Share

Chapter 5

SHANELLE's POV

"Here's your tea."

"Thank you." Buti pa itong si Mister Blackmore marunong magpasalamat, hindi gaya ng iba r'yan.

"Where do you want to eat, President Blackmore? I know you've been on a long flight, so you're hungry. We can discuss things while eating. What do you think?"

"Sure. Let's go on a Japanese Restaurant."

"Alright. Miss Krousei, find the best Japanese Restaurant."

Ha! Gusto mo lang akong pahirapan e!

"Okay. Sandali lang." Lumabas ako. Nagpunta ako sa receptionist.

"May nagreply ba? Sorry, ha. Nawala kasi talaga ang cellphone ko," sabi ko ro'n sa babaeng kumausap kanina sa akin.

Hiniram ko kasi ang cellphone niya at iyon ang ginamit kong nagtext sa phone ko.

"Mayro'n, ma'am." Ibinigay niya sa akin ang phone niya.

'2 p.m. at Remington's Coffeeshop.'

"Huwag mo na akong tawaging ma'am. Parehas lang naman tayong empleyado rito. Shan na lang."

I deleted the message.

"Pero mas mataas pa rin ang posisyon mo kaysa sa akin."

"Tsk. Ayaa, kahit na, ano ba. Here. Thank you, ha. I'll treat you to lunch tomorrow, okay lang ba?"

"O-Okay. Sure. Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba..."

"Ah! Itatanong ko sana kung may alam ka bang Japanese Restaurant dito."

"15 minutes away lang ang Japanese Restaurant na alam kong nagseserve ng pinakamasarap na Japanese food dito."

"Saan?"

"Pagdating mo lang sa main road ay dumiretso ka na saka ka kumanan. Sundan mo lang ang kalsada hanggang sa makita mo ang pinakamatayog na gusali ro'n. 'Yon na ang hinahanap mo."

"Thank you, and sorry for disturbing you."

"It's okay. Parte ng trabaho ko."

"Shanelle Fane Krousei." 

"Yes, President Morelli?" 

Kailan pa ito narito? 

"You're idling. Didn't I ask you to--"

"Patience, President Morelli. I did what you asked me to do! This way, Mister Blackmore."

"You--!"

Sumunod ka na lang kasi. Dami mo pang sinasabi, e.

"Give me the key, I'll drive. Just tell me the location."

"No, I'll drive. Ako ang sekretarya mo, hindi ba? Right, Mister Blackmore?"

"Ah, y-yes?" he confusingly said.

"Thank you for agreeing." Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Thank you."

"E, ikaw? Gusto mo bang maiwan? Pasok ka na. President Morelli."

"Why don't you open the door for me, Secretary Krousei?" He emphasized the word secretary.

Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Ah!!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"May tinanggal lang naman ako sa buhok mo. Arte mo."

Pfft, nagtanggal talaga ako ng isang strand ng buhok niya. Alangan naman kasing suntukin ko siya, e 'di pinagchismisan na ako ng mga empleyado rito.

"Are you declaring a war?" mahinang tanong niya.

"Yes." Ginawa mo pa ang sekretarya mo, gusto mo lang pala akong pahirapan.

"Is there something wrong, President Morelli?" tanong ni Mister Blackmore.

"Nah. Don't mind me. Just some insect." Tuluyan siyang pumasok.

"You're welcome. Ang bait ko talagang nilalang."

----------

Kasama kong nakaupo sa isang table ang dalawang babaeng kasama ni Mister Blackmore, habang ang dalawang lalaki nama'y nasa kabilang mesa. Busy silang nagkikwentuhan habang kumakain. Minsan nga, nakikita kong tumatawa si Mister Blackmore samantalang si Axel, tanging matipid na ngiti lang ang iginagawad.

"You should eat more. You're too skinny." Binigyan ko ng hipon ang isa.

"By the way, I'm Shanelle. You, too. Don't waste the food." Naglagay rin ako ng hipon sa plato ng isa.

"Thank you. I'm Eleanor, and she's Alexa."

"Hm. Nice to meet you, guys."

Thirty minutes have passed, and within that time, I somehow felt comfortable with them. They're friendly. They're just shy to approach me. We shared some of our embarrassing and funny moments with each other kaya madali lang naming nakuha ang kiliti ng isa't isa.

"You're funny. Don't you think it's time for you to get yourself a boyfriend, at least?" Eleanor said.

"I can live together with my mom. I don't need a man." Kahit sa totoo naman ay may asawa na ako.

"But your life will be more colorful when you... you know, have a man by your side who can be with you through your ups and downs. Like me," Alexa proudly said.

"And I think it's better if you steal President Morelli's heart. You're quite a good match. Right, Alexa?"

Alexa agreed.

"No way. You don't know him. We're not compatible. Really."

"Why did you say so? You didn't even try."

"No, thanks. I will never try. Never."

They both shrugged.

Tumingin ako sa table nina Axel.

Kung mabait siya, p'wede. P'wede siguro na pangarapin siya bilang makakasama ko habangbuhay. Ang kaso, zero-point siya sa ugali. Saka magfa-file din ako ng annulment after I settle down all my worries. I want to start living without him. Without anybody else, but my mom.

"Can I borrow your phone? I'll just make a call. Just one call."

"Here. You can borrow mine. Just don't go over my videos," Alexa lowered her voice upon saying the last word.

"Let me guess. X-rated?"

"Shh!" Ngumisi ako sa reaksiyon niya. This woman. 

"Who are you going to call?" Eleanor asked.

"Just someone." I stand up and went to the comfort room.

Tinawagan ko ang number ko. Nakakailang ring pa ito bago may sumagot. 

"Uh? Hello? Kuyang pogi? Ateng maganda? Lolo? Lola? May ngipin o wala? Panot o hindi? Hello? May nakikinig ba? Hello?"

[Pfftt!]

"Hey. Hindi mo naman siguro...? Err. Baka nakita mo na. Don't spill anything you saw in my phone, okay? I'll do everything you'll say, just don't. Tell me, what do you want? I'll give it to you when we meet."

[I want you.] Lalaki ang sumagot. 

"P-Po? N-No w-way! What do you mean you want me?!"

Kinilabutan ako ro'n sa narinig ko, tae! Nag-aadik siguro iyon. Ibebenta niya ba ang mga lamang-loob ko?! Pagkakakitaan niya siguro ako o kaya'y gagahasain. Kung gano’n, sa kanya na lang ang phone basta buo pa ako. No more, no less.

"Wait. Narinig ko na ata ang boses mo somewhere e."

[I'm glad you're still familiar with my voice.]

"You... You're the man in the taxi, right? The man at the airport, too! President Weston?! Am I right?"

[Right.]

"Hintayin mo ako ro'n sa coffeeshop na sinabi mo. I'll be there." Tiningnan ko ang relo ko at may 45 minutes pa bago mag-alas dos.

[I will return your phone, in one condition.]

"H-Ha?? Mayaman ka na naman kaya hindi mo na kailangan ng pera, hindi ba? Ano bang kondisyon iyan?" 

[Go out with me.]

"WHAT?!"

ANO RAW?! NABINGI NA BA AKO?!

"Ulitin mo nga. Namali ata ako ng narinig. Pera ba ang hinihingi mo?"

[I said, let's start dating.]

"Prank ba ito? Naku ha. I'll just pretend you didn't say that."

Bored na ata sa buhay ang mga negosyanteng ito at ako pa ang pinagtritripan. Una, si Axel. Ngayon naman itong Kaden Weston na ito.

[I'm serious.]

"Just why? Why me?!"

[I'll help you get rid of your marriage contract with that Morelli.]

Nakita niya.

"Hey! Shh, baka may makarinig sa 'yo." Bakit kasi ang tanga ko at hindi ko muna tiningnan kung butas o hindi 'yong coat bago ko isinuot e!

[Your secret is safe, for now. Meet me. Don't be late.]

"Wait! Yah! Hello?! Hello?!"

Really? Binabaan niya ako? Hindi pa ako tapos magsalita!

Gosh. Ano na naman bang pahirap ang dadanasin ko sa kamay ng Weston na 'yon??! Sobra-sobra na nga si Axel para i-handle e.

"Shanelle? You there?! Are you okay? Shanelle?" 

"Is she in there?"

The two girls are knocking on the door.

"U-Uh, wait! Yes! I'm here. Just a sec!"

Agad akong nag-ayos at lumabas ng cr. 

"You okay? We got worried. You've been in there for ten minutes."

"I'm good. I just had a nice conversation with my mom, so it took that long." Isinauli ko kay Alexa ang phone niya.

"We thought you fainted and hit your head."

I laughed. "Stop watching too much drama."

"By the way, we're about to leave. Let's go."

"Wait. Can you tell President Morelli that I won't be able to send them back?"

"Why? He's your boss, so go tell him yourself."

Hindi ako makakaalis kapag sasabihin ko pa 'yan sa kanya.

Nagpanggap akong nahihilo.

"Are you really okay?"

"I'm fine. I just need to go to the hospital to take my medicines. So, please? Can you do me a favor? Please?"

"Okay. Okay."

"Thank you. You can go. I'll just rest here for a minute."

"Are you sure you can handle yourself?"

"Yes. Thank you for your concern. Hope to see you again, girls."

Pagkaalis nila ay nilapitan ko ang isang staff ng restaurant.

"Miss, bukod do'n sa entrance na mayro'n kayo sa harapan, may iba pa ba kayong daan palabas? Sorry, emergency lang talaga."

"Ah. Mayro'n po, ma'am. Sundan niyo lang po ako."

Sinundan ko siya at sa likuran kami lumabas.

"Salamat."

"Welcome, ma'am."

Pumara ako ng taxi.

"Remington's Coffeeshop po."

Pagkarating ko sa harapan ng coffeeshop, hinarang ako ng guard. Itinuro niya ang whiteboard sa gilid.

*REMINGTON'S ANNIVERSARY; WE'RE ONLY ACCEPTING COUPLES.*

"Ma'am, you are not allowed to enter. Makakapasok ka lang po kung may kasama ka. Hindi po pwede ang single dito. Pasensiya na po," sabi ng security guard.

What kind of celebration is that?! Bakit bawal ang single?! 

"Wait!! May kasama ako!"

"Wala po akong makita. Huwag po ako ang pinaglololoko niyo. Alis. Sa iba na lang po kayo."

"Sandali lang po." Sinilip ko ang loob.

"Huwag na po kayong makulit."

Remington's Coffeeshop, anong klaseng tao ba ang nagpapalakad nito?!

"Boyfriend ko ang may-ari ng coffeeshop na ito. Hindi mo ba ako nakikilala?"

Tumawa ang guard.

"Babae ang may-ari ng coffeeshop na 'to."

Sabi ko nga babae.

Sobrang nahihiya na ako sa pinaggagagawa ko rito. Pinagtitinginan kasi ako ng mga tao sa loob. Pati na rin 'yong mga napapadaan.

"Ma'am, huwag na po kayong magsimula ng gulo rito. Mas mabuti pong umuwi na lang kayo."

"May ichecheck lang talaga ako sa loob tapos aalis din agad ako. Please, kuya?"

Patuloy ako sa paghahanap sa loob nang may mahagilap ang mga mata ko. Kaden Weston at the corner reading some documents. 

"Siya, kuya. Siya ang kasama ko!"

"Si Sir Weston? Hay naku, sabing sa iba ka na lang e. Huwag mo akong lokohin. Kahit maganda ka, hinding-hindi ‘yan lilingon sa iyo."

Bakit ba ang kulit mo rin?!

"Hon... HONNNNEEEEYYYY!"

Lumingon ang lahat dahil sa pagsigaw ko. Nakakahiya! 

Ito kasing si kuya eh!!

Napatingin dito si President Weston.

"Sinasabi ko sa iyo, kuya. Ayaw mo pa kasi akong papasukin ah."

Inilapag ni President Weston ang binabasa niya saka naglakad palapit sa amin.

“See?”

“Why are you blocking her? Let her in.”

“Naku, sir. Pasensiya na. Hindi ko kasi alam na girlfriend niyo siya. Sabi kasi ni ma’am Kenzie huwag magpapapasok ng single maliban sa ‘yo,” paliwanag ng guard. “Sorry po, Miss. Sige, pasok na po kayo.”

“Follow me.” Sinundan ko siya sa loob hanggang sa naupo kami sa dulo.

"Oh my gosh! Girlfriend siya ni Kaden Dark Weston?"

Narinig ko ang bulong ng babae sa katabi naming table.

“Are you that famous? Baka madali ako bukas. You know, ayokong maging laman ng telebisyon at dyaryo.”

Pinirmahan niya ang isang dokumento.

“Not that famous compared to your husba—” Tinakpan ko ag bibig niya.

“Don’t mention his name.”

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya.

“So, did you think about what I said?”

Umayos ako ng upo.

“Alin? ‘Yong huling sinabi mo? Well, my answer is no. you know that…” Lumapit ako sa kanya ng kaunti. “You know that I’m legally married to Axel and asking me to go out with you is against my morals, and that’s considered cheating. So, no.”

“Do you love him? Does he love you? Why did you marry him? Why did you hide your relationship to the public? Aren’t you proud to have him as your partner in life, or it’s the other way around?” sunod-sunod niyang tanong.

Napalunok ako. Should I tell him the truth? Gosh, why is he asking me these kinds of questions?

“Why are you asking me that, President Morelli?”

“You’re forced to marry him, aren’t you?”

“Give me back my phone.”

This man is dangerous.

He smiled. A genuine one.

Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bulsa niya. 

“I mean no harm to you nor to him. I’m just curious.”

“Hm, no, no. Huwag mo na lang alamin. It’s better for you to stay out of my affairs. Now, give it.”

Muli niya itong ibinalik sa bulsa niya.

“Hey!”

He stared at me like he’s analyzing some paperwork.

“I’m hurt. Did you really forget me?”

Tinitigan ko siya. Sinong makakalimot sa mukhang iyan? He’s handsome, yes, but I really don’t know him.

“Bakit? Kilala ba natin ang isa’t isa? I think no. Ngayon lang kita nakita.” 

“Give me your hand.”

“Bakit na naman? Can you just give me back my phone? May trabaho pa akong tinakbuhan e.”

“Tsk. Just give me.” Kinuha niya ang kaliwang kamay ko. 

“Hoy…”

He intertwined our hands and draw a heart on our thumbs. 

Bale, ang kalahating puso ay nasa hinlalaki ko, tapos ang kalahati nama’y nasa kanya.

“You…”

“It’s me.”

“Oh?” Binawi ko ang kamay ko sa kanya.

Namiss ko tuloy bigla ang batang lalaking palagi kong kalaro noon. Tanda ko pa nga na lagi kong ginagawa ang bagay na ito sa mga kamay namin.

“Hindi ko alam na mahilig ang isang Kaden Weston sa mga ganito kakorning bagay. Alam mo rin pala ito?”

“Tss. It’s me. Hindi mo talaga ako naaalala? What’s inside your head?” Pinitik niya ang noo ko.

“Ouch! Sino ka ba? Akin na nga ang cellphone ko at may trabaho pa ako.”

“Elle, it’s me. Can’t you really recognize me anymore?”

“How did you know that nickname?” Iisa lang ang taong tumatawag sa akin sa pangalang ‘yan.

“Ako lang naman ang pinangakuan mo ng kasal noon. But look at you now, youre already married with someone else,” masungit na sabi niya.

“West?!”

“No other than.”

“Oh my gosh! You… Ang laki na ng pinagbago mo! Ikaw ba talaga ‘yan?” Tiningnan ko siya nang mabuti. My crush, mas lalo siyang gumwapo. 

“Yeah. Welcome back.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status