na siyang tumutupad ng iba’t ibang request ng mga tao saan man sa mundo hangga’t kaya namin. Ang mga small request at madali lamang gawin ang may medyo mababang presyo ngunit ang mga big request na kategorya at mahirap gawin dahil maraming factors ang nakasalalay ang mas mahal. 

“Muntik ka nga ring mabuko kanina, Ms. Jean. Muntik ka nang pumayag sa nanay ko na kunin nalang iyong pera upang layuan mo ako. Kapag ginawa mo iyon hindi rin magiging successful ang misyon mo nang hindi dahil sa tulong ko. Imagine magbabayad ako sayo sa serbisyo mo tapos basta mo nalang tatanggapin ang inaalok ng nanay ko. Sino ba sa aming dalawa ang kliyente mo?”

“Sino ba sa inyong dalawa ng nanay mo ang mas malaki ang ibabayad sa akin kapag tinupad ko ang request ng isa sa inyo?” balik-tanong ko rin sa kanya.

“A-ang nanay ko,” 

“You got a point. Pero bakit mo ba iyon ginagawa sa nanay mo?” 

Napayuko muna ito bago sumagot. “Ako lang ang nag-iisang anak ng parents ko. Gusto na nila akong ipakasal kay Celine ngunit hindi ko iyon magagawa,” napabuntunghininga muna ito.

“Bakit? Dahil bas a hindi mo siya mahal?” naintriga ako sa kliyente kong ito kung kaya’t panay tanong na ako sa kanya pero siyempre hindi ko makakalimutang kunin ang bayad niya sa akin mamaya, mahirap kaya umarte.

“Hindi. The main reason is I’m a gay. Hindi ko maaatim na makipagrelasyon sa isang babae kung kaya’t I called you so that you can help me. Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ang magpakilala nalang kay Mommy na may girlfriend na akong iba upang huwag na niyang ipilit ang gusto niya,”

Tinapik ko siya sa balikat. “Hanggang kailan mo iyan itatago? Mas magkakaroon ka ng peace of mind kapag magpapakatotoo ka,”

Napatango lang ito sa akin at aalis na sana ako ngunit bigla kong naalala na hindi pa pala ito nagbabayad sa akin kaya napaatras ako ulit pabalik sa kanya.

“Nasaan na iyong bayad mo?” inilahad ko pa sa kanya ang aking nakabukas na palad, naghihintay na makatanggap ng biyaya galing sa kanyang pitaka.

“mukhang-pera ka talaga,” pabulong nitong sabi.

Napangiti ako. “Hindi ako mukhang-pera. Ang pera mo ang may mukha. Isa pa, nagpapakatotoo lang ako. Sa mundong ito, mahirap ang mabuhay kung kaya’t dapat kang magbanat ng buto. Life is colorful if I’m like you, because the moment you were born you already have that gold spoon in your mouth. How about the people like me? Kinukuha ko lang ang dapat na sa akin and you owe me this,” inis kong hinablot mula sa mga kamay niya ang envelope na may lamang pera. Habang naglalakad ay binilang ko muna ito at nang masigurong sakto ang ibinigay nitong talent fee ay nagmamadali na akong pumasok sa aming sasakyan kung saan doon naghihintay ang aking mga kasamahan.

“KAMUSTA madam CEO, success ba?” tanong ni Madel. Inirapan ko lang siya bago naupo. “Tinatanong pa ba ninyo iyan eh nakita na niyo ang lahat ng pangyayari sa monitor?” asar kong sabi.

Nagkatawanan naman kaming lahat. Sa bawat misyon kasi namin upang maging matagumpay ito ay kinakailangan ng aming teamwork. Sa loob ng aming van ay mayroong isang malaking monitor kung saan nakakonekta iyon sa hidden cameras na nailagay na agad sa venue bago pa man mag take place ang misyon namin. Konektado rin kami ng maliit na device na inilalagay sa tainga para marinig ng isa’t isa ang instruction at hindi magkaiba-iba ang aming galaw na maaaring humantong upang hindi maging matagumpay ang misyon.

“Paano ba naman iyon kapag kumagat ka sa bitag ng mayamang ginang? Muntik ka nang magpahalata na mas pipiliin mo pa ang limang daang libo kumpara sa boyfriend mo?” pang-aasar din ni Josebeth.

“Manahimik nga kayo! Kapag nakuha ko naman ang perang iyon hindi lang naman ako ang makikinabang kundi pati kayo,” 

“Pasensya na Ms. CEO, dapat pala talaga sinabihan ka nalang namin na piliin nalang ang perang ibinibigay ng mayamang ginang,” ginatungan pa ni Khen ang pang-aasar.

“Kapag ginawa natin iyon magiging mababa na ang rating natin at kokonti nalang ang customer natin. Mas pipiliin niyo pa pala ang mas malaking pera kumpara sa ikatatagumpay ng misyong ipinagkatiwala ng kliyente natin?” seryoso naman si Reynard habang sinasabi iyon kaya napahalakhak kami.

Napatigil kami sa pagtawa nang makatanggap kami ng isang tawag. Si Khen ang kumausap sa kliyente. Malapad itong napangiti pagkatapos ng pag-uusap.

“Ano? Ano raw sabi?” sabay-sabay na tanong ng tatlo kong kasamahan.

“Kailangan daw ng babaeng tumawag ng iinom ng lahat ng wine niya sa bahay,”

“And then, sino ang ni-request niya na gumawa noon?” tanong ni Madel.

“Walang ni-request pero alam ko naman kung sino sa ating lahat ang magaling gumawa noon,” 

Agad akong tumayo pagkatapos nilang tumingin sa akin lahat. “Okay, then. Where is the address?”

 

“YOU wanted me to drink all of these?” halos maloka ako nang ituro ng kliyente sa akin ang kahoy na cabinet at ilang hilera ng wine ang naroroon.

Ngumiti ang babae. Sumilay ang biloy nito sa kanang pisngi. “You have many choices. Pick your choice and drink all you can hanggang sa ma-satisfy ako,”

“Well, I know I’ll be paid pero gusto ko lang munang malaman kung bakit mo pinapagawa sa akin ito?”

“These wines are my products and my collections too. Ewan ko ba hindi ko kayang inumin ang mga wine na ako mismo ang gumawa. That’s why you’re here, I wanted to get rid of these wines while a person is drinking it until I get satisfied,”

Umiling-iling na lang ako. Mahaba ang buhok ng babae at itim na itim na bumagay sa kaputiang taglay nito. She also has those pairs of almond eyes, pointed nose at mga labing likas na mapupula. Ngunit, bakit ito ganoon? Sa ilang taon ko nang ginagawa ang trabahong ito ay iba’t ibang tao na ang aming nakasasalamuha. Iba’t ibang personalidad at iba’t ibang dahilan. But they have one thing in common, they are all rich.

Kailangan kong maubos ang lahat ng ito sa abot nang aking makakaya. Hindi ko dapat na biguin ang aking kliyente hanggang sa ma-satisfy siya sa mga bote ng wine na iniinom ko. Kailangan ko lang isipin ang mga ex ko at ang mga panloloko nila sa akin habang ako’y umiinom ng wine.

Magkatapat kaming dalawa na nakaupo sa mahabang mesa ngunit malayo ang agwat namin dahil pareho kaming nakaupo sa magkabilang dulo ng kabiserang upuan. Ang chandelier na naroon ang tumatanglaw sa aming dalawa at pakiramdam ko’y nasa isang five star hotel ako dahil sa ambiance ng lugar.

Nagsimula na akong lumagok nang lumagok habang iniisip ko ang lahat ng ex ko na nanloko sa akin upang maubos ko ang lahat ng wine.

 

PAUWI na ako pagkatapos ng misyon na iyon ngunit hindi ko na malaman kung may mali ba sa sarili ko o malabo na ang paningin ko o di kaya’y may rayuma ako dahil hindi na ako makapaglakad nang maayos para makauwi. 

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata upang manumbalik ang kalinawan ng aking paningin at nang makita ko ulit ang daan pauwi sa amin.

Habang nasa daan, ay biglang nahagip nang aking paningin ang isang poster na nakadikit sa bintana ng isang restaurant. Poster iyon ni Denisses, ang isang sikat na artista sa panahon ngayon at hindi ko maipagkakailang iniidolo ko siya. 

“Hello Denisses, A-alam mo ang pogi-pogi mo, pero totoo bang magpapakasal ka na? Bakit hindi mo naman ako hinintay? Masyado na ba akong panget sa paningin mo?” naririnig ko ang aking sariling tinig at halatang ako’y lasing na lasing na. Siguro kung may makakakita sa akin nang mga panahong iyon ay aakalain na baliw ako.

“C-Crush lang naman kita eh, hindi naman halos masakit. P-pero gusto ko lang na magpaalam sayo sa pamamagitan ng h-halik na ito,” hahalikan ko na sana ang poster niya nang may isang lalaking nakasuot ng purong itim ang biglang humila sa akin at hinapit ako sa bewang at mabilis akong hinalikan sa labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status