Share

CHAPTER 6

Sobrang saya ni Monica dahil hindi siya binigo ni Elthon nilibot siya nito sa buong lugar. Malaki-laki din ang nabiling lupa ng ate niya. Kasama na ang Villa alak nga itong gawing resort ng ate niya. Inaayos na nila ang mga papers para opisyal na itong maging resort.

Mas mabuti na din iyong mapagkakitaan nila ang lugar para kahit papaano ay mabawi din ng ate niya ang gastos. ipapa-renovate ng ate ni Elthon ang Villa, para pwede itong rentahan ng gustong mag-staycation sa lugar.

"Ano love, nag-enjoy ka ba?" tanong nito sa kaniya pagbalik nila sa Villa.

"Yes, sobra ang ganda-ganda kasi talaga ng lugar. Ito iyong klase ng lugar na babalik-balikan ko kung sakali."

"Babalik tayo dito sa susunod."

Ngiti lang ang ginanti niya sa sinabi ni Elthon. Ayaw niyang sagutin dahil alam niyang hindi na iyon mangyayari pa.

"Magpahinga ka muna love alam kong napagod ka gigisingin na lang kita kapag handa na ang pagkain." ngumiti at tumango lang siya, saka siya nito hinalikan sa noo bago umakyat sa kwar
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status