Share

CHAPTER 5

Dalawang buwan na ang lumipas simula ng ipaalam niya kay Elthon ang pagbubuntis niya.

Unti-unti na din lumalaki ang tiyan niya kaya alam niyang hindi niya talaga maitatago iyon kahit kailan. Nagpaalam na din siya sa boss niya na magre-resign na siya. Lilipat siyang maynila para doon magbagong buhay. Hindi niya pa din alam paano sasabihin kay Monica ito pero wala siyang balak itago ito sa kapatid niya.

Dahil alam niyang malalaman din ni Monica ang kalagayan niya. Hahanap muna siya ng tamang tyempo. Sa ngayon ang anak muna ang uunahin niya.

Isang linggong wala sa bahay nila si Monica kaya naman nakahanap siya ng pagkakataon para umalis. Masakit para sa kaniya ang hindi magpaalam sa kapatid. Hindi niya kayang harapin si Monica, baka hindi niya kayanin. Kaya minabuti niyang umalis ng walang paalam kahit kay Elthon ay hindi niya pinaalam. Huling usap nila ay sa telepono lang pinaalam niya ang kalagayan niya at ng magiging anak nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ni Elthon ang nangyari.

Umpisa pa lang naman ay sinabi na niya kay Elthon na hindi nito kailangan akuin ang responsiblidad. Kaya niyang buhayin ang anak niya na mag isa. May konting ipon naman siya kahit papaano. Gagamitin na lang niya iyon para sa bagong buhay na tatahakin nilang dalawa ng anak niya.

Kahit walang kasiguraduan ang buhay niya ay gagawin niya ang lahat para sa anak.

Alas otso ng umaga siya nakarating sa sakayan ng bus. Isang maleta lang ang dala niya hindi na siya nagdala pa ng madaming gamit. Mga mahahalaga lang ang dinala niya.

-

"Love, susunduin mo ba ako? uuwi kasi ako ngayon. May promise ka hindi ba, dadalhin mo ako sa resthouse ng ate mo. Naka-leave ako ng two days baka pwede tayo mag-overnight doon. Gusto ko muna mag-relax grabe nakakapagod sa work." ani Monica sa kabilang linya.

Matapos ang isang linggo niyang pag-oovertime lagi sa trabaho dahil madami silang investor na nakipag-meeting kaya hindi siya nakauwi ng halos walong araw. Pauwi na siya sa bahay nila ng tawagan niya si Elthon. Pero hindi niya inaasahan ang madadatnan niya.

Wala na ang kapatid niya sa bahay nila. Nang tingnan niya ang buong kwarto nito ay halos wala na ang ibang mga gamit nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Hindi niya alam bakit umalis ang kapatid niya ng walang paalam. May iniwan itong sulat sa kaniya.

Monica,

'Kapag nabasa mo ang sulat ko na ito ay nasa malayo na ako. Huwag mo na akong hanapin. Patawarin mo ako kung umalis ako ng walang paalam hindi ko kayang magpaalam sayo ng personal. Patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan. Huwag mo sana sumbatan si Elthon wala siyang kasalanan sa nangyari. Mahal na mahal ka niya higit pa sa inaakala mo. Sa paglayo ko dala ko ang isang regalong iiwan niya sa akin. Alam kong mahuhulaan mo na ang ibig kong sabihin. Maiintindihan ko kung magagalit ka dahil walang kapatawaran ang nagawa ko. Hindi namin sinasadya ang nangyari. Pareho kaming nalasing nang araw na iyon. Ayoko masira ang nasimulan niyo kaya ako na ang lalayo. Patawarin mo ako kung minahal ko din si Elthon. Patawarin mo ako, wala akong intensyon na guluhin ang relasyon niyo. Ito lang ang paraan ko para hindi na ako Makagulo sainyo. Sana pagdating ng panahon ay mapatawad mo ako sa nagawa ko.

Riyana.

Naikuyom ni Monica ang kamao niya, naglaho ang galit at sakit. Gusto niyang sugurin si Elthon pero ayaw muna niyang magpadalos-dalos. Hindi niya ugali ang gan'on. Hinintay na lang niya na sunduin siya ni Elthon. Saka na niya kakausapin si Elthon kapag nasa Batangas na sila.

Dumating si Elthon, pilit niyang pinakita sa nobyo na parang wala siyang nalaman. Ayaw niya sumbatan agad ito, baka hindi na naman niya mapigilan ang umiyak. Tinakpan lang niya ng make-up ang mukha niya para hindi mahalata ni Elthon na galing siya sa pag-iyak.

Walang kasing sakit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon pero wala siyang magawa kung hindi ang tiisin ang sakit hanggang sa makarating sila sa Batangas. Nagpahanda ng dinner si Elthon pagdating nila, sinurprise siya dito. Pinakita niya pa din na nasiyahan siya sa ginawa nitong pag-supresa sa kaniya. Kahit gustong-gusto na niya itong kausapin.

Niyaya siya ni Elthon na pumunta sa tabing dagat.

Iyon ang unang beses siyang dinala ni Elthon sa lugar na iyon hindi kasi siya nakasama noong mismong kaarawan ni Elthon dahil sa trabaho niya. Sayang at hindi niya makikita gaano ito kaganda dahil gabi na sila dumating.

"Ang sarap ng simoy ng hangin dito, nakaka-relax. Pakiramdam ko hinihigop ako ng dagat. Napakalamig, ang sarap sa tenga bawat hampas ng alon."

"Ganiyan na ganiyan din sinabi ni Riya noong sumama siya dito."

'Kaya ba nadala kayo sa hampas ng alon kaya nakagawa kayo ng isang malaking kasalanan sa'kin."

Sambit ni Monica sa isip niya.

"Naikwento nga niya sa akin. Kaya nga gusto kong pumunta dito. Sayang hindi ko nakita gaano kaganda ang lugar. Madilim na kasi tayo dumating."

"Hayaan mo love, ipapasyal kita dito bukas para makita mo gaano kaganda ang lugar na'to."

"Talaga? promise mo iyan ah!" excited na aniya kahit hindi naman totoo ang nararamdaman niya.

Bawat pagkukunwari niya sa pinapakita niya kay Elthon ay gusto niyang maiyak. Titiisin niya muna ang nararamdaman hanggang bukas.

Pagsikat ng araw, ay simula na rin ng paglimot niya sa pagmamahal niya para kay Elthon. Mahal na mahal niya ito, pero hindi niya kayang makihati sa dalawang tao.

Kay Riya at sa magiging anak nila ni Elthon. Buo na ang desisyon ni Monica ipapaubaya na niya si Elthon sa kapatid niya. Ayaw niyang lumaki na walang ama ang anak ni Riya. Oo nasaktan siya pero hindi sapat na dahilan iyon para tanggalan ng karapatan ang isang batang walang alam sa isang kasalanan. Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang niya.

Hindi rin siya gan'on pinalaki ng magulang niya. Iyong sakit kaya naman maghilom, hindi nga gan'on kadali dahil dadaan siya sa mahabang proseso. Pero ang magkaroon ng isang kompletong pamilya ang isang bata, siguro isa iyon sa tamang desisyon na gagawin niya. Kahit unfair iyon sa part niya.

Wala na siyang magagawa dahil nandiyan na. Hindi na niya kayang ibalik o bawiin ang nagawang kasalanan ng dalawa.

Kinabukasan, maaga siyang nagising at nag-ayos. Saktong paglabas niya ay gising na din si Elthon, naghahanda na ito ng agahan nila pagbaba niya.

"Good Morning love, gigisingin na sana kita o hindi kaya hahatiran na lang ng pagkain sa kwarto. Gising kana pala."

"Good Morning, maaga kasi akong nagising kaya naligo na rin ako saka nag-ayos. Excited kasi akong mamasyal sa lugar na'to. Natanaw ko kasi sa bintana kanina ang ganda-ganda pala talaga dito."

Totoo iyong sinabi niya, hindi niya ikakaila sa sarili niya iyon na sobrang nagandahan siya sa lugar. Sobra siyang namangha sa tanawin. Gusto niya manirahan sa ganito kagandang lugar. Iyong tahimik at palayo sa ingay ng syudad.

"Sabi sayo e ang ganda ng view galing sa taas lalo na sa kapag nakita mo na talaga kapag nasa labas na tayo."

"Halika na kumain kana dito para makapamasyal na tayo. Baka gusto mo maligo sa beach magdala ka na din ng pangligo."

"Sige, magdadala ako. Ligo tayo ah! samahan mo ako. Pwede ba mag-snorkeling dito?"

"Hindi ako sigurado itatanong ko mamaya. Hindi ko pa din kasi na-try iyon e."

"Sana naman ay pwede. Gusto ko kasi ma-try iyon. Hindi pa natin na-try iyon hindi ba? noong nagpalawan tayo sayang nga e."

Matapos nila kumain ay naghanda na siya ng dadalhin niya.

"Wohhhhhhoooooo! ang ganda!" napasigaw siya pagdating nila sa beach.

"Mas maganda pala ang dagat sa umaga kaysa gabi. Tara love gusto ko ng maligo."

Hindi na siya makapag-antay kaya naligo muna sila.

Ang saya-saya nilang dalawa. Sinulit ni Monica ang pagkakataon na kasama pa niya si Elthon. Na hawak pa niya ito dahil ano mang oras ngayon ay bibitawan na niya ito. Susulitin muna niya ang konting oras na magkasama pa sila. Ito na ang huli, hindi na niya muling makakasama ng ganito ang taong mahal niya.

Sobrang sakit para sa kaniya ang bitawan ang pagmamahal niya kay Elthon. Parang binuo niya lang ito para bumuo ng pamilya sa iba at ang mas masakit pa ay sa kapatid niya pa mismo.

Hahanapin muna niya si Riya, saka siya lalayo. Balak niyang puntahan ang mga magulang sa ibang bansa. Doon na muna siguro siya hanggang sa makalimot siya.

Alam niyang hindi madali, darating din ang panahon na matatanggap niya ang nangyari saka na siya babalik kapag nangyari na iyon. Hahanapin muna niya ang sarili. Bubuoin muna niya ito dahil aalis siyang durog, hindi lang ang puso niya kung hindi ang buo niyang pagkatao.

Parang tinanggalan siya ng karapatan maging masaya. Ikakasal na sana sila ni Elthon hindi niya akalain na sa iba na niya ito itutuloy. Hindi rin siya papayag na hindi panagutan ni Elthon ang kapatid niya. Hindi siya aalis ng bansa hangga't hindi naikakasal si Elthon at kapatid niya. Gusto niyang siguraduhin ang kalagayan nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status