Share

Kabanata 2

DENISSES’ POV

PAGKATAPOS ng taping namin ay dumiretso ako sa lugar kung saan naroon naghihintay ang ex ko. Bago ako magpakasal ay nakiusap siyang makita niya ako sa kahuli-hulihang pagkakataon at upang magkaroon na rin ng closure sa aming dalawa dahil bago naging kami dati ay matagal na rin kaming naging mabuting magkaibigan. Nagpaalam naman ako sa aking fiancé at sinigurado ko sa kanyang wala siyang dapat na ipag-alala. Nag disguise ako at nagsuot ng  kulay itim. Simula sa sombrero hanggang sa sapatos. Nagsuot na rin ako ng shades para maitago ko ang aking tunay na pagkatao dahil nasisiguro kong dudumugin na naman ako ng aking mga fans.

Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang nagsasabi na nang magsabog daw ang kalangitan ng kagwapuhan ay tulog daw ang lahat kaya halos ako na ang nakasalo.

Kinakailangan kong mag-ingat dahil sa oras na may makakita sa akin ay flash na naman ng camera ang makakalaban ko idagdag pa ang maraming fake news na maaaring kumalat sa internet kapag nakita ako ng mga tao na may kasamang ibang babae dahil alam naman nilang lahat na magpapakasal na ako.

Papunta pa lang ako sa meeting place namin ng ex ko pero parang marami na ang nakakilala sa akin at may ilang tao na sunod nang sunod sa akin kaya binilisan ko ang aking paglalakad. Hanggang sa malapit na akong sabayan sa paglakad ng mga taong sumusunod sa akin kaya bigla kong binilisan ang paglalakad hanggang sa may nakita akong babae na nakatayo sa labas ng isang restaurant. Bigla ko siyang hinila at hinapit sa bewang pagkatapos ay hinalikan ko siya. Nakaharap siya sa akin samantalang ako naman ay nakatalikod sa mga taong sumusunod sa akin at umuusisa kanina kung ako nga ba talaga ang artistang si Denisses.

Napamulagat ang babae nang maramdaman ang aking halik. Ngunit wala akong magagawa. I’m a gentleman pero hindi ako maaaring magpahuli dahil sigurado akong malaking gulo ang mangyayari kapag nagpahuli ako.

JEAN’S POV

NAPAMULAGAT ang aking mga mata nang maramdaman kong magkalapat ang aming mga labi ng lalaking  bigla na lang akong hinila at hinalikan. Hindi ko naman siya maitulak dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko at pagkakahalik niya sa akin kaya hindi ako makapalag. Parang nawala na nga ang aking kalasingan dahil sa halik na iginawad sa akin ng estrangherong lalaki. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki dahil sobrang magkadikit ang aming mukha kaya hindi ko talaga mamukhaan ang kabuuang pagmumukha nito.

Lord, iyong poster lang naman po ang pinahangasan kong halikan, hindi ko naman po akalain na mahahalikan ako ng totoo ng isang lapastangang lalaki sa lansangan. Naisip niya.

Itutulak ko na sana siya dahil may mga taong nakatayo sa may likuran ng lalaki at hiyang-hiya ako sa mga nangyayari ngunit sobrang mahigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Public Display of affection. Iyon pa naman ang palagi kong ipinapaalala sa kapatid ko na kahit na anong mangyayari ay huwag siyang mag-PDA ngunit heto ako at ganoon na ang ginagawa ngunit wala manlang akong nararamdaman para sa lalaking ka-PDA ko.

“Si Denisses ba talaga iyan?”

“Sayang, hindi tayo nakapagpa-picture o di kaya’y nakapagpa-autograph,”

Narinig kong sabi ng ilan sa mga kababaihan na naroroon at nakatayo malapit sa amin habang nakahalik pa rin ang lalaki sa akin. Hindi ko maunawaan ang sarili ko pero hindi manlang ako kinabahan sa lalaking nakayakap at nakahalik sa akin ngayon. Tila taliwas pa nga doon ang nararamdaman ko, sa halip na kabahan ako, I felt secure in his arms.

“Hindi nga talaga siguro iyan si Denisses, kasi may kahalikang babae. Alam naman natin na ikakasal na siya diba? Umuwi na nga tayo,” wika ng isa pang may-edad na babae.

“Mabuti pa nga,” pag-sang-ayon nito sa kasamahan at binalingan din kami, “Hoy kayo ineng at totoy, umuwi na nga kayo at baka kanina pa kayo pinaghahanap ng mga magulang ninyo. Dito pa talaga kayo sa kalsada naglalampungan,” wika pa ng babae bago isa-isang tumalikod na ang mga ito at nagsimula nang maglakad palayo sa amin.

Nang malayo na ang mga taong nag-uumpukan ay biglang kumalas sa akin ang lalaki dahilan para mahulog ang suot nitong sombrero. Nagmamadali nitong pinulot ang sombrerong nahulog ngunit bago pa man nito maisuot ay nahulog na rin ang suot nitong shades. Sa tulong na rin ng liwanag na nagmumula sa streetlights na nasa sa labas ng nakasaradong restaurant kung nasaan kami ngayon ay rumehistro ang isang mukhang kilalang-kilala ko.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ngayon at sa poster na kanina ko pa kinakausap at hahalikan sana. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. 

“D-Denisses?” tanging ang pangalan lamang nito ang lumabas sa aking mga labi.

“Miss, I’m sorry for taking advantage on you. Hindi ko sinasadya. It’s a matter of life and death na kasi kanina kaya I don’t have a choice on how to escape. Take care,” iyon lamang ang nasabi nito sa akin at nagmamadali na itong umalis.

Nahawakan ko nalang ang labi kong n*******n nito.

HANGGANG sa nakauwi na ako sa bahay ay hindi ko pa rin magawang makamove-on sa mga nangyari kagabi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at parang nasa Cloud nine ako at hinehele hele sa mga ulap. 

“Ano bang nangyari diyan sa ate mo at kanina ka pa tawag nang tawag?” narinig kong tanong ni Josebeth sa kapatid kong si Janna.

“Kasi natatakot po ako Ate Josebeth baka po kasi nababaliw na po si Ate. Kanina pa po siya tumatawang mag-isa. Baka kulang lang po sa tulog kung kaya’t ganyan siya since madaling-araw na po siyang nakauwi,”

“H-ha? Ang natatandaan ko lang namang ginawa niya kahapon ay pumunta siya sa bahay ng isang mayamang babae para uminom ng wine. Baka naparami ang inom niya kung kaya’t bangag na iyan nang umuwi?”

Naramdaman ko pang tinitingnan ako ng dalawa. Hinawakan pa ang noo ko sa pag-aakala nilang may lagnat ako. Hindi ko na rin kayang itago ang nararamdaman ko kaya napatili na ako at nagtatatalon.

“Sabi ko na nga ba eh, nababaliw na talaga si Ate, Ate Josebeth,” umiling-iling pa ang kapatid ko habang tinitingnan ako.

“Hindi ako nababaliw, Janna. Tuwang-tuwa lang ako kasi hinalikan niya ako,” pag-amin ko sa kanilang dalawa para hindi na rin sila magmukhang loka-loka na hula nang hula kung anong nangyayari sa akin.

Napamulagat ang mata ng dalawa. “H-ha? N-nino?”

Wala sa loob ay napatingin ako sa tv at nakita ko ang lalaking h*****k sa akin kagabi na may kahalikan din sa t.v at ibinabalita.

“Siya,” turo niya sa lalaki sa tv.

Sakto namang izinoom ang picture sa balita at nakita ng dalawa ang artistang si Denisses na may kahalikang isang babae at izinoom rin ang mukha ng babae.

“S-si Denisses at ikaw?” gulat na sabay na wika ng dalawa.

“H-ha? A-ako ba iyang kahalikan niya na nasa tv.?” Tanong ko pa dahil huli na nang mag sink-in sa akin na naroon na pala ako sa t.v at may paparazzi pala na nakakita sa ginawa ni Denisses kagabi sa akin.

“Oo, Ate. Halata naman sa damit mo, kagabi pa iyan hindi ka pa nga nakabihis,” kalmadong wika ng kapatid ko.

“A-anong gagawin ko? I-I’m doomed,” nanghihina akong napatayo at naglakad na papasok ng aking kwarto. Tinakpan ko ng unan ang aking tainga upang hindi ko na masyadong marinig pa ang tili ng aking kaibigan at kapatid.

DENISSES’ POV

“WHAT are you gonna do now Denisses?! Pinagpyepyestahan na ng press ang larawan mon a may kahalikan kang ibang babae knowing the fact na malapit ka nang ikasal! What’s gotten into you!?” galit na wika sa kanya ng manager niya matapos nitong makita ang balita.

“I told you not to stay outside because it’s too dangerous for you. Alam ba ni Averie itong nangyari?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang fiancé niya.

“I already explained everything to her and she understands me. Hayaan mo nalang ang ibang tao na mag-isip ng kung ano-ano basta’t ang mahalaga’y kayo. Kayong malalapit sa akin ang nakakaalam ng katotohanan,”

“Kahit na. Malaking gulo pa rin ang ginawa ng larawan mong ito kasama ang babaeng ito and worst hinalikan mo pa!” naninisi pa rin ang tono ng aking manager.

Napabuntunghininga nalang ako.

“Look, manager Ardou. Everything will be fine. Lilipas din iyan. Ang importante, tuloy pa rin ang kasal namin ni Averie,”

“We need to do something. Magpapainterview ka sa ayaw mo man o sa gusto. Sabihin mong ang babaeng iyon ang unang nanghalik sayo dahil isa siya sa mga obsess fans mo,”

“B-but—” gusto kong tutulan ang nais niya dahil alam kong hindi iyon tama.

“My decision is final, Denisses. No if’s and no but’s,” pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagmamadali na siyang umalis sa dressing room. He even slammed the door.

Naiinis na napahilamos nalang ako sa mukha dahil alam kong wala akong magagawa kapag si Manager Ardou na ang nag-utos sa akin. Malaki rin kasi ang utang na loob ko sa kanya at hindi biro ang pinagdaanan naming dalawa para lang marating ko ang tugatog ng tagumpay kung kaya’t pilit ko nalang siyang inuunawa na kahit sa kaliit-liitang problema ay nais agad nitong masolusyunan dahil mahalaga para sa kanya ang aking career.

JEAN’S POV

“JEAN! Sikat na sikat ka na sa socmed ha! Ang suwerte-suwerte mo talaga kasi hinalikan ka pa sa labi ng idol mong si Denisses!” kilig na kilig si Madel habang sinasabi sa akin iyon. Abala ito sa pag-scroll sa f******k ng napakaraming tags sa akin at sa iba’t ibang sikat na tagapagbalita na nagsheshare ng picture ko na kasama si Denisses.

“Anong suwerte roon? Nakakahiya kamo,” nakasimangot kong tugon pagkatapos ko nang marealize ang mga consequences ng kasiyahan ko nang gabi ring iyon.

“Nakakakilig kaya! Ang haba ng hair mo te!” segunda pa ni Josebeth.

“There’s nothing going on between us. Denisses, kissing me is just his only way to escape to the press. He’s even sorry of kissing someone like me,” hindi ko alam pero nalungkot ako habang sinasabi iyon.

“Sabagay girl, kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon ni Denisses, mas pipiliin ko nalang na halikan ang babae kesa sa pader sa kalsada diba?” sabat pa ni Khen. Inirapan ko lang siya dahil minsan nakakaasar na talaga.

“By the way guys, ngayon na ang kasal ni Denisses,” anunsyo ni Reynard.

Napangiti ako, “That’s a relief. Salamat dahil tuloy pa rin ang kasal niya at hindi nagpaapekto ang fiancé niya sa mga fakenews kung saan involve ako. Kapag nangyari iyon, pagsisisihan ko talaga na uminom ako ng napakaraming wine,”

Hindi na nakasagot pa ang ibang kasamahan namin sa sinabi ko dahil nagsalita ulit si Khen at halatang excited ito.

“Guys, this is urgent! Limang daang libo ang offer ng kapatid ng groom. Kailangan nating makagawa ng paraan para pigilan ang kasal ng kuya ng babaeng tumawag,”

“H-Ha? Bakit daw pipigilan ng kapatid ng groom ang kasal ng kuya niya?”

“ Sabi niya nandoon pa raw sila sa mismong venue ng kasal. Sa Hotel Colle. Nakita niya raw sa isa sa mga rooms ng hotel na may kahalikang iba ang bride to be ng kuya niya at narinig niya rin daw ang pag-uusap ng mga ito na babalik raw ang babae sa lalaking kahalikan nito sa oras na mapasakamay na niya ang lahat ng ari-arian ng groom. Malinaw raw na niloloko ang groom ng kanyang babaeng pakakasalan. Kaya’t lingid sa kaalaman ng lahat, gusto ng kapatid niyang babae na iligtas ito sa maaring maging future damages. Let’s do this, guys,”mahabang salaysay ni Khen.

“I can’t do that,” wika ko sa kanila kaya sabay-sabay ang mga itong napatingin sa akin. Hindi na nagsalita pa ang mga ito at napako na ang kanilang tingin sa telebisyon. Nagpa-interview si Denisses sa isang sikat na tv show ilang oras lamang bago ang kasal nito. Nagpalabas ito ng isang statement tungkol sa larawan nilang dalawa na kumakalat sa balita.

“That lady is an obsessed fan of me. Sinabi ko lang sa kanyang magpapicture lang kaming dalawa but she exceeded to the limit, she kissed me,”

Napatulo ang luha ko nang marinig ang sinabi niya. Naramdaman kong sabay-sabay na napatingin sa akin ang mga kasamahan ko. Walang utang na loob ang lalaking iyan, ako na nga ang napahamak at natake-advantage niya ako pa itong lalabas na masama sa national t.v.

“Walanghiya!” sa galit ko’y ihahampas ko na sana sa tv ang hawak kong bakal nang pigilan ako ng mga kasamahan ko.

“Maghunos-dili ka, Jean. Gagamitin pa natin iyang t.v. mamaya sa misyon natin,” paalala sa akin ni Josebeth.

“Don’t worry,” pinahid ko muna ang aking mga luha. “Sapat na ang mga narinig ko para lumakas ang loob ko na pigilan ang kasal ng kung sino mang Poncio Pilato. Tuparin natin ang kahilingan ng kanyang kapatid. Tutal, wala na rin naman akong mukhang ihaharap sa lahat, lulubos-lubusin ko na ang kahihiyan. Pigilan natin ang kasal,” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status