Share

CHAPTER 4

Matapos umiyak ni Riya saka niya inayos ang sarili at lumabas ng kwarto. Pilit kinalma ang sarili kahit sobrang bigat sa dibdib ng nararamdaman niya ng mga oras iyon. Tatlong araw silang mags-stay doon pero pangalawang araw pa lang niyon ay gusto na niyang umuwi. Hindi niya lang alam ano ang irarason. Kailangan niyang makauwi agad bago pa malaman ng lahat ang nangyari sa kanila.

Bumalik siya sa kwarto at nag-empake ng gamit niya.

Pagbaba niya hinanap niya agad ang magulang ni Elthon para magpaalam. Saktong nasa kusina ito at nagluluto.

"Tita, good Morning po."

"Gising kana pala, nakita mo ba si Elthon wala kasi siya sa kwarto niya kanina kayo daw huling magkasama kagabi?"

"Lasing na lasing po tita doon na po siya nakatulog sa may kubo malapit sa tabing dagat. Iniwan ko na lang po siya doon hindi ko po kasi kayang buhatin siya mag-isa." dahilan niya. Kahit ang totoo ay dalawa silang natulog doon sa kubo.

"Gan'on ba? naparami yata ang inom kagabi ng batang iyon. Sabagay birthday naman niya kaya ayos lang, o siya magkape ka muna. Tatapusin ko lang itong niluluto kong agahan."

"Hindi na po tita. Hinanap ko talaga kayo kasi magpapaalam po sana ako na mauuna ng umuwi. May emergency kasi sa work. Urgent daw kasi sabi ni Attorney. Alam niyo naman sa trabaho ko kahit nasa bakasyon ay kapag urgent ang sinabi hindi ko talaga pwedeng hindi puntahan."

Habang sinasabi niya ang dahilan niyang gawa-gawa lang. Pinagdarasal niya na sana maniwala ang Mommy ni Elthon.

"Nako! tulog pa si Mario sino maghahatid sayo?"

"Kaya ko na po. Magtataxi na lang po ako tapos sasakay na lang ng bus. Huwag niyo na lang po istorbuhin si Mang Mario. Sure ako lasing pa po iyon. Magbibihis na lang po muna ako dederetso na po kasi ako sa office sabi ni Attorney."

"Oh siya mag-iingat ka sa byahe mo ah. Tawagan mo ako kapag nakarating ka ng safe."

"Kayo na lang po bahalang magsabi kay Elthon na may urgent ako sa trabaho. Alam na po niya iyon."

Matapos niyang makapag-paalam. Dali-dali siyang nagbihis at kinuha ang gamit niya.

Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng makasakay na siya ng taxi patungong terminal ng bus. Sigurado siyang sa oras na makasakay siya ng bus alam na ni Elthon na nakaalis na siya. Saka na lang muna niya iisipin paano haharapin si Elthon kapag nagkita ulit sila. Sa ngayon gusto niya muna makalayo sa mismong lugar at makabalik sa kanila.

Maling desisyon yata ang pagsama niya sa birthday celebration ni Elthon na wala si Monica. Hindi pa din matanggap ni Riya na may nangyari sa kanilang dalawa ni Elthon.  Tinatraydor na niya ang kapatid niya. Ayaw niya ng gan'on kahit mahal niya si Elthon ay wala sa isip niya na agawin ito sa kapatid niya.

Nang makauwi siya sa kanila mabuti na lang at wala si Monica. Dumiretso siya sa kwarto niya at nagpahinga. Gabi na nang magising siya nang tingnan niya ang telepono niya ay puro misscall ito galing kay Elthon. Tiningnan niya ang messages ang daming text sa kaniya ni Elthon.

"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"

"Kailangan natin mag-usap"

"Hintayin mo ako diyan mag-uusap tayo."

"Puntahan mo ako sa park, hihintayin kita."

"Nasaan kana?"

"Kapag hindi ka nakipagkita sa akin pupuntahan na kita diyan."

Sa gulat niya sa mga nabasa dali-dali siyang bumangon at saktong pagbukas niya ng pinto ay nandoon na si Elthon. Galit na galit ang itsura nito nang tingnan siya.

"E-Elthon.."

Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at hinila papunta sa sofa.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, may nangyari ba sa atin? nagising akong hubo't-hubad na. Pagbalik ko sa Villa ang sabi ni Mommy nagmadali kang umuwi dahil may urgent sa trabaho mo."

Natatakot siya sa galit ni Elthon. Ngayon lang niya ito nakitang gan'on. Ibang-ibang Elthon ang nakita niya ng mga oras na iyon.

Tumango lang siya habang umiiyak.  Hindi niya alam paano sasagutin ang tanong nito sa kaniya.

"Shit! anong ginawa ko, paanong nangyari iyon?"

"Sorry, hindi ko din alam wala akong maalala. Nagising na lang ako na katabi kita at wala na akong damit. Sobrang lasing ko na kagabi hindi ko alam mga sumunod na nangyari. I'm sorry."

"Pa-paano kung magbunga iyon? paano ko ipapaliwanag kay Monica 'to."

"Ako na magpapaliwanag sa kaniya kung sakaling magbunga. Huwag kang mag-alala lalayo ako. Ayoko masira kayo dahil sa akin. May kasalanan din naman ako. Kung nakinig lang ako sayo na huwag uminom ng sobra sana hindi nangyari iyon. Ang tanga-tanga ko."

Puro sila sisihan sa isa't-isa. Umalis na galit si Elthon.

Isang linggo ang lumipas, nagtaka siya kung bakit hindi na bumibisita si Elthon. Kaya nagtanong na siya sa kapatid niya.

"Monica, hindi ko na yata kayo nakikitang umaalis ni Elthon ah, hindi na rin siya bumibisita dito?"

"Busy daw siya e, saka nasa batangas siya ngayon. May inasikaso daw sila. Babawi na lang daw siya kapag nakabalik na sa abroad ang ate niya. Matagal-tagal din kasi mawawala ulit ate niya e susulitin daw nila ang bakasyon nito."

"Ah, kaya pala. Mas mabuti rin naman iyon para kahit papaano hindi mahome-sick ate niya kung sakaling bumalik ito sa abroad."

Pero alam niyang hindi iyon ang totoong dahilan ni Elthon.

Hanggang kailan niya itatago ang sekreto nila ni Elthon, ngayon pa lang gusto na niyang mangumpisal ng ilang beses kasi alam niyang walang kapatawaran ang ginawa nila.

Nag-focus na lang si Riyana sa trabaho niya. Pilit na inaalis sa isip niya ang kasalanan sa kapatid kahit alam niyang hindi niya iyon matatago habang-buhay.

Lagpas isang buwan na ang nakakaraan, panay kwento ni Monica sa naging bakasyon  nila ni Elthon sa palawan. Nangako kasi kapatid niya na babawi ito kaya noong nagkaroon ng pagkakataon ay niyaya agad nito na magbakasyon sila sa palawan. Medyo nawala ang kaba ni Riya nang sabihin iyon sa kaniya ng kapatid niya. Muli na naman nanumbalik ang kaba at takot sa puso niya nang makabalik na ang mga ito mula sa bakasyon.

Isang buwan na din siyang nakakaramdam ng hilo, may pagkakataon pa na nasusuka siya. Medyo nakakaramdam na din siya ng pagiging antukin hindi naman siya gan'on. Kahit maaga siyang natutulog at sakto naman siya sa pahinga pagdating sa office parang hinihila ang mata niya na pumikit. May isang beses na habang gumagawa siya ng report bigla na lang siyang nakatulog, kung hindi pa siya ginising ng isa niyang kasama ay hindi talaga siya magigising.

Naalala niya ang sabi ni Elthon na baka sakaling magbunga ang nangyari sa kanila. Dahil pareho silang walang maalala sa nangyari. Kaya napagdesisyunan niyang mag-pregancy test na.

Nang gumihit ang dalawang linya napaupo na lang si Riya sa gilid ng banyo. Tatlong pregancy test ang ginawa niya at pareho lang ang resulta. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa niya. Hindi na mababawi ang nangyari. At wala na siyang magagawa dahil nagbunga nga ang nagawa nila, nag-leave siya sa trabaho pagkatapos niyon at mag-isang pumunta sa doctor. Pinili muna niyang huwag ipaalam kay Elthon. Pumunta muna siya sa doctor para makompirma ang lahat.

"Congratulations Misis, you're three weeks pregnant." napagkamalan pa siyang Misis hindi na lang siya pumalag baka ano pa masabi sa kaniya.

Agad niyang tinawagan si Elthon, ang alam niya ay wala itong lakad, at sakto namang sinabi ni Monica na hindi siya uuwi ng dalawang araw dahil may tatapusin sila.

Sa park kung saan sila unang nagsumbatan ni Elthon nagkita.

"Anong importanteng pag-uusapan natin bakit kailangan dito pa tayo magkita?" agad na tanong ni Elthon.

Inabot niya ang isang brown envelope kay Elthon. Naglalaman iyon ng pregnancy test at ang result na galing sa doctor na nagpapatunay na buntis nga siya.

Kunot-noo itong binasa ni Elthon, Saka tumingin sa kaniya. "Buntis ka?"

"Oo at ikaw ang ama. Nagbunga ang nagawa natin Elthon. Ano ang gagawin ko?"

"Huwag mo akong tanungin. Bakit ngayon pa? kung kailan nagpropose na ako kay Monica."

Hindi na siya nagulat alam niyang si Monica talaga ang papakasalan ni Elthon.

"Nagpropose  na ako kay Monica noong nagpalawan kami, hindi muna namin sinabi dahil inaayos pa ang last will and testament ni Daddy. Makukuha lang namin ang mana namin kapag nagpakasal at nagkaroon na kami ng anak. Iyon ang bilin ni Daddy ang bigyan na ng apo si Mommy."

Matapos pala ang birthday ni Elthon ay naaksidente ang Daddy niya na-coma ito pero hindi nakayanan kaya namatay. Isanng buwan na ang nakakaraan.

"Hindi pa nga kami tapos magluksa. Dumagdag pa iyan ano na lang sasabihin ko sa pamilya ko. Nabuntis ko kapatid ng girlfriend ko. Anong klaseng utak meron ako! iyan ang sasabihin nila sa akin."

"Hindi ko naman pinapaako sayo ang bata sinabi ko lang dahil karapatan mong malaman. Huwag kamg mag-alala kaya ko buhayin to mag-isa. Maghahanap lang ako ng malilipatan, lalayo na ako sa inyo. Hindi ko guguluhin ang buhay niyo. Hindi ko naman kasalanan na magbubunga pala."

Basta na lang niya tinalikuran si Elthon at umiiyak na umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status